Chapter 30 : Near End

447 21 5
                                    

Betty POV

"Nakita mo si Francis?" Gulat na tanong ni Violet sa akin habang nasa karuu kami at pauwi na. Ichinika ko kasi ang pagkasaytsung kay Francis. Pero nagkamali ata ang gaga sa pagkakaintindi!

"Teh! Si Francis Paras ung sikat na basketball player!" paglilinaw ko dahil medyo shunga ang friend ko. 

Huminga si Violet ng malalim, ung level na akala mo ay nabunutan ng thumbtacks sa pwet. "Betty, akala ko si Francis! Your EX soon to be husband. Ibang pala..." sabay tapik sa legs ko na malaJLO! Medyo may nafeel akesh na sakit kaya sinigawan ko ang mapangahas na gaga.

"Bakit siya lang ba ang Francis sa mundo? Like Francis Balagtas!" inirapan ko siya.

Tumawa ang gaga na feek ko ay bobita ang tingin niya sa ganda ko. "Francisco Balagtas 'yun at hindi Francis!" napatakip pa ng mukha at obvious ang pagtawa.

Oo nga noh! Parang pareho lang din eh....

"Edi may tama ka! Bigyan ng jacket at CD." Magmaganda ba sa akin. "FYI kung may dapat matakot sa kanya, akesh at hindi ikaw." Pahabol ko.

"FYI.... Kinidnap niya ako at muntik mapatay." Nanlaki ang butas ng ilong niya sa pagsigaw.

Infairview may point ang gaga. Nawala kasi sa mind ko ang pageksena niya sa wedding with her PURITA MIRASOL look.

"OK.." Matipid kong sagot sabay harap sa bintana ng karuu. Sumaytsung nalang akesh ng mga tanawin at hindi ko namalayan ang pagborlog 2.0..

Im here again sa ganitong eksena. Ung panaginip ko noon sa beach. Nasayt ko ulit ang matandang lalaki at pilit akong isinakay sa karumbabelya. So nagtatalo kami sa loob at biglang bumagga sa isang something...

"Betty, gising." pagkamulat ko bumungad ang facez ni Pedro at tuliro siya. Ung mukha ng najejebs for a decade. "Binabangungot ka!" spluk niya with pag-aalala sa voice.

But wait..Wala na kami sa karuu. Nasasayt ko ang biggest Closet Ever kaya sureness na nasa kwarto kami at nakahiga akesh sa bedlar. Napabangon tuloy ang lola niyo dahil sa pagkagulantang. "Pedro! Paano tayo napunta here? Pagkaka-alala ko nasa karuu tayo."

Ano itey MY LOVE FROM THE STAR? Nagteleport si Pedro then inuwi akesh sa balurr. Pero imposible 'yun diba? Steffi Cheon ang peg!

Tumayo si Pedro mula sa kinauupuan niyang sofa na pang-rich. "Binuhat kita papunta dito. Nakatulog ka kasi sa kotse at ayaw ka namin abalahin pa ni Violet. Kaya dinala kita dito katulad noon." 

Ang sweet naman po! Pero sayang akala ko si Mateo Do na. Sabi niya katulad daw noon pero as I pagkaka-alala. Itey ang firstime niya to do this.

"Echosero! Itesh lang ang una mong pagdala sa akin dito!Si Francis ang gumawa nun before!" sigaw ko sa kanya. Naku, magbobolahan pa ba kami?

Gulat ang facez niya at biglang bumalik sa pang-rich na chair. "Ako ang nagbuhat at hindi siya!" sigaw niya at may halong pamumula pa. I know galit siya.

Ah ganun naman pala...Edi siya na ang sweet at gentleman! Ano ang gusto niya matouch akesh? Ung tipong itey na ang part kung saan ako kikiligin at yayakap sa Prince Charming? Masyado na kaing gurang for that kind of landian. 

"Okay!" Matipid kong sagot dahil marami pa akesh lines later at baka majubusan pa. Nagbaby face siya with matching pouty lips. OMG! Ditey akesh kinilig dahil ang cute niya. Ewan ko ba kung bakit taray tarayan ang peg ko. Maybe magkakaroon na ako ng mens.

"Betty, may gusto ka siguro kay Doctor Dandz? Kaya hindi ka kinikilig sa sinabi ko." Patuloy niyang pagbebeybi talk. Aba naging sinto sinto na ang Pedro ko. Pero gwaping pa rin!

Gelli De Belen ka noh?" tanong ko na may halong pang-aasar. Lagi nalang sa kama ang moment namin simula ng malumpo akesh. Bakit ganun?

"Ano ba ang magagawa ko? Gwapo at katawan lang ang maibibigay ko. Wala akong pera at pinag-aralan. Kaya madali lang sa'yo ang palitan ako lalo na sa ganda mo."

Thankie! Promote pa rin ang pretty facez ko!

Umusog akesh ng slight yung mahahawakan ko siya pero hindi malalaglag sa bedlar. "I LOVE YOU...I LOVE YOU!!!" Hinawakan ko siya sa pisngi at kiniss sa lips. Wawa kasi eh. "Napatunayan mo na ang pagmamahal mo for me kaya hahanap pa ba ng iba?" paglalambing ko. Medyo naging hard kasi ako sa kanya kanina, wai lang akesh sa iniispluk niya.

Natapos ang gabi sa harutam at kilitian.

Walang sex ha! Conservative akesh eh! Promise....

--------

Lumipas na ang isang siglo. Echos! dalawang buwan lang pala. Medyo maayos na ang pagwalk ng lola niyo. After ng madaming session with Dr. Dandz. Physical Theraphy ha! Baka ibang session ang nasa mind niyo.

Tahimik naman ang life ko ngayon. Wala Francis na umeeksena so far. Umalis na rin si Violet at bumalik na ng US. Keri lang. Baka maagaw pa kasi ang love ko.

May party sa balurr. We are celebrating my balik-paglalakad day. Pero ang truth monthsary namin ni Pedro. nakakahiya kasi na sabihin iyon dahil PBB TEENS lang ang peg. 

"Ang sarap ng pagkain dito!" komento ni Tsang Lyn. Lumalafang siya sa mahabang lamesa sa balurr. Present din si Pam, Mica, Direk Paul, Manager Kim at Mang Dante. Hindi ko ininvite si Dominic at Beatrice dahil hindi kami Goodvibes. 

"Syempre Tsang, pang-mayaman po iyan. Inihanda lahat ni Yaya Puring ang mga food." chika ko habang lumalafang din kasabay nila. Masayang pagmasdan na maraming otaw ang kasama ko at hindi akesh iniwan sa time of kagipitan. 

Hindi na nga pala gumora si Yaya Puring pabalik ng America. Love niya daw  kasi talaga ang magserve sa amin. Hinayaan ko nalang dahil mahirap makipagtalo sa tanders. Baka mapukpok akesh ng dyaryo.

"Betty, Congratulations sa movie mo. Super Hit ito sa tao, marahil siguro sa mga issue mo. Hindi nakaapekto ang palaglag baby mo dahil walang evidence." Nakangiting bati ni Direk Paul katabi ng jowa niyang mukhang siopao.

Berto! Behave. Bawasan ang pagiging laitera at baka makarma.

"Lahat tayo ay nagpakahirap doon maliban kay Tsang dahil wala siya sa movie. Thank you to all!" Iniangat ko ang baso at uminom ng wine. Sosyal na talag akesh leveling....habang nagkakasiyahan ay umakyat akesh para kunin ang gift ko for them. Pero napansin ko ang susi sa loob ng drawer habang hinahanap ko ang gift.

Susi itey ng Pink Room. 

Kinuha ko ang susi at lumabas ng kwarto. Gumora akesh sa Pink Room at ipinasok ang susi sa door knob. Marahan itong binuksan at nakakashaklar ang laman ng room. Puro web at alikabok. Marahan akong pumasok doon at binuksan ang ilaw. Sayt na sayt ko ang buong loob.

May isang kama at mga cabinet. Marami ring laruan at mga pambatang gamit. Kaya marahana kong umupo sa maalikabok na bedlar. May umagaw ng aking pansin. Isang Picture Frame sa bedside table. Kinuha ko iyon at tinignan ngunit madaming alikabok.

So pinunasan ko itey ng damit ko at halos malaglag ang panga ko sa gulat.

OMG! Is it real? Is it real? Dandandandalandan....

Picture itey ng tatlong bata. Dalawang babae at isang batang lalaki sa gitna. Pamilyar ang girl siya ung nasa dream ko pero bakit dalawa sila? Tapos ung little boy sa gitna ang mas nagpawindang sa buong soul ko.

Knowing ko ang boy! Hindi akesh nagkakamali dahil kamukha ko ito. Im supah sure na akesh 'yun dahil marami kaming photos sa balurr na itinatago ni Mommy. Kahit nasa probinsya ay may camera ang Paps ko.

So ibig sabihin...................Maaring ako ang nasa picture........

Pero paano iyon nangyari?

Gay SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon