Chapter 12 : Surprise

655 42 7
                                    

Betty ( BERTO ) POV

 

Isa na namang beautiful morning for my pretty facez. Pahigab higab pa akong bumangon, nagtaka akesh dahil nasa kwarto na ako. Ang huling na aalala ko ay nasa karuu ako kasama si Pam at Papa P. Pumupungas pungas pa ako ng may biglang kumatok, tumayo akesh at inopen ang door. Bumangad sa akin si Francis na may hawak na tray with foods.

 

"Baby, Goodmorning! Here's your breakfast!"  spluk niya. Pinapasok ko siya sa loob at ipinatong niya sa kama ang foods. Lumapit siya sa akin at kiniss ako sa cheeks. UHMMM kiss pa lang busog na akesh. "Thanks ha! sana hindi ka na nag-abala pa"  malandi kong sabi. Hinawakan niya ako sa pisngi "Baby, I will do anything for you!" tapos kiss again. Ang sweet niya talaga, kaya siguro kahit mean si Betty ay love niya si Francis. So ang swerte ko pala dahil may instant BF na nga ako tapos supah goodboy pa. 

 

"Trulagen? baka naman iniechos mo lang ako?" tanong ko sa kanya. Kinurot niyang bigla ang pisngi ko sabay sabing "Ang cute mo talaga kahit hindi kita maintindihan paminsan minsan!" Napasmile naman ang lola niyo dahil sa sobrang kilig na umabot ng level 10,000. "Baby, Good for two ang breakfast na dinala ko para sabay na tayong kumain" kinuha niya ang kutsara at  akmang susubuan niya pa akesh sa paglafang. "Keribels ko na yan! may kamay naman akesh eh."

 

Habang lumalafang kami naitanong ko sakanya kung paano akesh napunta sa kwarto. "Uy sino ang nagbring sa akin sa room?" 

"Ah yun ba? Nakita ko kasi kagabi na ginigising ka nila tapos ang lalim ng tulog mo, kaya naisipan kong buhatin ka papunta dito"  nakangiti niyang paliwanag na nagdulot again ng kilig sakin. Napakabait niya talaga, pati ba naman yun ay ginawa niya just for me. Siya ang tipo ng boylet na dinidream ng buong kabaklaan at kababaihan. "Really, ang sweet mo naman. Ang bigat ko noh?"  napayuko ako at halos hindi mapigil ang pamumula ng mukha. Hinawakan niya ako sa kamay at nangako siya "Baby, ikaw ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Mas mahal pa nga kita kesa sa buhay ko!" 

 

May mga otaw pa talaga na supah sweet at bait. Natatakot akong mafall sa kanya dahil baka dumating ang araw na magwelcome back  si Betty at mawala na lang ako. Ipinagpatuloy namin ang pag-aalmusal at natapos na rin kami, naiilang natuloy ako sakanya dahil sa sinabi niya. "Baby, mauna na ako dahil ibababa ko ang pinagkainan natin"  paalam niya sa akin.  "Ako na lang ang magdadala niyan sa baba. Nakakahiya naman kasi dahil ikaw na nga ang nagluto tapos ikaw pa ang nagligpit"      tumayo ako para kunin ang mga pinagkainan. 

 

"Okay lang, ang mabuti pa maghanda ka nalang dahil mamayang may surprise ako sayo mamaya!" kinidatan niya ako sabay labas ng pinto. Naiwan naman ako na halos maihi na sa sobrang kilig. OMG may surprise daw siya? Ano kaya iyon? 

 

Nabobored na ako dahil wa me work today, sabi kasi ni Direk hindi niya daw ako masyadong papagurin dahil sa sakit ko. Kaya naman ang lola niyo eh nanuod na lang ng tv. Umupo ako sa upuan sa tapat ng tv, kinabog ng chair ko ang upuan sa malacanang. Naglipat lipat ako ng channels hanggang makita ko ang interview sa akin. OMG nasa tv akesh! pero infairness mas maganda ako sa personal.

 

Nakakatawa pala kapag nasasayt  ang sarili mo sa tv. Hindi ako mapakali sa upuan ko sa sobrang galak. Bet na bet ko ang Wonder Woman pose ko na iyon kaya naman habang pinabalabas, tumayo akesh at ginaya ko. Sureness na maraming nahappy sa pagcomeback ko.

 

Natigilan akong bigla dahil  sa caption na nakasulat sa baba. BETTY LOPEZ IS BACK BUT SHES CRAZY.  Ano lukring daw akesh? 

Gay SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon