Chapter 10 : Celebrity Life

711 50 5
                                    

Betty ( BERTO ) POV

Itesh na itesh na talaga ang day napinakahihintay ko simula noong FETUS palang akesh. Supah sarap ng feeling nang pinagkakaguluhan ng mga fans tapos puro smiley ang facez nila. Kaya naman dahan dahan naglakad ang lola niyo para namnamin ang moment na to. PAK ung mga flashing lights, mga poster ng beautiful facez ko at ung mga tao na bet makagetching ng pirma ko.

May mga bodyguards din akesh sa gilid na nagpoprotect sa akin para mailayo ako sa harm.(SAYANG MGA HIPON SILA) Kinamayan ko din ang mga otaw at nagselfie kami, "ILOVEVAVOO ko kayong lahat!" sigaw ko sabay kaway pa na mala BEAUTY QUEEN. Nasira ang moment ko ng biglang may nagbato ng egg sa akin mula sa isang babae na nasa malapit sa door. Shucks! anong ganap? Why niya akesh binato? Dali daling nilapitan ng mga BG ko ang babae pero patuloy pa rin siya, ng biglang may dumating na cutie guy tapos niyakap niya akesh. NaSHACKLAR ako pero ramdam ko ang matipuno niyang bodiness at napakabango niya. OMG SININEY naman kaya ito?

Nagsimulang magtilian ang mga fans ko at kinikilig ang mga lokaloka. Inalalayan ako nung cutie guy papasok ng pinto. Sweet niya naman, pero wait parang knowing ko siya? si Dominic Alonzo. OMG supah love ko ung jurtistakels na iyon, bet na bet ko ang handsomeness niya sa TV. Ang bait niya pala in real life tapos magfriendship pa ata kami. Pero biglang nabago ang lahat ng itinulak niya ako at bigla akesh na pa sandal sa wall. "Oh yan ang gusto mo diba para mapag-usapan?" maangas na sabi niya sabay punta sa room niya to change damit. Anong ganap sa kanya? Why supah galit siya?

So ang lola niyo ay sumunod sa kanya para magthanks man lamang, pero pag enter da dragon ko nakita ko ang HOT body niya at nakatopless pa siya. Napahinto akesh ng BONGGANG BONGGA, hindi ko alam ang gagawin ko. Lalabas ba ako o pagnanasaan siya (CHOS! TITIGNAN LANG) noong paexit na akesh sa room bigla niya akong tinawag "BETTY, pumasok ka na dito at huwag ka nang mahiya pa! Eh nakita mo naman na ang lahat ng meron ako" nagchange outfit siya sa harap ko. OMG trulalo na ba itey?

Hindi ko alam ang sasabihin kaya naman umupo na lang ako sa chair at nagwait na matapos siyang magpalit. "Betty, balita ko may amnesia ka? Sigurado ka ba o gimik mo lang?" tanong ni cutie sabay upo sa tabi ko after niya magbihis. "May amnesia talaga ako noh at hindi ito gimik!"  naiilang kong sabi kaya umuyoko lang akesh pero may space pa rin para makasulyap ako. Inakbayan niya ako at may binulong siya "Ganon pa la, ibig sabihin nito ay hindi mo na rin na aalala ang nangyari sa atin"

OMG so may something nga between OLDBETTY and Dominic. "Wala akong na aalalang kahit ano!"  pakagat labi kong sabi sa hot cutie. Lalo siyang lumapit sa akin na nagdala sa akin ng kilig at konting takot. "Gusto mo ipaalala ko sayo?"  bruskong brusko na sabi niya.  Kung ako lang go push mo yan pero syemperds si Betty na akesh kaya need ko to protect her body from temptation (LIBOG LANG YAN TEH!!)

Naiilang na talaga ako sa ginagawa niya sa akin pero hindi naman akesh maka walkout sa moment. "Maam, Change na po kayo ng dress kasi nandito na po ang magiinterbyu sayo!"  salamat sa diyos at dumating si Pam. Kaya naman nakawala akesh sa mainit na hawak ni Dominic Alonzo, pero bago ako umalis ay kinidfatan ako ni Dominic sabay kagat labi. Ang weird niya pa la kaya naman kinawayan ko na lang siya. "Salamat Pam, at naisipan mo akong tawagin doon sa loob. Nakakaloka kasi si Dominic para siyang maniac na ewan?"  taka kong sabi. Nasmell ko na ang malansang amoy nag eggelya, needs ko na talaga magshower. Habang papasok na kami sa dressing room ko biglang may binulong si Pam "Maam, naging secret BF niyo po si Dominic noon." nagulantang ang beauty ko. Now knowing ko na kung bakit siya ganon?

Pagenterness namin sa room ay bumugad sa akin ang pretty design nito. May malaking bed sa loob, malaking tv, napakaraming muk-upelya at umiilaw na mirror. Edi super shock akesh, pero ang una kong ginawa ay pumunta sa cr para magshort shower( SHORT LANG DAHIL NALIGO NA AKO KANINA! )

Minadali ko lang, lumabas akesh at inabot ang ibinibigay ni Pam na Yellow dress. Habang sinusuot ko ay nachichikahan kami ni Pam.

"UY teh ano ba ang mga sasabihin ko sa interview?"

"Maam, dati po kasi kapag ginagawa mo ito ay nag papakatotoong tao ka lang!"  sabi niya.

"Really, so me myself and I lang ang peg?"  natapos na akesh magdamit at magsapatos.

Biglang nagopen ang door, nakaramdam ako ng amoy ng isang sirena. Kaya batid kong may bakla na eenterloo sa room. Tama nga ako pumasok ang isang baklita na maliit ang pangangatawan at maitim ang kabalatan. "Hi Maam so dahil nalate po ako. Kung gusto mo ibawas mo na lang sa sweldo ko."  sabi niya. Siguro siya si Mica ang aking MUK-UP ARTIST, agad akong lumapit at niyakap ang kapatid sa kabaklaan. Nagulat ang lokaloka pero syempre inunahan ko na siya "Wala iyon, simula ngayon ay friendsters ko na kayong lahat!"

"TRULALOO po?"

"Yes, halika na dito at muk-upan mo na akesh!" hinila ko siya at umupo ako sa chair. Inilabas niya ang mga ang mga MUK-UP galing sa bag niya. Sinimulan na nga niya ang pagpinta sa mukelya ko. "TEH, huwag mo masyadong kapalan kasi ayokong magmukhang deds!" natawa siya sa sinabi ko at ifeel na FC na kami. "Yes Maam, nabalitaan ko po kay Pam na may amnesiakels ka daw po?"  tanong ng munting baklita.

"Trulaloo teh! pero keri naman kasi Iam a good pretty girl na, kaya huwag kang mahihiyang chikahin ako ah!"  kumpotable kong spluk. Natapos na nga ang pagmuk-up sa akin at infairness magaling siya. "Teh, tnx ha! salamat sa husay mo at naging supah pretty akesh" ngumiti lang siya sa sinabi ko.

Gumora na akesh sa labas at nasayt ko ang isang set na may chair sa gitna. Knowing ko na doon akesh juupo para mainterview. So ano pa ba edi rumampa na ako papunta doon na kumekendeng kendeng pa. May I smile naman akesh sa mga press at itesh na nga ang moment na mala the buzz. At nagsimula na nga magsalita ang majubang girl na may mole sa nose.

"Betty, it nice to see you again!"

"Ako rin po! Im soo happy dahil na saytsung ko kayo here. By da way ang pretty ng suot mo ha!"  malandi kong sabi. Ang kailangan kong gawin sabi ni Pam ay magpakatrulaloo lang sa lahat ng times.

"Sige ako na ang magsisimula. Betty balita namin ay na aksidente ka daw? Kamusta ka naman na?" tanong nung girl na majuba.

"Okay lang po! pero may amnesia akesh eh!"

"Salamat sa sagot mo!"  patapos na tanong niya sabay tumayo naman ang payat at jangeters na lalaki.

"Betty, Im happy to see! Sa totoo lang ay wala kamiong masyadong maitatanong sayo dahil wala ka naman maisasagot. Kaya ito na lang "Paano mo haharapin ang magulong mundo ng showbiz ngayon na wala kang maalala?"

Tulaloo naman si Kuya eh, wala akong masasagot dahil amnesia nga ang peg ko. Tumayo na lang akesh at nag speech ala GOLDEN GLOBES AWARDS NIGHT. "Natutuwa ako na kahit may sakit ako ay nandito pa rin kayong lahat para isupport ako. Wala man akong maalala sa ngayon, pero ipinapangako ko na bagong Betty Lopez na ang hahangaan niyo ngayon!" 

Nagpalakpakan ang lahat na parang nanalo ako ng BEST ACTRESS, kaya naman nagmala Vilma Santos ako. Binuhos ko ang luha ko para intense ang moment na iyon at sa aking feeling ay naniwala naman silang lahat. "Im back and ready to fight!" sigaw ko with may wonder woman pose.

Sureness na mataas ang ratings ng interview ko ngayon at puro positive ang reviews. SANA NGA

Gay SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon