Chapter 16 : Carwash with pedro

578 37 4
                                    

Betty (BERTO) POV

 

Nakauwi na akesh galing sa bwiset na shooting ko with Maniac Dominic na yun. Nagsisisi man ako dahil sa ginawa kong pagwawalk-out at pangiiwan sa lahat sa ere. Lalo na kay Direk Paul dahil mabait siya sa akin.

Nagtake a bath nalang me to relax my beauty, syempre sa bathtub na mabango at maraming bula. Natapos na ako at lumabas ng nakatapis lang ng tuwalya. Girl na Girl lang ang peg ko. Sinagad ko na, umupo akesh sa sofa at uminom ng redwine (DATI MUCHO AT GRANDE LANG)

Pasayt sayt pa ako sa bintana habang hawak ang wine glass. Andaming pumapasok na katanungan sa aking isip tulad ng, Babalik pa ba ang soul ni RealBetty? Kaya ko bang panindigan lahat ng issues ni RealBetty? at ang huli ay Pakakasal ako sa taong hindi ko mahal?

Nakakalurks na talaga itey! Magkakawrinkles na akesh sa mga prob ko.Umupo na ako sa sofa at hindi ko napansin na nakaborlog na ang lola niyo. 

Pagmulat ko ng aking beautiful eyes, bumungad sa akin si Francis at nakangiti niya akesh sinasayt. Iyan na naman si Mr. Mushroom. Mr Mushroom dahil sa palagian niyang pagsulpot sa harap ko. "Hoy! ano ang ginagawa mo dito sa loob? Paano ka nakaenter da dragon?" sunod sunod na tanong ko sakanya. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat?

Hinaplos niya ang buhok ko "Baby, pinagmamasdan ko lang ang mukha mo dahil napakaganda mo talaga" at kiniss pa ako sa noo. Infairness lagi siyang sweet sa akin. Hindi ko naman maikakaila ang love vavoo niya for me.

Nagsmile na lang me at bumangon mula sa pagkakahiga sa sofa. Napansin ko na nakatulog lang ako na nakatapis, naisip ko tuloy na baka pinagnanasaan niya kanina pa ang katawan ko habang natutulog. Sana kasi kung maninilip siya gising ako para KILIG MUCH. hihihi..

"Kaya mo siguro akesh tinititigan kanina dahil nakatowel lang ako!"  pasigaw kong tanong na may halong kalandian. Tumayo siya at nagsimulang tumawa ng malakas. Anyare baliw baliwan lang Francis?

"Baby, kung sisilipan kita, ano naman ang masama? Sa susunod na buwan ay asawa naman na kita"  umupo siya at tumabi sa akin sa sofa. Ano daw? Sa susunod na buwan kasal na? May taxi ba sa labas at nagmamadali siya? Kasasagot ko lang sakanya , tapos kasal agad!

"Next month agad? Bakit? Paano? Saan?"  sunod sunod kong tanong sakanya. Tila nagulat siya sa mga tanong ko.

Hinawakan niya ang kamay ko "Baby, Dont worry dahil all set na ang mga things about our wedding. So pipili ka nalang ng wedding gown na isusuot mo!" sagot niya na may ning ning pa sa mata. 

"Ah bongga! parang instant noddles lang ang weddingkels natin ha!" gulat kong sabi. Nakakalurks naman kasi, kakakilala ko lang sakanya tapos ikakasal na kami. NagYES lang naman ako sa proposal niya dahil sa kapakanan ni OLDBETTY kung sakaling magreturn of da deds siya.

"Nakakatawa ka talaga! Matagal na natin tong plano noon, nakakainis kasi ang pagkawala ng alaala mo"  paliwanag niya. Jusme naman, ano na ba ang pinasok kong buhay!

Napansin ko na nakaoutfit siya na pang office, so it means na papasok na siya sa work. "Baby, baka malate kana sa work mo!" wika ko.

Bigla siyang tumingin sa mamahalin niyang relo "Oo nga pala may urgent meeting pa naman kami ngayon. Ilove you!see you later!" paalam niya sabay labas ng pinto ng kwarto ko. Wa ako masabi ng umalis na si Francis. Tumayo na ako at nagbihis na. Bumaba na ako para mag-almusal dahil PG level na ang pagkaTOMJONES ko.

Nasayt ko na naglilinis si Salve sa sala ng balurr ko. "Salve, Goodmorning!" bungad kong bati sa masipag kong lungkatuts.Napalingon siya at nagulat ng makita niya na sakin galing ang pagbati.

Gay SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon