Samantha
by; Zaiffer
Ng makarating sa kanilang tahanan si Samantha ay agad itong nagtuloy tuloy sa kaniyang silid. Pumasok ito sa silid nakarugtong ng kaniyang silid, ang sabi sa kaniya ni Elena ay ito ang ginawang tambakan ng gamit ng dalagang si Sam. Maingat sa gamit si Sam kaya kahit pinakaluma niyang gamit ay iniipon niya.
Nakita ng dalaga ang mga libro at notebook ni Sam, inisa-isa niya itong buklatin. Pinag aralan niya itong mabuti.
"Hindi ako makakapayag na may isang baguhan na tatalo sa akin." makahulogang sambit nito sa sarili. Kahit hatinggabi na ay mulat pa rin ang mata ng dalaga.
Araw araw niya itong ginagawa mula ng dumating si RJ sa kanilang unibersidad. Maging sa araw ng walang pasok ay naglalagi doon ang dalaga. Pinaghusayan niya ang pag aaral na ikinatuwa naman ng kaniyang mga magulang.
-----------
Sa unibersidad habang naglalakad di RJ ay napansin niya ang nakapaskil sa dingding ng isang silid. Nilapitan niya ito at binasa.
"Audition para sa mahilig sumayaw, kumanta at kung ano ano pa!" wika nito sa sarili.
Napangiti ang dalaga at hinanap kung saan nagpapalista para sa mga gustong lumahok.
Matapos ang pagpapalista ay masiglang umalis na ito, at pumasok sa kaniyang unang klase. Nadatnan niya ang grupo ni Samantha at ng ilang mga kalalakihan. Nagpasintabi ito sa tabi ni Sam at sa kaniyang paghakbang ay tinapid ang kaniyang paa ng dalaga. Bumagsak sa sahig si RJ, nagkalat ang kaniyang mga dalang libro at notebook.
"Lampa ka pala!" nakangising wika ni Samantha.
Hindi na lang ito pinatulan ni RJ, ang iba niyang mga kaklase ay nagtaka sa inasal ni Sam dahil hindi naman ito gawain ng dalaga dati. May isang lalaking tumulong sa kaniya at pinulot ang nagkalat niyang gamit.
"Salamat!" turan nito sa lalake ng maiabot na ang kaniyang gamit.
"Walang anuman Miss Cutie." tugon naman ni Marlon. "Mag iingat ka dito, maraming fake dito sa school." makahulogang tugon muli nito na napatingin sa kinaroroonan ng grupo ni Sam.
"Okay lang sanay na ako, kahit saan naman mayroon niyan."
Biglang tumahimik ang lahat ng dumating ang kanilang professor. Agad nagsipuan ang lahat ng estudyante sa kaniya-kaniyang mga bangko.
Nagbigay agad ng gawain ang kanilang guro. Agad namang natapos si Sam at ipinasa ito sa kanilang guro. Nagtaka naman ang guro kung bakit natapos ng maaga ang dalaga at lahat pa ng sagot ay tama.
"Miss Del Galdo, anong ginawa mo?"
"Why Sir?"
"Himala yata na ang lahat ng sagot mo ay tumama, nangopya ka ba?"
"Nangopya? Sir hindi ko gawain iyon. Hindi ho ba puwedeng nag aral lang ako ngayon ng mabuti." may diing sambit nito. At bumalik na sa kaniyang upoan, tinapunan muna niya ng masamang tingin si RJ na nakatitig lamang sa kaniya.
Napailing na lamang ang dalaga at muling itinuon ang isipan sa kaniyang ginagawa.
Nang matapos na ang klase ay agad itong nagtungo kung saan ginaganap ang audition. Binigyan siya ng numero at umupo sa bakanteng upoan na nandoon.
"Madami na talagang nagbago. Nasaan na kaya 'yong mga dati kong kasamahan?" bulong ng kaniyang isipan.
Hindi niya namalayan na siya na pala ang tinatawag. Siniko na lamang siya ng kaniyang katabi. Dali dali siyang tumindig at lumapit sa mga tao na nasa unahan na kung tawagin ay hurado.
Sa 'di kalayuan ay natanaw niya si Nick kasama ang ilan niyang mga kagrupo. Natanaw niya ang paglapit ni Sam sa kinaroroonan ng binata.
"Miss Aquino, may gagawin ka ba o titindig na lamang?"
"I-I'm sorry Sir." ipinilig niya ang ulo at itinuon ang isipan sa kaniyang gagawin.
Nagsimula ang tugtog, nakayuko ito sa una at dahan dahang nag angat ng ulo. Masigla nitong sinabayan ng galaw ang tugtog.
"A dream like this not
something you wish for.
A dream like this not
something you ask for
when it's a gift worth
taking a chance for....
Then this is something
you dance for.....
Tamang tiyempo sa tugtog at tamang paggalaw ng paa at kamay. Iyan ang laging nasa isipan ng dalaga sa tuwing siya ay magsasayaw. Kahit noong tinuturoan niya si Alice, ganito din ang sinabi niya sa dalaga.
Pinagsabay niya ang pagpadyak sa kaliwang paa at ang kanang kamay niya kasunod ang pag ikot. May pakanta kanta pa ito na sumasabay sa tugtog habang nagsasayaw.
Naagaw ang pansin ng grupo ng binata sa dalagang sumasayaw maging si Sam ay napatitig din sa dalaga. Maging ang ilan sa mga tao doon ay napatingin din sa dalagang sumasayaw.
"....there's a moment when
you look to decide who will fall?
Who will survive?
That's the moment when
find it inside on the line
that is your time.
And its all I want
and it's all I do
Iba-ibang galaw ng kamay at paa, kasama ang pagkembot ng puwet ang kaniyang ginawa. Halatang sanay ito sa pagsayaw, maging ang hurado ang ginanahan din.
A dream like this not
something you wish for
A dream like this not
something you ask for
when its a gift takin
a chance for. When this
is something you dance for....
Nagpalakpakan ang ibang nag audition ng matapos ang dalaga sa kaniyang ginagawa. Maging si Nick ay napangiti din at nakipalakpak.
Nangingit-ngit naman ang kaloobang ni Sam sa nakita, lalo na ng masiyahan ang ibang manunuod maging ang kaniyang nobyo.
"Hindi ito maari, gagawa ako ng paraan upang ako pa rin ang kilalanin na pinakamagaling sa lahat." wika nito sa sarili...." Kung kinakailangang mag ensayo ako buong magdamag ay gagawin ko huwag lamang lumamang sa aking ang RJ na iyan." dagdag pa nito at pinukol muli ng masamang tingin ang dalaga kahit malayo ang agwat nito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
SAMANTHA
Любовные романыSamantha, isang dalagang nasa kaniya na halos lahat ng katangian hinahanap ng isang lalake sa babae. Mayaman, mabait, maganda, sexy, matalino, tahimik pero palakaibigan ilan lamang iyan sa mga katangian ni Samantha. Sa kabila ng kaniyang katayuan sa...