Chapter 15

2.3K 44 0
                                    

Samantha
by; Zaiffer



Nakatingin sa kawalan si Marichu ng biglang lumapit si Arnulfo, napapitlag pa ito ng hawakan ng kaniyang asawa ang balikat niya.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah!" tugon nito at niyakap patalikod si Marichu.

"Nagugulohan lamang ako, wala sa anak natin ang binigay kong kuwintas. Kahit minsan ay hindi pa niya ito tinanggal man lamang sa leeg niya mula ng ito ay ipasuot ko sa kaniya."

"Honey huwag ka ng mag isip ng kung ano ano, magpasalamat na lamang tayo dahil buhay ang ating anak." ani Arnulfo.

Humarap dito si Marichu, at nagpakawala ng hangin sa dibdib.

"Siguro nga napapraning lamang ako. Tayo na sa silid ng ating anak, baka naiinip na sa paghihintay iyon."

Magkahawak kamay ito na nagtungo sa silid ng dalaga.

Nakangiti ang dalaga ng makitang papalapit na ang mag asawa, kasama nito si Elena at ipinaliwanag na nito kung ano ang dapat gawin. Maging ang tungkol sa pag iba ng kaniyang boses ay nagawan na rin nila ng paraan. Ang sabi ng doktor ay nangyayari ito lalo na sa naganap sa dalaga.

"Ready ka na anak?"

"Yes Dad!"

Naka-angkla ang kamay nito sa kaniyang ama habang patungo sa bulwagan kasunod sina Marichu at Elena na abot langit ang ngiti.

"Ladies and gentlemen, may I have your attention please!......paunang salita ni Arnulfo sa mikropono, nasa harapan na sila ng malaking bulwagan sa ibaba ng bahay......Gusto ko lamang magpasalamat lalong lalo na sa Poong Maykapal at maging sa isang tao na nag asikaso habang wala kami ay wala sa nag iisang anak namin ng aking asawa, salamat sa iyo ate Elena dahil hindi mo pinabayaan ang aming anak....tumingin pa ito sa ginang na nabanggit.....Marahil ay hindi lingid sa inyo ang nangyaring aksidente sa aming anak at sa mahigit tatlong buwan ay heto na muli sa inyong harapan ang nag iisa naming anak, si Samantha Del Galdo." malakas na boses ng ginoo, nagsipalakpakan naman ang mga tao ang iba ay tumindig pa.

Lumapit si Samantha sa kinaroroonan ng mikropono. Nanginginig ang kamay nito habang hinahawakan ang mikropono na napansin naman ng kaniyang ama.

"Nak, okay lamang iyan. Alam ko na nahihirapan ka pa rin. Huwag mong pilitin kung hindi mo pa kaya!" malumanay na saad nito. Napangiti naman ang dalaga, at hinarap na ang maraming taong nakatingin sa kanila. Tumikhim muna ito bago nagsalita.

"Ahmm, salamat po sa inyong lahat. Sa lahat ng nagpunta noong nasa pagamutan pa ako, sa taong tumulong sa akin kay tita Elena." may diing sambit nito sa huling katagang binitiwan, ngumiti naman ang ginang. "Wala po akong ibang masasabi kundi salamat sa pangalawang buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa akin." pagtatapos nito, nangilid ang luha nito maging si Marichu at Arnulfo.

Nakatitig lamang si Nick sa kinaroroonan ng mag ama. Hindi mawala wala sa kaniyang dibdib ang kabang nararamdaman na hindi niya alam kung bakit.

-------

"Gusto ko pong pumunta sa amin, gusto ko pong makita ang mga magulang ko." malungkot na wika ng babaing nakahiga pa rin sa kama.

Matapos nitong isalaysay sa babaing tumulong at nag alaga sa kaniya ay nagbabaka-sakali ito na pauwiin na siya. Nasasabik na siyang muling makapaling ang kaniyang magulang.

"Sam, may dapat ka palang malaman. Noong nakita ka ng asawa ko sa nasusunog na sasakyan, sino iyong tinutukoy ng aking asawa na nasa labas ng sasakyan? May kasama ka pang isa ngunit hindi na nagawang iligtas ito ng aking asawa dahil masyadong malaki ang apoy."

"Ang taong nasa labas iyon ang aking tita, siya ang tinutukoy ko na gumawa noon sa akin, at iyong nasa loob siya si Alice. Hindi ko maintindihan kung bakit balak nila akong patayin tapos nagkulong sa loob ng umaapoy na sasakyan si Alice. Bakit?" nagugulohang tanong ni Sam, naikuyom nito ang kamao ng maalala ang sinabi sa kaniya ni Alice.

"Sam, tatlong buwan ka na nga palang walang malay. Sa tingin mo kung bumalik ka sa piling ng iyong magulang ay makilala ka pa nila." muling tugon ng ginang.

"A-anong ibig mo pong sabihin?"

Tumindig ang ginang at kinuha ang salamin na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Itinapat niya ito sa mukha ng dalaga.

"Hindi........malakas na sigaw ng dalaga na halos magpayanig sa buong kabayahan.

Bigla namang nataranta ang ginang sa nakitang reaksyon ng dalaga. Kinuha niya ang gamot na tinuturok ng kaniyang asawa dito upang kumalma agad ang dalaga. Isang doktor ang kaniyang asawa na nakadestino sa ibang bansa, nagbakasyon lamang sila sa dati nilang lugar dahil sa kagustohan ng kaniyang asawa. Para na rin mabisita nila ang kanilang lupain.

SAMANTHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon