Naganahan akong magud ng mahaba dahil natawa ako at nagandahan sa Story ni KuyaSoju! Idol
Betty (BERTO) POV
Hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi ng Tsang ni Pedro bago kami umalis. May girl daw na nakasunod sa likod ko at kafacemuk ko pa siya. Alam kong kaluluwa ni REAL BETTY yun at maaring bet niya nang getlakin ang body niya.
"Betty, okay ka lang ba?" tanong ni Pedro habang nasa taxi kami pauwi sa balurr.
"Keri lang! Nashoshokot kasi akesh sa ghost ni real Betty. Knows mo namang afraid ako sa multo."
"Huwag kang matakot dahil lagi lang ako sa tabi mo" hinawakan niya ang kamay ko habang inispluk yun. Lagi nalang niya akong kinocomfort, kailan kaya ako makakabawi sa kanya?
"Hoy, nakakarami ka na ng hawak ha!" tinignan ko siya ng masama sa mga mata niya.
"Bakit ayaw mo?" pang-aasar niya.
"Keri lang!" mas hingpitan ko pa ang hawak pagkakahawak niya at sumandal akesh sa hot body niya. Nakaborlog na akesh.
Napanaginipan kong muli ang lalaki.
Nasa dalampasigan kami at magkayakap ng biglang may dumating na matandang lalaki. "Pa, bakit ka nandito?" tanong ko raw dun sa matanda.
"Layuan mo ang lalaking yan at umiwi na tayo" sigaw nung matanda.
"Pa, hayaan mo na kami ni Cyrus, nagmamahalaan kami at buntis na ako!" ko sa matanda.
"Ano buntis ka na? Hindi kita pinalaki at pinag-aral para lang magpaloko sa mababang uri ng taong iyan!" sigaw niya sa amin.
"Pa, hindi ko hiningi ang lahat ng iyon, ang tangi ko lang pangarap, ang mabuhay kasama ang kaisa-isang lalaki na mahal ko!"
Kitang kita sa mukha nung matanda ang galit at poot. Napatayo kami dahil nakita naming bumunot siya ng baril mula sa likuran niya. "Pa, huwag mong gawin ito!" sigaw ko
"Sir maawa naman kayo sa anak mo at sa magiging apo mo!" singit nung lalaki na kasama ko.
"Papatayin kita! Hayop ka!" itinutok ng matanda ang baril sa kasama kong lalaki.
"Cyrus, tumakas kana please kilala ko si Papa, alam kong may kapasidad siyang patayin ka!" sabi ko sa lalaki. Niyakap niya ako "Hindi kita iiwan! Mamamatay muna ako bago tayo magkalayo!" hinawakan niya ako sa kamay at hinila patakbo sa dagat. "Magtiwala ka lang sa akin" huling sabi niya. Nakarinig nalang ako ng putok ng baril at bumaksak siya sa dagat.
"Cyrus, gumising ka! Huwag mo akong iiwan" bumuhos na ang luha ko habang nasa tubig at yakap ang katawan niya. "Huwag mong kalilimutan ang pagmamahal ko sayo, ipinapangako ko na babalik ako para magkasama na tayo" ito ang huling salita na lumabas sa bibig niya. Tuluyan ng binawian ng buhay ang lalaki, at napuno ng dugo ang malinaw na tubig.
AH AH AH UGH
"Betty, gising! Binabangungot ka!" pagmulat ko nakita ko si Pedro na ginigising ako.
AH AH AH "Pedro, napanaginipan ko si OLDBetty at ang kanyang dating kasintahan!" sabi ko. Nanlalamig ang aking pakiramdam at basang basa akesh ng pawis.
"Betty, sigurado ka ba?"
"OO si OLDBETTY iyon at si Cyrus na BF niya." pilit kong sabi kay Pedro.
"Sige kakausapin ko si Tsang bukas para matulungan niya tayo"
"Bakit ispiritista ba siya?" pagtataka kong tanong. Umupo na ako ng diretcho at nagpunas ng mukha.
BINABASA MO ANG
Gay Soul
FantasyPagiging isang babae ang maituturing na "GOLDEN WISH" ng isang "BEKI"..... PERO "PAANO KUNG MADEDS KA AT ANG GOLDEN WISH AY MATUPAD" SA KATAUHAN NG ISANG "Kontrabida SUPERSTAR" Ano ang gagawin mo? Sa Bongga pero magulong takbo ng buhay niya? Don'...