Chapter 9

2.5K 46 1
                                    

Samantha

by; Zaiffer

Naging isang malaking palaisipan kay Alice ang sinabi sa kaniya ni Elena. Halos oras oras niya itong iniisip, maging sa kaniyang pageensayo ay naiisip din niya ito kaya may nagagawa na naman siyang palpak.

"Okay ka lang ba?" naitanong ng kaniyang kasamahang si Mae, isa sa magaling sa kanilang mga kasamahan.

"Pasensya na may problema lang ako ngayon." sagot niya, umupo ito sa semento at matamang nagisip.

Hindi niya lubos maisip na may masama palang intensiyon ang tita Elena ni Sam sa buhay nito.

Pero bakit? Isang malaking katanungan sa kaniyang isipan na gusto niyang bigyan ng kasagutan. Aalamin niya kung bakit ganoon kalaki ang galit ng tita ni Sam sa pamilya.

Dumating ang araw ng patimpalak, maaga pa lang ang nagsipaghanda na ang dalawang dalaga. Kaniya kaniya silang ayos ng sarili. Tila nakakaramdam ng takot si Alice sa hindi niya malamang dahilan. Marahil ay ito ang unang sasabak siya sa ganitong klase ng paligsahan.

Habang daan at walang imik si Alice na agad namang napansin ni Sam.

"Kinakabahan ka?"

"Huh? Ah, eh medyo." gulat nitong sagot.

"Okay lang iyan, pero sa harap ng maraming tao dapat huwag kang kabahan kasi may tsansa na magkamali ka. Isipin mo na parang nagpapractise ka lang." pagpapalakas loob ng dalaga.

Isang tipid na ngiti lang ang isinagot ni Alice. May kakaiba siyang nadadama, kinakabahan siya pero hindi sa kanilang gagawin.

Ng makarating na sila sa unibersidad ay agad silang bumababa. Madaming mga estudyante ang nagakalat sa loob at labas ng unibersidad. Nagpaalam na si Sam kay Alice dahil pupuntahan niya ang kaniyang mga kasamahan, ganoon din si Alice agad nitong pinuntahan ang kaniyang mga kasama.

Nakaberde sila ng maiksing palda at hanggang kalahati ng dibdib ang damit na kita ang pusod at may simbolo ng kanilang unibersidad.

"Alice, okay ka lang ba? Huwag kang kakabahan, kaya mo iyan." wika ni Mae ng makitang tila tulala ang dalaga.

Tumango lang ang dalaga at nagpakawala ng hangin sa dibdib sabay ang isang matamis na ngiti.

"Good girl, halika ka na. Tayo ang huling sasabak."

Magkahawak kamay nilang nilisan ang silid na kung saan sila nag ayos ng sarili. Agad nagtungo ito sa stadium, napatanga si Alice ng makita kung gaano kadami ang mga tao. Galing pa ang ilan sa iba't ibang school.

"Ang daming tao!" bulong nito kay Mae.

"Ganito lagi sa tuwing may paligsahan dito, masasanay ka din." nakangiting sagot naman ni Mae.

Nagsimula na ang patimpalak, agad natapos ang grupo ng ibang school at sumunod na sila. Isa isa silang humanay sa gitna. Nakita niyang nandoon si Sam sa mga nakahilirang manunuod at nasa tabi nito si Elena.

Kumabog ang kaniyang dibdib ng makita ang ginang. Pilit niyang iwinaksi ang sumasagi sa kaniyang isipan. Nagbaba siya ng tingin upang maalis ang tensyon sa kaniyang dibdib. Natanaw naman niya si Nick ang binatang lihim niyang iniibig. Nakangiti ito sa kaniya at iton ang muling nagbigay ng lakas ng loob sa kaniya.

Pumailanlang ang tugtog, sa una ay marahan hanggang sa pabilis ng pabilis at sa bawat tugtog ay nilalapatan nila ng hakbang. Tamang tiyempo at tamang galaw ng paa at kamay.

Kasabay ng tugtog, sabay sabay nilang iginalaw nila ang kanang paa, at idinipa ang mga kamay kasunod ay itinukod nila ang isa nilang tuhod na nakaangat ang kaliwang paa. Sari saring hakbang ang kanilang ginawa. Nagpalakpakan ang mga tao ng binuhat nila si Alice at itinaas ng gamit ang kanilang mga kamay. Nakapatong ang paa ng dalaga sa mga kamay ng ilan niyang kasamahan habang nakataas naman ang kamay ng dalaga at isinisigaw ang pangalan ng kanilang unibersidad.

"Congrats Alice, you did it! Im proud of you!" masayang sambit ni Sam ng makalapit na ito sa dalaga.

Niyakap niya ang dalaga. Naisip niya na masarap pala ang pinapalakpakan ng maraming tao, masarap ang tinitingala. Nakita ni Alice na papalapit si Elena sa kanilang kinaroroonan. Nakangiti ito sa kaniya, biglang nawala ang ngiti sa labi ng dalaga.

"Hi Alice, congrats ang galing mo." bati sa kaniya ni Elena.

Isang pilit na ngiti lang ang isinagot ni Alice sa ginang.

"Tita maiwan ko na po kayo dito. Pupunta na po ako sa pagdadausan ng aming sayaw." saad naman ni Sam.

"Sasama din ako, gusto kong mapanood ka kung gaano ka talaga kagaling." seryosong wika nito na tumingin pa ng palihim kay Alice.

"Tita naman, hindi naman po magaling sadyang hilig ko lang talaga ang pagsayaw."

"Okay sabi mo eh! Ikaw Alice sasama ka ba sa akin para mapanuod ang pamangkin ko sa pagsayaw." may diing banggit nito at halatang inaasar ang dalaga.

Tumango lang ang dalaga, pagkakuwa'y nagtungo na ang tatlo ngunit bago sila tumuloy ay nagpaalam muna si Sam sa kaniyang nobyo. Kitang kita ng dalawa ang paghalik ni Nick sa labi ni Sam.

"Gusto mo siya 'di ba?" nanunudyong tanong ni Elena kay Alice.

Nagulat naman ang dalaga, wala pa rin itong imik. Titinitigan lamang niya ang ginang.

"Nababasa ko sa mga mata mo na gusto mo si Nick at huwag mo ng ikakaila iyan nanggaling na ako sa bagay na iyan."

Nagyuko lamang ng ulo ang dalaga.

"Matutulongan kitang mapa sa iyo si Nick kung tuutulongan mo din ako sa gusto kong mangyari. At higit pa kay Nick ang makukuha mo maging pera at kasikatan ay mapapasaiyo kapag tinulongan mo ako." paliwanag ng ginang.

"Paano kita matutulongan?" mahinang sagot ng dalaga na mukhang nag aalinlangan pa.

Ngumiti ng isang malademonyong ngiti si Elena sa narinig.

"Mukhang mapapayag ko na siya." wika nito sa sarili.

Maya maya pa ay dumating na si Sam kaya hindi na nito naituloy ang iba pang gusto niyang sasabihin.

SAMANTHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon