Chapter 7 : Giving up for a Friend

850 55 11
                                    

"PEDRO POV"

Kaya niyo ba mawala ang lahat para sa isang kaibigan?

May dalawang araw na rin na nakaburol ang pamilya MATAPANG at namimiss ko na rin sila lalo na si Berto. Ang sarap niya kasi kasama at kausap dahil siguradong lagi kang tumatawa. Hindi ko man naibigay ang pag-ibig na hinihingi niya pero minahal ko siya bilang isang kapamilya.

Hindi ko pa rin nakakalimutan ung babae na umeksena kagabi. Sigurado kami na si Betty Lopez nga yon, pero bakit naman siya pupunta sa lamay ni Berto? Magkakilala ba sila? Pero sa totoo lang maganda siya sa personal parang dyosa na bumaba sa langit at hinahalina ka.

Sa linggo ko na balak ipalibing sila Berto dahil na rin sa para hindi na maka-abala pa sa aking kamag-anak .

"Pedro, matulog ka muna! mas mukha ka pang bangkay  dahil sa kakulangan sa tulog" Paalala ni Tita Lyn habang nag-iimis ng magulong gamit.

"Okay lang po nakatulog naman ako kanina eh" malalam kong sabi buhat na rin siguro ng sobrang kapaguran .

"Hindi ko alam sayo kung bakit sobrang bait mo sa pamilyang yan! Pagod ka na at ngayon wala ka pang pera." pagbubunganga ni tsang.

"Tsang, alam niyo naman sila ang tumulong sa akin noong ako ay naulila at iniwanan ni tatay ng kaunting lupang sakahan!" paliwanag ko sa kanya para hindi na siya mag-alala pa sa akin.

"Nandon na tayo! pero kinailangan mo pang ibenta ang lupang sakahan at bahay mo para lang maigastos mo sa burol at libing sa linggo!" medyo galit na si tita dahil alam niyang wala naman akong iba pang pagkukunan ng kita. Lumapit ako at pinanatag ang kalooban niya sabay sabi ko na

"Tsang huwag na kayo malungkot, maghahanap nalang ako ng mapapasukan dito sa Maynila pagkatapos ng libing nila."

"Naku! Jusko!  hindi mo alam ang kalakaran dito sa Maynila, mahirap makahanap ng trabaho dito."

"Jusko! tsang ako ata si Pedro ang pogi at macho niyong pamangkin. hahaha!" patawa ko para hindi na malungkot ang usapan. Lumipas na ang mga araw at  sumapit na ang linggo. Ito na ang huli kong pamamaalam sa aking matalik na kaibigan. Kawawa naman siya dahil napakabata niya para sapitin ang ganitong bagay.

Hinatid na namin siya sa kanyang himlayan at sa aking pag-kakaalala favorite niya ang pink kaya piniturahan ko ng pink ang paglilibingan sa kanya. Hindi ko napigil ang pagluha na pumapatak pa sa kanyang kabaong.

Natapos na rin ang paglilibing sa kanila kaya naman kailangan ko ng harapin ang mundo dito sa Maynila. Bukas na bukas ay magsisimula na ako sa paghahanap ng mapagtatrabauhan.

May nagrekomenda sa akin sa isang trabaho at iyon ay bilang isang driver. Kaya naman paglagising ko pa lang ay nagmamadali na akong pumunta doon. Nagsuot ako ng puting pol na may stripes at maluwang na pantalon. 

"Tsang aalis na po muna ako" paalam ko habang nagsasaing siya.

"O sige, pagpalain ka sana ng diyos at mag-ingat ka."

Sinimulan ko na ang paghahanap sa bahay kung saan ako magiging driver. Nakasulat sa dilaw na papel kung ano ang address. Tinunggo ko ito, sumakay ako ng dyip at tricycle. Mula pa lamang sa sinasakyan ko ay makikita mo na ang malaki at mala mall na bahay. 

"Boss, dito na ba iyon?" pagtataka kong tanong sa driver.

"OO, nagulat ka noh akala mo mall, pero bahay yan!" biro ng driver at itinabi niya ang trick sa gilid.

"Salamat ho!' binigyan ko ito ng bente pesos at umalis na siya.

Grabe! ang yaman naman ng pamilyang ito, siguro hindi na sila nagkakakitaan dyan dahil sa sobrang laki? Lumapit ako sa gwardiya na nakaupo sa puting plastic na silya.

"Sir, ito ho ba ang address ng bahay?" ipinakita ko sa kanya ang kapirasong papel at tinitigan niya ito.

"Oo, bakit? Sino bang hinahanap mo? " 

"Ako po yung driver na inirekumenda ni Santos." sabi ko sabay nakipagkamay ako sa kanya.

"Ah ikaw si Pedro?" tanong niya. Kilala niya ako dahil nasabi na siguro ni Santos ang pangalan ko.

"Opo! Ako nga po si Pedro" nakangiti kong pagpapakilala. Mukhang mainit ata ang ulo ni Manong Guard. Binuksan niya na ang gate at sinamahan ako papasok sa loob. halos malula ako dahil bago ka makarating sa bahay, eh pagkalayo-layo ng lalakarin mo. Pero maganda naman talaga puro berdeng puno at malawak na kalupaan.

"Betty ( Berto ) Body POV"

Ang sarap talaga ikutin ang buong kabahayan, sino ba ang makapagsasabi na ang lahat ng ito ay mine na. Pasenyorita na ako ngayon at palakadlakad na lang pero ang siste eh hindi ako makalabas ng BALURR. Why naman kasi na SUPER FAMOUS ko na ngayon?.

Naisipan kong lumabas at pumunta sa HARDIN (GARDEN TEH!!!)  pakembot kembot pa ako ng bigla akong nagulat sa NASIGHTSUNG KO!  O.M.G. 

Hindi ko malilimutan ang puting polo at maluwang na pantalon na iyon, sigurado akong si PEDROMYLABS YUN. Kaya kakaripas na sana ako ng takbo para maghide pero tinawag ako ni MENONG GUARD.

"Senyorita! GoodMorning po!" bati ni guard sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang humarap sa kanila. Naghide ako ng FACEZ using my HANDS ( HANDS TALAGA? EH DATI KAMAY LANG YAN! ).

"Senyorita tamang tama po na nandito kayo, ipapakilala ko nga po pala si Pedro ang bagong driver mo." naSHAKLAR AKESH SA INISPLUK NI MENONG GUARD. OMG THIS CAN'T BE HAPPENING!!! PAPA P. AS MY DRIVERUU...

"Lumapit sila sa akin at binati ako ni PAPA P. "Goodmorning po, senyorita ako nga po pala ang bago mong driver." 

So trulalu pa itech!! at walang halong kaechosan. Napansin ko na tila tinititigan niya ang FACELAR KO.  Alam kong na pi-feel niya na ang AURA ko, posible kayang knowing niya na ang true me? Pero WI TI TIT!

"Senyorita, mukhang pamilyar ang mukha mo? Parang nakita na kita?" pagtatakang tanong ni Pedro. Tinanggal niya ang takip ng FACELAR KO, so nabuwangyang na ang BEAUTY KO.

"TAMA! IKAW NGA YUNG UMEKSENA SA BUROL NG KAIBIGAN KO!" nbapagtanto niya na nga. 

"Hindi noh! JURTISTA KAYA AKO! pagtatakip ko ng katotohanan."

Unti unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Napalunok ako ng BONGGA!!! PARA KASING LALAFANGIN NIYA ANG LIPS KO KAYA NAPAPIKIT AKO.

Gay SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon