Chapter 28

2.5K 48 0
                                    

Samantha

by; Zaiffer

Hindi pinatulog si Sam ng kaniyang iniisip. Matamlay itong pumasok sa unibersidad, nasa isipan pa din niya ang sinabi ni Elena na kung kinakailangang patayin nila ang bata huwag lamang makalabas ang kanilang lihim ay gagawin niya.

Sa loob ng klase ay wala itong kibo hindi rin nagpapakitang gilas pag kasama niya si RJ hindi tulad ng mga nakaraang araw. Ng breaktime niya ay nagtungo itong mag isa sa kantina, hindi naman ito umorder ng pagkain kundi naupo lamang sa isang tabi. Hindi niya napansin na nandoon din si Nick kasama ang ilan nitong mga kagrupo.

Pinagmamasdan niya ang dalaga na tahimik na nakaupo sa isang sulok. Tila nakokonsensya siya sa kaniyang mga nasabi dito ng nagdaang araw.

"Masyado na ba akong masama? Pati batang walang kaalam alam papatayin ko!" wika ng dalaga sa sarili habang nakatungo, hindi niya namalayan ang pagtulo ng kaniyang luha na napansin agad ng nakatinging binata.

Hindi na nakayanan ng binata ang kaniyang nakikita agad itong lumapit sa dalaga. Hindi niya kayang nakikitang umiiyak o nagdurusa ang kaniyang pinakamamahal. Tumabi ito sa inuupoan ng dalaga. Hindi man lang natinag ang dala sa pagkakaupo.

"Baby, I'm sorry." malambing na saad ni Nick. Hinawakan nito ang mga kamay ng dalaga at itinapat sa kaniyang mga labi.

Eksaktong dumating si RJ sa loob ng kantina. Tila milyong milyong kutsilyo ang tumusok sa kaniyang puso habang nakatunghay sa dalawa.

"I'm sorry baby, nabigla lang ako kahapon. Huwag ka ng umiyak, ayaw na ayaw ko pa namang nakikita kang umiiyak." pinahid nito ang luhang dumadaloy sa pisngi ng dalaga.

Sa puso't isipan ni Sam ay may mabuti din palang idinulot ang kaniyang iniisip, ngayon ay nasa harapan niya ang kaniyang pinakamamahal at humihingi ng tawad.

"Okay lang iyon, pasensya ka na din sa naging hiling ko sa iyo kahapon." pinalungkot nito ang kaniyang boses.

Niyakap ng mahigpit ng binata ang kaniyang nobya. Halos lahat naman ng mga estudyante sa loob ng kantina ay sa kanila nakatingin ang iba naman ay tila sanay na sa kanilang nakikita.

Hindi na nakayanan ni RJ ang pangyayari, dali dali itong lumabas. Hindi na nitong nagawang umorder ng pagkain. Nagtuloy tuloy ito sa susunod na kaniyang klase at doon ay nagmukmok na lamang.

Hanggang sa mag uwian na ay hindi pa rin bumabalik sa ayos ang dalaga. May kung anong pangamba itong nararamdaman at bumabagabag sa kaniyang isipan ng makita ang dalawa.

Naging masaya naman ang araw ni Sam, nakalimutan na nito ang kaniyang iniisip simula pa ng umaga. Inihatid siya ni Nick sa kanilang tahanan at sinabi sa dalaga na babalik din ito.

Nasiyahan naman ang dalaga sa nangyayari, lalo na ng sabihin niya na pumapayag na ito sa gustong mangyari ng dalaga. Agad pinaayos ng dalaga sa mga katulong ang buong bahay.

Mag aalas otso na ng dumating si Nick kasama ang magulang nito.

Pagkatapos makapaghaponan ay agad nagpulong ang dalawang pamilya. Habang ang dalawa ay nagtungo sa pinaglalagakan ng mga bulaklak sa isang maliit na bodega.

Nadatnan nila si Lolo Tonio na nag aayos ng mga napitas nitong bulaklak kasama si Mickey. Nagmano ang dalaga sa matanda. Ng makita ni Mickey si Sam ay nakadama ito ng takot, ngunit hindi niya pinahalata lalo na sa dalaga.

Natapos ang usapan ng dalawang pamilya, tungkol sa pagpapakasal ng dalawa. Pumayag ang pamilya ni Sam na pagkatapos ng kanilang pag aaral ay ikakasal na sila. Naging malawak ang pagkakangiti ng dalaga ng marinig ang sinabi ng kaniyang magulang.

Habang nasa sala at masayang nagkukuwentuhan dalawang pamilya ay nakatunghay lamang si Mickey na bagong dating. May hawak itong bulaklak sa kanang kamay. Napansin ito ni Nick na nakaupo katabi ni Sam.

"Mickey, halika nga dito! Nasasabik na ako sa iyo." nilapitan ito ni Nick at hinila palapit sa kinaroroonan nila.

Pinaupo ng binata sa kaniyang isang hita ang bata na nakaharap sa dalaga.

"Ate Sam, ano po ang paborito ninyong bulaklak?" biglang tanong ng bata.

Napaisip naman ang dalaga sa tanong nito.

"Rose's tulad ng araw araw mong binibigay sa akin." nakangiting sagot nito sabay dampot sa hawak na bulaklak ng bata.

"Mali po kayo ate, hindi po roses ang paborito ninyong bulaklak."

Nawala ang pagkakangiti ng dalaga. Lahat ng tao maging si Elena ay napatingin sa bata.

"Anong sinabi mo?" gulat na tanong ni Sam.

"Sabi po sa akin ni Ate Sam noong bago pa lang po ako dito ay ang paborito niyang bulaklak ay sampaguita."

Natawa ang lahat sa tinuran ng bata maliban kay Elena na nakatutok ang paningin kay Mickey.

"Ay noon iyon, ayaw ko na doon roses na ang gusto ko ngayon. Hindi naman kasi maganda ang bulaklak na sampaguita. Hindi ko nga alam kung bakit naging paborito ko iyon noon." pagpapalusot ng dalaga.

"Sabi po ni Ate Sam sa akin noon ay hinding hindi na magbabago ang lahat ng kaniyang mga paborito, bulaklak man ito, pabango niya o kahit shampoo. Hindi daw po kasi nawawala ang amoy ng sampaguita kahit lanta na ito na may amoy pa din. Hindi tulad ng rose na ilang araw lang ang pagiging maganda kahit ilubog mo pa sa tubig na may gamot." makahulogang sagot ng bata.

Patda ang lahat sa tinuran ng bata, maging si Nick ay napaisip din sa sinabi ni Mickey.

"Ate, isa pa pong tanong. Ilang taon na po ako ngayon?" malungkot na tanong muli ng bata.

Muling nag isip ang dalaga at napatingin sa gawi ni Elena. Naghahanap ng maiisagot.

"Ha, ah magsasampung taong gulang ka na."

"Mali po, labin-isang taong gulang na po ako ngayong araw na ito. Sa ganitong araw po ninyo ako nakuha sa kalye at kaarawan ko po ng mga panahon na iyon." nangilid ang luha ng bata habang nagsasalita, walang maisatinig ang lahat ng tao doon. Nakikingi lamang ang mga ito sa usapan ng dalawa.

Maya maya ay tumindig si Elena ay hinila ang bata.

"Ikaw talaga Mickey kung ano ano ang mga tinatanong mo, halika na nga sa silid mo matulog ka na may pasok ka pa bukas 'diba?"

Hindi malaman ni Elena kung ano ang gagawin kaya minabuti nitong paakyatin na lang ang bata sa silid. Hindi naman makahuma ang maga naiwan lalo na ang dalaga, hindi din ito makatingin ng deritso sa mga tao doon.

Dumating na ba ang kinakatakutan niya? Ito na ba ang simula ng kaniyang pagdurusa? O ang nagsisimula pa lamang ang pagiging masama niya? Dahil sa anumang oras ay maaring isakatuparan ni Elena ang binabalak niya sa bata. Makakaya nga kaya niyang pumatay ng isang bata?

SAMANTHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon