Samantha
by; Zaiffer
Pagkapasok nila sa malaking bahay ay napanganga si Alice, hindi niya akalain na ganito kalaki ang bahay na tutuloyan niya. Agad bumaba si Sam at umikot ito sa harapan ng pintuan kung saan nandoon si Alice. Nakangiti ito habang binubuksan ang pintuan.
Tila napahiya naman ang dalaga, tiklop ang kamay nitong bumaba sa sasakyan. Inakay ni Sam ang dalaga patungo sa loob ng bahay. Akmang tatanggalin ni Alice ang kaniyang tsinelas sa labas ng pinto ngunit maagap na pinigilan siya ng dalaga.
"Mom, dad... Im here!" masayang saad ng dalaga.
Nagtuloy ito sa sala kung saan dito madalas naglalagi ang kaniyang magulang. Nanlaki ang mata niya ng makitang may ibang kasama ang kaniyang ina.
"Tita Elena..." patakbong lumapit ito sa kinaroroonan ng kaniyang nabanggit.
"How's your day iha?" sambit naman ng panauhin.
Si Elena Antonio ang isa sa malapit na kamag anak ni Marichu ang ina ni Sam. Simula ng maulila ito ay kinupkop na ito ng ina ni Marichu. Nakapag asawa ng ibang lahi kaya nahiwalay ito sa kinagisnang pamilya.
"Fine tita, may gagawin uli kaming sayaw sa susunod na linggo.
"Oh really! That's good iha, and who is that girl?" sabay nguso sa nakatayong dalaga sa may pintoan ng sala.
"Oh! Sorry I forget! Tita, Mom puwede po bang dito na lang siya patuloyin wala kasing matutuloyan kawawa naman."
Nagkatinginan naman ang magpinsan at magkasabay din ang ginawang pag iling.
"Nak, noong isa linggo sino iyong dinala mo din dito sa bahay?" tanong ng kaniyang ina na ang mukha ay nakabaling pa rin kay Elena.
"Ahm.....sandaling nagisip ang dalaga. "Mickey po, bakit anong nangyari sa kaniya?" ang tinutukoy ng dalaga ay ang natagpuan niyang batang babae malapit sa pinagdausan ng kaniyang sayaw.
"Wala naman, eh noong nakaraang buwan sino naman ang dinala mo dito sa bahay?"
"Si Lolo Tonio!" na ang tinutukoy naman nito ay ang matandang nadaanan nila na namumulot ng basura sa isang tambakan.
"Anak, hindi kaya maging bahay-ampunan na itong bahay natin."
"Mom, hindi naman sila naging puwerhisyo sa atin 'di ba? Isa pa tumutulong din naman sila sa gawaing bahay, tulad ni Lolo Tonio kahit matanda na pinilit niyang alagaan ang mga tanim mo. Mas magaling pa nga siyang mag alaga ng mga bulaklak mo 'di ba? At si Mickey, hindi naman siya makulit. Teka Ma, nasaan nga po pala 'yong batang iyon?" kunot noong tanong ng dalaga.
Tuwing hapon kapag dumadating ang dalaga ay ang bata ang sumasalubong sa kaniya.
"Mom hanapin ko po muna si Mickey ipapakilala ko si Alice sa kaniya." wika nito at tuloyan ng umalis hinila ang kamay ni Alice upang makasunod sa kaniya.
Sinundan na lamang ito ng tingin ng magpinsan.
"Ang anak mo talaga ate, napakamaawain. Nagmana sa iyo!" natatawang saad ni Elena.
Nailing naman si Marichu, hindi naman silang mag asawa tutol sa ginagawa ng kanilang anak bagkus ay masaya pa rin sila dahil nakakatulong ito sa kapwa.
"Mickey...Mickey, nandito na si Ate nasaan ka ba?" hinanap niya ang bata sa silid nito na malapit sa silid ng dalaga, dito niya ito pinatuloy para malapit sa kaniya.
Humahangos na dumating naman ang bata, simula sa ibaba ng bahay ay mabilis niya itong tinakbo para ipakita ang napitas na mga bulaklak sa malawak na harden.
"Ate....hingal na tawag ng bata napahawak pa ito sa tapat ng kaniyang dibdib. "Para sa iyo po, kinuha namin ni Lolo Tonio nakalimutan ko na ang oras hay ang pagod." saad nito sabay abot ng naggagandahang rosas sa dalaga, ginawang pamaypay pa ang kanilang kaliwang kamay at itinapat sa kaniyang mukha.
"Kaw talaga, kaya pala hinahanap kita kanina pa hindi kita matagpuan. Kasama mo pala si Lolo."
"Wala po kasi kaming pasok ng hapon, wala naman akong ginagawa kaya tinutulongan ko sila." napansin ng bata ang nasa likuran ng dalaga. Umikot ito sa likuran at sinipat ang nakatindig na babae.
"Ay siyanga pala, siya si Ate Alice mo. Simula ngayon dito na rin siya titira."
"Talaga po, yehey may makakasama na ako uli." sabay palakpak ng dalawa nitong kamay.
Pagkatapos ng mahabang usapan ng tatlo ay agad pinaliguan ni Sam si Alice. Binigyan ng maiisuot. Sinipat ni Sam ang dalaga, napapitik ito ng kamay, maganda ang dalaga hindi mukhang nanggaling sa kalye.
Pagkatapos ay pinapili ng magiging silid.
"Puwede po bang dito na lang ako kay Mickey o kaya ay sa kwarto ng mga katulong ninyo. Tutulong na lang po ako sa kanila."
"Ano ka ba, madami na ang katulong dito sa bahay. Sige kung ayaw mo sa ibang kwarto dito ka na lang muna kay Mickey." tumingin ito sa bata at mukhang nasisiyahan ito.
"Okay lang po iyon ate Sam, malawak naman ang higaan ko kahit magpagulong gulong pa tayong dalawa dito."
"Magpapalit muna ako ng damit, bukas lalabas tayo para mamili ng mga gamit mo Alice." saad nito at tumuloy na sa kaniyang silid.
Naiwan naman ang dalawa habang minamasdan ni Alice ang buong silid, malaki ito sa isip niya ay ganito kalaki dati ang kaniyang tinitirhan.
"Ate Alice paano ka po nakita ni Ate Sam?" pukaw ni Mickey sa dalaga.
"Ahm, muntik na nila akong masagasaan tumawid kasi ako bigla sa daan." turan ng dalaga.
Tumango lang naman ang bata.
"Ang bait niya noh!" saad ni Alice at umupo sa gilid ng malambot na kama. Noon ay sa kahoy lang siya natutulog ngayon ay sa isang tila bulak na.
"Si Ate Sam po ba? Opo super bait niya, madami pa siyang tinutulongan tuwing linggo kapag magsisimba kami pumupunta iyan sa bahay ampunan at doon nagtatagal. 'Yong ibang mga bata ay doon niya dinadala, tapos binibigyan niya ng mga gamit o anumang kailangan nila. Isang beses pa lang akong nakasama sa kaniya, noong una natakot ako kasi akala ko ibibigay niya ako doon." paliwanag ng bata.
Napaisip ang dalaga, subrang yaman siguro ng pamilyang ito. Nakadama siya ng inggit para kay Sam, kahit pamilya ay wala na siya. Iniwan siya ng kaniyang ina noong bata pa siya, ang ama niya ang mag isang bumuhay sa kaniya. Ngunit ng mamatay ang kaniyang ama doon nagsimula ang kaniyang kalbaryo sa buhay.
BINABASA MO ANG
SAMANTHA
RomansaSamantha, isang dalagang nasa kaniya na halos lahat ng katangian hinahanap ng isang lalake sa babae. Mayaman, mabait, maganda, sexy, matalino, tahimik pero palakaibigan ilan lamang iyan sa mga katangian ni Samantha. Sa kabila ng kaniyang katayuan sa...