Chapter 2 : Lost but change

1.5K 77 29
                                    

BETTY  POV

Ako nga pala si Betty Lopez isang sikat na kontrabida superstar. Ulilang lubos. Hindi ako tumatanggap ng mga Good Role dahil theres no good in me. Kaya kung panget ka pakamatay ka na!

Wala akong pakialam kung masama ang ugali ko. Ang tanging mahalaga lang sa akin ay kasikatan at kagandahan.

"Ano hindi pa ba mag-istart?!" sigaw ko sa mga crew habang nakapamewang sa kanila.

"Maam, wait lang po kasi wala pa po si Direk Paul "  sabi ng isang crew na dali daling tumakbo sa akin. Muntik pang matapa ang hampaslupang busabos.

"So ano paghihintayin niyo ako?! Mahal ang oras kokaya huwag niyo akong bibitinin sa ere!   sigaw ko sabay sabi sa PA kong si Pam na aalis na kami.

"Maam, please po wait lang po natin si Direk malilintikan po kaming lahat pag-umalis kayo!" nagmamaka-awang sabi niya na halos lumuhod na sa harap ko. Sinipa ko siya at naglakad na paalis ng biglang dumating si direk na tila galit .

"Hoy hindi porke't sikat ka, Eh pwede mo nang maliitin ang mga crew ko!" dinuro-duro niya ako habang sumusigaw. Mababa siya na uri ng nilalang para gawin ito sa isang tulad ko.

"WAG NA WAG MO AKONG SISIGAWAN  DAHIL IKAW ANG CAUSED OF DELAY KAYA WALA KANG KARAPATAN MANIGAW. KUNG AKO SAYO MATAKOT KA NA DAHIL WALA NG BIDA ANG PELIKULA MO!" sumbat ko sa mukha niya at ipinagpatuloy ko ang pag alis .

"Maam, sigurado ba kayo na aalis na talaga tayo?"  tanong ng PA ko.

"OO, pero kung gusto mo ikaw na ang bida! Ganyan naman kayong mga mahihirap diba?"

"Maam, sorry po" pagmamaka-awa niya.

"Ilagay mo na yang gamit sa kotse!"  utos ko sabay upo sa Driver's seat. Nagulat ang driver at PA ko .

"Huwag kayong sasakay!"

"Maam, h-hindi po kayo pwede mag maneho dahil nasa probinsya po tayo baka m-maligaw ka"  nangangamba niyang sabi pero itinuloy ko parin at hinarurot pa ang kotse.

Habang nagd-drive ako naisipan kong bumaba sa isang park para magpahinga pero pagtapak ko ng preno ayaw gumana.

"ANO BA ITO BAKIT PUMAPALYA!" pagwawala ko dahil sa inis nang biglang may parating na truck.

AHHHHHHHHHHHHHHAHHHHHHHHHHHHHHHHHH

BERTO POV

'Ang buhay ng tao ay hindi mo masasabi kung hanggang kailan, pero kahit na maikli lang ito, kung nagawa mo naman ang lahat ng gusto mo, mas okay na yun kesa sa mga hindi nakaranas ng kaligayahan.'

Mausok at puno ng walang malay na tao,  iyan ang una kong nasilayan sa pagmulat ng aking mga mata. Hindi ko maunawaan kung anong naganap pero sigurado ako sa isang bagay ito ay ang pinakamasakit na aking naranasan.

Nagising na lang ako na duguan, nabangga ang sinasakyan namin sa truck.

Pinilit kong tumayo sa aking kinalalagyan upang mabalik sa ulirat ang aking kamalayan ngunit tumambad sa akin ang maraming tao na wala ng buhay.

Napaisip akong bigla nasaan na sila?

Nakita kong halos naligo na sa dugo sila si Mom at Paps habang nakayakap sila sa akin. Hinawakan ko ang kamay nila ngunit wala na silang pulso.

"Gumusing kayo! huwag niyo akong iwan please, hindi ko makakaya ang mabuhay ng hindi kayo kapiling man lamang" nagsimula na ang moment ko.  

Patuloy ang pagtulo ng aking luha sa aking nakita, kaya gumapang ako at lumabas sa jeep upang manghingi ng saklolo. Kitang kita ko ang mukha ng mga taong nakatingin sa akin tila naaawa sila ngunit wala man lamang kahit isa ang nakaisip tumulong.

Gay SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon