Samantha
by; Zaiffer
Tila gumuho ang mundo ni Nick sa kaniyang narinig, noong una pa lang ay nakaramdam na siya ng kakaiba sa dalagang nakasama niya ng mahigit isang taon. Ngunit binalewala niya ito, ngunit nasaan ang babaing kaniyang pinakamamahal.
Napasinghap si Alice ng madama niya ang palad ni Arnulfo na dumapo sa kaniyang pisngi. Hindi nila ito napagplanuhan, wala siyang ideya na mangyayari ang ganito. Maging si Elena ay hindi din makakilos sa kaniyang kinatatayuan.
"Nasaan ang anak ko?" pasigaw na tanong ni Arnulfo sa dalaga.
Napatingin ang apat na nasa unahan sa kinaroroonan ng dalawa.
"P-patay na po siya!" mahinang sambit ni Alice.
"Ano? Patay na ang anak ko?"
Nagbulongan ang mga tao ng marinig ang sinabi ni Mr. Del Galdo. Nanginig ang buong katawan ni Nick, kahit ganoon pa man ay marahan niyang inihakbang ang kaniyang mga paa palapit sa unahan.
Nangilid ang luha nito ng tumunghay sa dalagang buong akala niya ay si Samantha.
Nagsalita si Lee Neth sa mikropono, muli ay pumagitna ito. Lahat ay napatingin sa ginang.
"Good evening everyone, ako po si Lee Neth. Noong nangyari ang nagkataong nandoon ang asawa ko, nakita niya ang pagbagsak ng isang sasakyan. Nagulat na lang siya ng makita niyang naglagablab iyon at may nakita din siya na dalawang tao doon, pilit niyang kinuha ang isa. May tama ito ng kutsilyo at sunog ang buo nitong katawan. Doktor ang aking asawa. Dinala niya sa bahay namin sa Laguna ang babaing nakuha niya, at mahigit tatlong buwang walang malay ang babae. Sa awa ng Diyos ay nakaligtas sa kapahamakan ang kawawang dalaga." paliwanag ni Lee Neth. Mabilis na lumapit si Arnulfo sa kinaroroonan niya.
"Nasaan ang anak ko?"
"Relax Mr. Del Galdo.....sagot nito. "Dinala namin sa America si Sam at doon ay pinaayos ang mukha na nasa katauhan ng aking anak na si Dalia Rose Jasmine o kilala sa tawag ninyong RJ."
Patda ang lahat sa sinabi ng ginang, maging si Alice ay napatitig ito sa dalagang nakikipagkuwentuhan kay Mickey. Si Marlon na nasa isang tabi ay halos hindi makapaniwala ay nakanganga na lamang
"I-ikaw si Sam? Ikaw ang anak ko?" pautal na tanong ni Arnulfo.
May kung anong bugso ng damdamin ang nadama ni Nick, kaya pala noong una niya itong makita ay parang kakaiba ang kaniyang nadarama dito. Pinipigilan lamang niya dahil sa maling paniniwala.
Nangilid ang luha ni RJ ng makita sa harapan niya ang pinakamamahal na ama.
"Daddy...." yumakap ito sa ama at gumanti din ng yakap si Arnulfo. Iba talaga ang tinatawag na bugso ng damdamin, kahit pa anong hitsura ng iyong kaharap makikilala mo pa rin ito.
Dahan dahan namang tumalikod si Elena, palihim itong umalis ngunit hindi nakaligtas ito sa paningin ni Marichu. Sinundan niya ito, hanggang sa silid ng ginang.
Samantala ay nanatiling nakatayo si Alice sa kanilang likuran habang magkayakap pa rin ang mag ama. Lumapit naman si Nick sa mag ama, ngumiti kay Arnulfo. Bumitaw ang ginoo sa pagkakayakap at binigyan ng lugar ang binata.
"Ehem....pakunwaring tikhim ni Mickey habang nagkatitigan ang dalawa. "Mama Lee Neth gusto ko po ng makakain, Dad Arnulfo 'di ba sabi ninyo sa akin bago ako mawala manunuod tayo ng sine?" pagsusumamo ng bata sa dalawa.
"Huh? Ngayon na ba anak? Teka paano.....hindi na nito natapos ang iba pang sasabihin ng hilahin na siya ng bata. Natatawa naman si Lee Neth sa dalawa muli ay lumapit ito sa mikropono at muling nagsalita.
"Ipagpatuloy po natin ang masayang party, sumayaw ang gustong sumayaw, kumain ang gustong kumain."
Nagpalakpakan ang mga panauhin, habang ang dalawa ay malayang magkayakap at sumusunod sa himig mg malamyos na musika.
Wala ng nagawa si Alice, hindi niya kayang tumingin sa mata ng mga tao. Dahan dahan itong tumalikod at akmang ihahakbang na ang mga paa ng biglang tawagin siya ni Sam.
"Sandali...tawag ng dalaga. Tumigil siya sa paghakbang. "Gusto ko lang malaman kung bakit mo iyon nagawa sa akin, ano ang kasalanan ko? Bakit ka nagpadala sa sinasabi sa iyo ni Tita Elena?"
"Dahil noong una pa lang na tumuntong ako sa pamamahay na ito ay nainggit na ako sa iyo. Noong una pa lang na makita ko si Nick ay minahal ko na siya." deritsahang sagot ng dalaga. "Pinagkaitan ako ng tadhana noon at ng inalok ako ni Elena ay agad ko itong sinunggaban. Hindi ko inisip ang mga taong masasagasaan ko, dahil wala na ako nito." humarap ang dalaga sa dalawa at sabay turo sa kaniyang tapat ng puso. "Kinuha na ng tadhana ito at ipinalit ay galit at pagkapoot." nangilid ang luha nito. Nakadama naman ng awa si Sam sa dalaga, kahit na malaki ang ginawang kasalanan nito sa kaniya maging sa pamilya niya ay hindi pa rin mawala ang awang nararamdaman niya dito.
Sa silid ni Elena, habang isa isang hinahalungkat nito ang kaniyang gamit ay napaigtad ito ng madinig ang tinig ni Marichu.
"Bakit mo iyon nagawa?"
"Dahil galit ako sa ama mo...sigaw nito na halos lumabas na ang litid sa leeg. "Kung hindi niya kami pinabayaan sana'y hindi ako makakadanas noon ng kalupitan ng panahon. Sana'y hindi namatay ang aking ina sa aking mga bisig. Hindi mo naramdaman kung paano mawalan ng mahal sa buhay na puno ng paghihirap." umagos ang luha nito sa magkabilang pisngi. "Hanggang sa huling hininga ng ama mo hindi niya ako matanggap bilang anak niya, hindi niya magawang ipakilala sa buong mundo bilang anak niya."
"Bago namatay si Papa, sinabi niya sa akin ang tungkol sa iyo. Hindi ka niya tinanggap noong buhay pa si Mama dahil ayaw niyang masaktan ang damdamin ni Mama, pero ako....tinanggap kita bilang kapatid." maluha luhang tugon ni Marichu.
Umiling ng ilang ulit si Elena. Maya maya ay kinuha niya ang isang bagay sa maliit na kahon na ikinagulat ni Marichu.
"Huli na ang lahat, Marichu! Wala na ang Mama mo bago niya ako tinanggap. Hindi din niya sinabi sa akin ng harapan bago siya pumanaw." wika nito kasabay ang ilang beses na pag iling at hawak hawak nito ang baril na kinuha niya sa kahon.
BINABASA MO ANG
SAMANTHA
RomantikSamantha, isang dalagang nasa kaniya na halos lahat ng katangian hinahanap ng isang lalake sa babae. Mayaman, mabait, maganda, sexy, matalino, tahimik pero palakaibigan ilan lamang iyan sa mga katangian ni Samantha. Sa kabila ng kaniyang katayuan sa...