Chapter 21 : Revelations

512 31 1
                                    

Betty (BERTO) POV

Nakaupo akesh now sa canteen at umiinom ng kape. Natrauma ata akesh sa nasayt ko sa elevator. I cant imagine na magpapakita si OLDBETTY tapos may message pa siya for me. Naalala ko rin tuloy yung matandang nakabangga ko bago pumasok sa elevator.

Bakit kaya pareho sila ng inispluk?  

Kanino kaya me dapat mag-ingat?

"Baby, are you okay?" nagbalik ang diwa ko. Nakita niya akesh sa elevator kaya dinala niya me sa Canteen.

"Keri na!" ibinaba ko ang mug sa table.

"What happened?" usisa niyang pagtatanong.

I cant say the truth, dahil alam ko na hindi siya maniniwala. Baka isipin pa na tuluyan na akesh nalukring. "Nasira kasi ung elevator tapos dahil na rin siguro sa gutom kaya nahilo me"

Hindi na siya nagtanong pang muli, ibinili na lang  akesh ng fuds then lumafang na ang lola niyo. Baka gutom lang ito. Kaya nagmove-on na lang ako from that scene. Niyaya niya akong umuwi pero hindi ko iiwan sa ganitong sitwasyon si Pedro kaya tumanggi ako. 

"Baby, whats wrong with you!" medyo mataas ang boses niya at nainsulto ata. 

"Sorry, mauna ka na sa haus then uuwi na lang akesh bukas" sana pumayag siya. Alam kong medyo kaduda-duda na,  pero I need to do this. This is the right time for me to pay Pedro for everything. 

Matagal bago siya sumagot "Okay, I know that you are a goodgirl now. Babalik na alang ako bukas at magdadala ng gamit mo" he kissed me. Naramdaman ko yung love niya for me. Kaya mas lalo akong nagiguilty dahil I dont love him. Umalis na siya, ako naman ay bumalik na sa room ni Pedro. Nadatnan ko na natutulog siya ng mahimbing. Lumapit akesh at hinaplos ang kanyang mukha.

"Alam mo sa totoo lang, natakot ako kanina noong sinabi ng Doctor na patay ka na. Halos magunaw na ata ang mundo ko and thank god dahil nagkamali lang siya. I will always love you" mahina kong sabi habang hinahaplos siya. Nagulat ako sa pagmulat niya ng mata, kaya inalis ko agad ang aking kamay.

"Wala akong ginagawang masama ha!" sabi ko kahit wala pa siyang tinatanong. Obvious tuloy ang beauty ko.

Nagtataka siya "Wala naman akong tinatanong, baka naman may ginawa ka?" nakuha pang mang-asar sa kilig moment dapat namin. Okay na rin na hindi niya narinig ang sinabi ko dahil lalaki ang ulo niya.

Lumipas ang isang linggo.

Wala akong ginagawa kundi ang alagaan siya at alalayan. Nakauwi na kami sa balurr at hinyaan ko muna siyang makapagpahing pa ng matagal. Sa makalawa pa naman ang Premier Night ng movie, kaya hindi ko kailangan ng driver. 

Nakapasok na ng maaga si Francis, naiwan akong muli sa bahay. Nakakatamad din pala kapag walang ginagawa. Noon kasi halos mawasak na ang beauty ko sa sobrang pagod. Nakakamiss din ang mga sandali noon. Pababa na sana akesh nang makita ko na bukas ang pinto ng kwarto ni Francis. So isasara ko sana pero nacurious ang lola niyo.

Kaya pumasok at nakialam me ng mga bagay-bagay.

Pareho lang ang disenyo ng aming silid, ang tanging pagkakaiba ay kulay. Magkukulay ba naman siya ng pink? Malamang hindi!

Nasaytsung ko sa lamesa na malapit sa kama, ang isang picture frame. Litrato namin iyon sa isang themed park. Infairness mukhang love talaga nila ni OLDbetty ang each other.

Nakakakunsensya din pala, dahil naputol ko ang kanilang pagmamahalan. Inilapag kong muli ang frame kung saan ito nakalagay kanina. Ngunit na pigtal ang aking bracelet. Kaya umuko akesh para igetsung ang bracelet, nakuha ko naman  pero may tumawag sa aking pansin. 

Pilit kong inabot ang bagay sa ilalim ng kama. Nagulat akesh sa aking natagpuan dahil ito ang kalahati ng diary ni OLDBETTY.

Bakit nasa ilalim ito ng kama ni Francis?

Tinago kaya niya itey?

Inirolyo ko ito at inilagay sa bulsa. May karapatan naman siguro akesh para kunin yun dahil ako na si Betty. Pag-aari ko ang lahat ng may connection sa kanya. Lumabas na akesh at marahang isinara ang pinto. 

"Hoy ano ang ginagawa mo?" nagulat ako sa aking narinig. Sa aking paglingon si Papa P ko ang nagtanong. Nahawa na siya kay Francis, nabigla biglang sumusulpot.

"Wala! tinignan ko lang ang kwarto ng my soon to be husband" mayabang kong sabi. Biglang nawala ang smle sa facez niya. Nagselos ang loko.

"Sige!" bumaba na siyang muli at iniwan akong umaasa na kahit isang butil ng selos ay meron siya. Pakipot pa kasi, halata namang bet niya na me. Konting push pa, bibigay ka rin. 

-----

Nagkulong akesh sa room para mabasa ko ang chika na nakasulat sa diary. Sorry, OLDBETTY. kailangan ko lang talaga nang more information about you. Sa aking pagkakaalam natigil ako noon sa pagkikita dapat nila ni Cyrus sa park. 

Nakasulat dito na nagtanan sila noon at meeting place ang park. Walang naka-aalam ng lugar kung saan sila nagtago at nagbalak bumuo ng sariling family. Isang tao lang daw ang nakakaalam sa lugar na yun pero hindi nakalagay ang name niya. Namatay si Cyrus at naiwan siyang luhaan sa dalampasigan. Pinilit siya ng kanyang ama na umuwi at dahil sa kanyang pagpipiglas na aksidente ang buong pamilya niya. Siya lang ang nakaligtas at isinumpa niya na mabubuhay siya dahil sa paghihiganti.

Wow ang drama? MMK level!

Sino kaya ung nagsumbong sa family niya? 

Sino ang paghihigantihan niya forever?

Now I know na kung bakit maldita at ugaling demonya ang OLDBETTY na yun. Masaklap ang kanyang past tapos namatayan pa ng BF and family. Na aawa na akesh sa kanya, mahirap mabuhay sa poot at pag-iisa. 

Kung sa akin nangyari ang bagay na yun baka nakabigti na ang ganda ko sa kisame. 

Itinago ko na ang diary sa drawer at napatitig me sa mirror. Maraming kakabit na problema ang magandang mukha at kasikatan ng isang BETTY LOPEZ.

Handa ba akesh naharapin ang buhay niya? Akala ko noon walang problema kapag nasayo na ang lahat pero nagkamali ako. Ito pa ang nagpapahirap sa akin ngayon.

Naputol ang pagdadrama ko ng magring ang phone.

"Hello" bungad kong tanong.

"Sis! Its Violet your BFF!" masayang sabi ng kausap ko sa kabilang linya. 

Nawindang akesh dahil biruin mo may BFF si OLDBETTY "Im Betty" 

"Alam ko girl! Kumusta kana? Balita ko may amnesia ka" tanong niya.

"OO girl, kaya sorry kung hindi na kita knowsung" pakat labi pa me.

"Okay lang, Im on my way na papunta dyan" 

"Really?" OH NO!!!! 

Gay SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon