Chapter 19

2.4K 53 0
                                    

Samantha
by; Zaiffer


Habang binabagtas ng dalaga ang daan pauwi ay nakilala niya ang sasakyan na kanina sumusunod sa kaniya.

"Tita Elena..." sambit nito.


Iniliko niya ang minamanehong sasakyan imbes na dumiretso siya ay gumawi siya sa kaliwang daan. At natiyak niya na siya ang sinusundan ng sasakyan.

Habang nakasunod naman si Elena sa dalaga ay tumawag si Alice sa kaniya.

"Tita, nasaan ka na? Huwag mo na lamang siyang sundan may naiisip akong plano kung sakaling bumalik siya sa bahay." turan ng dalaga ng sinagot ng ginang ang tawag nito.

"Ano naman ang naiisip mo?"

"Ipapapulis ko siya at sasabihing magnanakaw ang babaing iyan. O 'di kaya naman ay ipapadala ko siya sa mental hospital at sisiguradohin ko na hindi na siya makakalabas doon hanggang sa tuloyan na siyang mabaliw." tugon ng dalaga sa kausap. Pumuslit ito sa kasamang si Nick at nagtago sa comfort room ng kanilang pinapasyalan.

"Gusto ko ang huli mong plano, pero paano kung ang mag asawa ang makakita sa kaniya?"

"Dont worry tita ako ang bahala, sige mamaya na lang tayo mag usap baka hinahanap na ako ni Nick." paalam nito sa ginang at agad pinatay ang kaniyang tawagan.

"Pasalamat ka Sam kung ikaw man iyan, hindi pa din kita tutuloyan ngayon pero kapag bumalik ka pa sa bahay at nagpakitang muling sa magulang ay papatayin na talaga kita." nanlilisik nitong wika sa sarili.

Nakita ng dalaga na biglang bumalik ang sasakyan ng kaniyang tita. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o mas lalong dapat mag ingat, marahil ay alam na nito na siya ay buhay kaya nagawa siya nitong sundan.

Pinagpatuloy nito ang pagmamaneho habang panaka naka'y tinitingnan niya ang side mirror ng sasakyan sa pag aalalang nakasunod muli ang kaniyang tiyahin.

Ng makarating na sa bahay ng mag asawa ay agad siyang sinalubong ni Lee Neth.

"Salamat sa Diyos at bumalik ka na. Kanina pa ako nag aalala sa iyo iha." turan ng ginang at hinaplos ang mukha ng dalaga.

"Payag na po ako sa gusto ninyong mangyari." sarkastikong tugon ng dalaga, nakatitig ito sa mukha ng ginang.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Pinagtabuyan niya ako, hindi niya ako nakilala kaya ngayon ay hindi na nila ako makikilala ng lubosan. Ngunit pagdating ng araw ay babawiin ko kung ano ang akin." may himig na galit ang tinig nito. Seryoso ang mukha ng dalaga habang nakatitig sa ginang.

"Okay kung disidido ka na talaga, ipapaayos ko ang iyong papeles at isasama ka namin sa America doon muna tayo maninirahan."

Dumating naman si Joemar, lihim nitong sinundan ang dalaga. At kitang kita niya ng kausapin ni Sam at kaniyang nobyo maging ang pagsunod ng kaniyang tita Elena at sa hindi niya malamang dahilan ay nagtaka siya kung bakit biglang bumalik ang ginang.

Sinabi ni Lee Neth ang pasya ng dalaga sa kaniyang asawa. Agad nilang inasikaso ang papeles ng dalaga na nakapangalan sa kanilang anak.

Matapos ang ilang linggong paghihintay ay naisaayos din ang mga papeles ng dalaga, minadali nila ito dahil sa nalalapit na nilang pagbabalik sa America.

Sa bahay naman ng mga Del Galdo nag iisip naman si Elena kung bakit hindi na bumalik ang babae na sinasabi na siya si Samantha. Paroo't parito ang ginang na siyang ikinairita ni Alice.

"What's going on tita? May problema ba?"

Nasa sala sila at nag uusap tungkol sa maga bagay bagay na hindi pa alam ng dalaga.

"Parang may mali, nararamdaman ko may mali talaga."

"Ang alin ang mali?" kunot noong tanong muli nito, sabay inom ng inumin na nasa baso.

"Hindi ko matukoy kung alin, basta nararamdaman ko may mali."

Siya namang dating ni Marichu na ikinagulat ng dalawa.

"Mommy..."

"Mukhang abala kayo ah! Ano ba ang pinag uusapan ninyo?" tanong nito at umupo sa tabi ng dalaga.

"Ah wala naman ate, iyang anak mo kasi ang kulit. Pinapakuwento sa aking muli noong makilala ko si Clifford. Hay naku ewan ko ba kung bakit hindi kami nabiyayaan ng anak." pagdadahilan nito, iyon lamang ang pumasok sa kaniyang utak na dahilan.

Umupo ito sa katapat na bangko ng dalaga, uminom ng inumin na nasa baso upang maibsan ang pangambang nadarama sa hindi malamang dahilan.

------

Sa airport habang nakapila ang dalagang si Samantha upang lagyan ng marka ang kaniyang pasaporte, hindi nito mapigilan ang pagtulo ng luha.

"Bakit kailangan pang mangyari ito sa akin? Masama ba akong tao? May nagawa ba akong mali sa kanila?" mga katanungang sa isipan lamang niya lumabas, pasimple nitong pinahid ang luhang dumaloy sa kaniyang pisngi.
"Handa ka na ba anak?" turan ng ginang at marahang tinapik ang kaniyang balikat. Ngumiti siya dito, isang ngiting puno ng pait at pagkasuklam sa mga taong nakapaligid sa kaniya dati. Ngayon ay handa na siyang harapin ang bago niyang mundo bilang si RJ.

SAMANTHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon