Samantha
by; Zaiffer
Hindi na nakontrol ng matandang maneho ang sinasakyan nila ng bumulosok ito sa bangin. Napasigaw na lamang ang dalawang sakay nito sa loob. Kitang kita naman ni Elena at Alice kung paano mahulog sa bangin ang sinasakyan ng dalawa. Walang magawa si Alice kundi ang panoorin ang kawawang dalawang sakay ng sasakyan.
Lumapit si Elena sa bangin na may kataasan din at batuhan pa ang binagsakan ng sasakyan. Bumaba ang ginang at pilit na isinama si Alice patungo sa sasakyan.
Habang sa loob ng sasakyan ay nag aagaw buhay na ang matandang maneho. Pinipilit nitong hilahin ang kawawang si Samantha na naipit ang paa sa kinauupoan nito. May naamoy ang matanda na gasolina.
"A-anak, pilitin mong tanggalin ang paa mo." kahit nahihirapan na ang matanda ay pinilit nitong magsalita.
"Tay Lino....." iyon lamang ang tanging namutawi mula sa bibig ng dalaga na dugoan ang ulo dahil sa pagbagsak na tumama ang ulo sa nabasag na salamin ng sasakyan.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating na rin sina Elena at Alice sa kinaroroonan ng sasakyan. Pinagmasdan ng ginang ang sasakyan.
"T-tita Elena..." mahinang sambit nito ng makita ang ginang.
"Alice, pumasok ka sa loob." makapangyarihang saad nito.
"Po, bakit po?"
"Sundin mo na lang ang pinag uutos ko."
Dali daling namang pumasok ito sa loob ng sasakyan, dumaan ito sa nabasag na salamin. Pagkapasok nito ay nakita niya ang sinapit ng dalawa. Wala itong masabi, tanging takot lamang ang nasa kaniyang dibdib ng mga sandaling iyon.
"Alice tulongan mo ako."
Pinilit niyang tanggalin ang nakaipit na paa ng dalaga. At nagulat na lamang siya ng biglang nagliyab ang palibot ng sasakyan. Sumilip ito sa basag na bintana at nakita niya ang humahagalpak sa tawang si Elena.
"Tita Elena, anong ginagawa mo? Kasama ba sa buong plano mo ang sunugin kami?" nanginginig na sigaw ni Alice na ikinagulat ni Samantha maging ang matandang maneho na nanghihina na ay tila nagkaroon muli ng lakas dahil sa kaniyang narinig.
"Maghintay ka lang Alice. Magtatagumpay tayong dalawa. Huwag kang mag aalala mapapasa iyo ang lahat ng iyong naisin. Basta sundin mo na lamang ang mga sinabi ko sa iyo kanina." tugon nito at kasunod ang malademonyong tawa na pinakawalan nito.
"A-Alice, bakit?" tanong ni Sam, at umagos ang masaganang luha sa pisngi ng kawawang dalaga.
Napayuko lamang ng ulo si Alice, kahit siya ay nagdadalawang isip sa inalok ni Elena. At lalong hindi niya alam na ganito ang mangyayari.
Unti unti ng nilalamon ng apoy ang buong sasakyan. Hindi na halos makagalaw si Mang Lino, dahil maging ang kalahati ng katawan niya ay sinakop na din ng apoy. Napangiti ito kay Sam, pinilit nitong abutin ang kamay ng umiiyak na dalaga.
"Samantha, anak masaya akong mamamatay dahil hanggang sa huling hininga ko ay ikaw ang aking pinaglingkuran. Napakabait mong bata, wala akong masasabi sa iyo kundi salamat. Para na kitang anak, salamat at itinuring mo akong pamilya." wika ng matanda at unti unti na itong nawalan ng hininga.
"Tatay Linooooo......" sigaw ng dalaga, habang hawak ang kamay ng matandang nilalamon na ng apoy.
"Bakit ninyo nagawa ito sa amin? Anong kasalanan namin sa inyo?" galit na sigaw ng dalaga sa nanginginig na si Alice.
"P-patawad Sam, hindi ko gusto ito. Inutusan lang niya ako na tanggalin ang preno ng sinasakyan mo. Hindi ko alam na dito hahantong ito." saad ng dalaga na ang tinutukoy ay si Elena.
Habang nilalamon ng apoy ang sasakyan ay may tinawagan naman si Elena na pagamutan at sinabi ang kanilang kinaroroonan. Umiiyak pa ito habang nakikipag usap sa taong sumagot ng kaniyang tawag.
Nang halos apoy na lang ang nakikita ng ginang ay tumawa ito ng tumawa.
Ilang minuto pa ay dumating ang ambulansya ng pagamutan na tinawagan nito at muli ay umiyak ito sa harapan ng mga tao.
"Diyos ko ang pamangkin ko, bakit ang tagal ninyo? Kanina ko pa kayo tinawagan." sigaw nito at pinaghahampas ang mga nurse na bagong dating.
"Pasensya na po Ma'am hindi po kami makasingit sa traffic."
"Traffic ang sabihin ninyo mga inutil kayo." muling sigaw nito.
Agad nilang inapula apoy. Ng makuha na ang kalunos lunos na katawan ng dalawang tao, isa sa unahan at isa sa hulihan ang kanilang nakuha. Sunog ang buong katawan ng nasa unahan at wala ng buhay ngunit ang nasa hulihan ay humihinga pa kahit sunog ang buo nitong katawan. Agad nila itong nilapatan ng lunas at isinugod sa pinakamalapit na pagamutan.
Nagtaka naman si Elena kung bakit dalawang tao lamang ang nakita sa loob ng sasakyan.
"Imposible!" bulong ng kaniyang isipan.
BINABASA MO ANG
SAMANTHA
RomanceSamantha, isang dalagang nasa kaniya na halos lahat ng katangian hinahanap ng isang lalake sa babae. Mayaman, mabait, maganda, sexy, matalino, tahimik pero palakaibigan ilan lamang iyan sa mga katangian ni Samantha. Sa kabila ng kaniyang katayuan sa...