"Ang chakaness pala masayt ang sarili kong puntod!" BETTY(OLDBERTO)
Pedro POV
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa ipinagtapat ni Maam Betty este Berto pala. Sino ba naman kasi ang makakapagsabi na nangyayari pala ang ganoong bagay sa tunay na buhay?
"Berto, alam kong masaya ka dahil ito ang pangarap mo pero hindi kaba natatakot na baka isang araw ay bumalik na ang totoong Betty?" tanong ko sa kanya habang nakapamewang pa siya sa harap ko.
"Pedro una sa lahat Betty na ang namesung ko ngayon. Sa totoo lang hindi naman akesh nashoshokot kung sakaling magreturn from da deds si OLD BETTY at getlakin ang body niya. Masaya na ako na naranasan ko ang bagay na hinahangad at pinagarap ko. Kaya maluwag sa loob ko na igivesung sa kanya ang body niya!" hindi man lang ako nakakita ng takot sa mga mata niya.
"Pero kung sakaling dumating ang panahon na iyon? Paano kana at saan ka mapupunta?" naguguluhan pa rin ako sa sitwasyon niya.
"Maybe sa heaven o sa ilalim" nakuha niya pang magbiro.
"Alam na ba ito ni Francis?"
"OMG Pedro anong akala mo sa akin shobo? Ikaw lang naman ang nakaknows nito bukod sa akin."
"Balita ko nagdate kayo?"
"Oo, inaya pa nga niya ako ng kasal eh!"
"Anong sagot mo?"
"Syempre! OO!" nagulat ako sa sinabi niya. Hindi niya naman lubusang kilala si Francis tapos magpapakasal siya dito. Tumayo ako at binatukan siya katulad dati.
"Hoy! Berto! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" napasigaw ako dahil sa katangahan niya. Lumapit siya sa akin "Gelli De Bellen ka noh?" bulong niya sa akin. "Nagpapatawa kaba? Ako magseselos? eh kahit alam ko na maganda, sexy at higit salahat ay babae kana ngayon wala ka paring epekto!"
"Ikaw talaga Pedro! inaasar mo pa rin ako!" nagharutan kami na tulad noong si Berto pa siya. Muli kong naramdaman ang sigla sa buhay.
"UY Betty, hatid na kita sa bahay dahil kailangan kong pumunta kila tsang"
"Edi isama mo ako! Gusto ko makita ang tsang mo" nagpumilit siya na parang bata. Hindi talaga siya marunong mahiya, nagiinarte siya na parang bata. "Uy Betty, itigil mo nga iyan dahil hindi bagay sayo at baka ano pa ang isipin ng makakakita sa atin!" hindi parin siya tumigil.
"Sige na nga! Basta behave ka lang at huwag masyadong maingay" tumayo na siya at tumigil na rin sa pag-arte. "Sabi ko na nga ba hindi mo akesh matitiis eh!" malandi niyang sabi.
"OO na! Bakit nga pala ganyan ang suot mo? Diba marami kanag magagandang damit?"
"Ah itey ba? Nagbabalatkayo kasi ako bilang PURITA MIRASOL, alam mo naman famous na ang BFF mo kaya need to hide na!" inayos niya na ang gusot at nagulong damit niya.
"Edi ikaw na ang sikat!" nagsimula na akong maglakad at sumunod siya sa akin. Nakakailang sa pakiramdam na maglakad kasama ang boss mo na BFF mo pala. Sumakay na kami ng jeep, papunta kila tsang.
"Pedro, bakit sa jeep mo akesh sinakay? After kasi nung aksident na bobokot na akesh magride sa jeep." pansin ko ang takot sa boses niya kaya hinawakan ko ang kamay niya. "Nandito lang ako at hindi kita pababayaan." napansin ko na nahiya siyang bigla at kahit ako ay nailang.
"Go Push mo lang!" sabi niya. Habang nasa biyahe kami napansin ko na pinagtitinginan kami. Marahil nakilala nila si Betty kahit sa kakaibang kasuotan.
BINABASA MO ANG
Gay Soul
FantasyPagiging isang babae ang maituturing na "GOLDEN WISH" ng isang "BEKI"..... PERO "PAANO KUNG MADEDS KA AT ANG GOLDEN WISH AY MATUPAD" SA KATAUHAN NG ISANG "Kontrabida SUPERSTAR" Ano ang gagawin mo? Sa Bongga pero magulong takbo ng buhay niya? Don'...