Pedro POV
Kakaiba ang saya na naibibigay sa akin ni Betty. Sapat na ang aming pagmamahalan at wala ng mahihiling pa. Iba man ang panlabas niyang anyo kumpara sa Berto na kababata ko. Masasabi kong MAHAL KO SIYA.
"Tsang, nakita mo ba si Betty? Katabi ko lang kasi siya tapos biglang nawala." tanong ko.
"Pumanhik siya sa taas. May kukunin daw sa kwarto" sagot ni Tsang habang nakikipag-kilala sa mga kaibigan ni Betty.
"Ah ganon po! Sige susundan ko nalang siya." Umakyat ako sa taas upang tignan si Betty sa kwarto niya. Pero wala siya doon.
Sabi ni Tsang nandito daw si Betty. Nasaan na siya?
Lumabas na lang ako ng kwarto at babalik sa baba ng mapansin ko ang pink na pinto. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko na bukas iyon. Nakapagtataka naman. Kaya pumunta ako doon at nakita ko si Betty. Nakaupo siya sa kama at may hawak na picture frame.
Sobrang titig siya sa frame. Ano kaya ang meron?
Pumasok ako tapos umupo sa isang bangko na pang bata. Hindi man lamang niya namalayan na naroon ako.
"Betty, ano ang 'yan?" tanong ko.
"Ay, itlog. Pedro naman nandiyan ka pala bakit hindi mo sinabi. Nashokot akesh." Halata sa kanyang mukha ang sobrang pagkagulat. Gaano ba ka importante ang frame na 'yun?
"May susi ka pala para dito."
"OO, iginivsung ni Yaya Puring. You know naman chikadora akesh kaya nakialam na me here."
"Ah ganun ba....Ano yang tinitignan mo? Mukhang seryoso ka?" tanong kong muli.
Nakakunot ang noo niya. "Parang ako kasi ung nasa picture. Yung bata pa ako." sagot niya.
Paano naman mapupunta dito ang larawan niya? Nakarating lamang siya dito noong napaunta ang kaluluwa niya kay Betty. Kaya napakaimposible.
"Talaga? Patingin nga." Iniabot niya ito sa akin at sa unang sulyap ko lamang alam ko na siya iyon. Natigilan ako sa larawang iyon. Pamilyar kasi ang dalawang babae sa gilid ng batang Berto. Hindi ko sila makalilimutan. Malinaw pa sa aking isipan ang mga naganap noon.
Marahil ito na ang tamang panahon upang sabihin ko sa kanya ang nalalaman ko. "Betty, may sasabihin ako sa'yo. Magalit ka man sa akin mauunawaan ko."
Nagtaka siyang bigla sa akin sinabi." Bakit? OMG! may cancer ka at stage four na! jusko bakit ngayon pa kung kailan tayo na" medyo nagwawala na siya. Wala pa nga akong sinasabi.
Kinutusan ko siya ng marahan sa ulo para maalog ang medyo OA niyang isip. "Ano ka ba? Wala pa nga eh! Malusog ako at maayos."
"Okay, ang serious mo kasi kaya akala ko 'yun na. Pero ano ba 'yun?"
"Berto, kapatid mo ang dalawang babae sa picture. At ikaw ang batang lalaki." isiniwalat ko na sakanya ang katotohanan na matagal ko rin itinago. Batid kong gulat at maguguluhan siya pero narito ako upang ipaliwanag ang lahat.
"Berto, ipaliliwanag ko muna sa'yo bago ka magdrama!"
Naaalala ko pa ung araw na iyon. Hawak ko si Bart ang alaga kong aso at hindi inaasahan na mabitawan ko ito. Tumakbo si Bart palayo hanggang sa marating ang kalsada. Labing isang taon ako nun at may muwang na.
Tumigil si Bart sa gitna ng kalsada at nung kinuha ko siya hindi ko nakita ang parating na sasakyan. Akala ko katapusan ko na iyon ngunit umiwas ito at bumangga sa isang trak na parating galing sa kabilang linya. Umiiyak ako at puno ng takot ng mga oras na iyon pero may narinig akong tinig mula sa sasakyan. Lumapit ako at nakita ang isang babae na sa tantya ko ay labing lima o labing anim na taon na.
"Bata, tulungan mo ang kapatid ko. Hilain mo siya palabas ng kotse." Nagmamakawa siya at halos naliligo na sa dugo ang mukha. Hindi ko alam ang gagawin dahil bata lang ako. Pero sinunod ko siya at kinuha ang walang malay na batang lalaki na malapit lang sa bumukas na pinto ng kotse.
"Ate, ano po ang gagawin ko sa kanya?" nanginginig kong tanong at pumupungas pa ng luha.
"Bata, ilayo mo siya dito. dalhin mo siya sa ligtas na lugar." pilit na sabi ng babae.
"Paano po kayo?"
"Huwag mo kaming alalahanin ang mahalaga ay mailayo mo siya dito."
"Ate, ano po ang pangalan niyo para maibalik ko siya sa'yo?" tanong ko na may pagkamusmos.
"Betty ang pangalan ko at Brando ang pangalan ng niligtas mo." Ito ang kanyang huling nasabi bago tuluyang nawalan ng malay.
"Sige po." Napa oo na lang ako at pinasan sa likod ang batang lalaki na halos hindi nalalayo sa edad ko kung titignan. Kahit mahirap sinunod ko ang babae. Walang takot ako na lumayo doon ngunit sa aking huling paglingon kitang kita ko ang naganap. Lumabas mula sa kotse ang isang babae na kamukha ni Ate Betty. Sa tingi ko kambal sila. At tanging damit ang pinagkaiba.
Tumakbo ang babae at biglang sumabog ang sasakyan. Sa sobrang takot ko ay napatakbo ako. Hanggang makarating kila Mang tasyo at Aling Rosa. Sila lang ang naisip ko na makatutulong sa akin ng mga oras na iyon.
"Pedro, sino 'yan? bungad na tanong ni Aling Rosa habang nagwawalis siya sa loob ng bahay. Inilapag ko ang bata sa kawayang upuan at lumapit si Mang Tasyo.
"Nakita ko lang po siya sa kalsada na walang malay." Pagsisinungaling ko dahil natatakot ako.
"Jusko po. Kawawa naman siya at may sugat pa sa mukha." Pag-aalala ni Aling Rosa. Binigyan niya ito ng paunang lunas at inalagaan hanggang sa mag kamalay. Ngunit ng ito ay magising wala ng alala ng makaraan. Napagpasyahan nila na kupkupin ang bata at ituring na anak dahil baog si Aling Rosa. Naging maayos naman ang paglaki ng bata na kasabay ko. Naging magkababata kami at matalik na magkaibigan.
Walang naghanap sa bata kaya hindi na nag-alala pa sila Aling Rosa at Mang Tasyo.
Pero palaisipan sa akin kung sino ang babae na lumabas sa sasakyan at iniwan si Ate Betty.
Betty (Berto) POV
Ano ba ang pinagsasabi ni Pedro? Maybe lasing siya o adik na. Hindi itesh kaya ng brain ko. Too much info kasi. At hindi na nagloloading.
"Anyare? Nakainom ka ba? Bakit napaparaning ka ata?" gulong gulo ko na tanong sa serious na si Pedro.
Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumuhod sa harap ko. OMG pagporopose na ba siya? Im not ready for this pa. Pero keribels na.
"Berto o Betty, totoo lahat ang sinabi ko. Ang batang tinutukoy ko ay ang dati mong katawan. Ikaw si Brando ang batang iniligtas ko noon sa kotse." Mangiyak ngiyak siya at patuloy sa pagluhod.
Naguguluhan ako sa mga events ha! Pero mukhang realness nga ang inispuk niya. So ibig sabihin kapatid ko si Betty at tunaya ng pagiging Rich ko. Akesh na lang ang natitirang taga-pagmana. Wait lang bakit datung agad ang nasa mind ko?
Pero sino ung girl na kamukha ni Betty na lumabas ng kotse? At kung namatay si Betty sa karuu ayon kay Pedro. Sino ang tunay na may ari ng body? Twin sis nga kaya siya ni Betty? My Gosh nakakaloka na itey. Daming pasabog! tinalo pa nag the buzz at tv patrol......
"Patawarin mo ako." Singit ni Pedro sa moment ko. Dapat itey yung moment kung saan iiyak ako at magwawala pero bakit okay lang. Siguro kung hindi dahil sa aksidenteng iyon, hindi ko makikilala sila Mom at Paps. Hindi ko rin makikilala si Pedro at magiging BFF niya. And SOON TO BE WIFE na!
Sadyang destiny iyon at walang halong evilness.
"Pedro, itigil mo nga 'yan! Magpapasalamat pa nga me dahil sinave mo akesh from that accident." Itinayo ko siya at niyakap ng bongga. Kahit bata palang nililigtas na akesh ni Pedro. Kaya ramdam ko ang connection namin eh!
Anyway malapit naman na ang wakas kaya doon ko na iispluk ang chika!
BINABASA MO ANG
Gay Soul
FantasyPagiging isang babae ang maituturing na "GOLDEN WISH" ng isang "BEKI"..... PERO "PAANO KUNG MADEDS KA AT ANG GOLDEN WISH AY MATUPAD" SA KATAUHAN NG ISANG "Kontrabida SUPERSTAR" Ano ang gagawin mo? Sa Bongga pero magulong takbo ng buhay niya? Don'...