Samantha
by; Zaiffer
Halos buong mukha niya ang nasunog ng makita ni Sam ang kaniyang sarili sa binigay ng ginang na salamin. Dahan dahan niyang hinipo ang kaniyang mukha, nangilid ang luha nito.
"Paano nila nagawa sa akin ito? Anong kasalanan ko sa kanila?"
Maging ang ginang ay nangilid din ang luha sa kalagayan ng dalaga. Hindi nila namalayan ang pagdating ng isang lalake.
"Hi, gising ka na pala. Salamat sa Diyos." malumanay na wika ng ginoo.
Lumapit ito sa kinaroroonan ng dalaga. Nakadama muli ito ng pagkahabag. Sumagi muli sa kaniyang isipan ang tagpo ng makita niya ang dalaga sa loob ng sasakyan.
Binibisita niya ang kanilang lupain ng mag asawa, matagal na din ang panahon na hindi sila nakakapasyal sa Pilipinas. Habang naglalakad ito ay may natanaw siyang naglalagablab sa may dako. Agad niya itong pinuntahan at ganoon na lamang ang kaniyang pagkagulat na isa palang sasakyan ang umaapoy. Pinilit niyang iligtas ang babaing nasa loob ng sasakyan kahit malaki na ang apoy. Pagkakuha niya dito ay nalaman niya na hindi lang pala ito basta nasunog dahil may saksak din ang kaliwang balikat nito. Hindi na niya nagawang iligtas ang isa pang laman ng sasakyan dahil sa masyado ng malaki ang apoy. Napansin din niya ang taong nakatindig sa may di kalayuan sa sasakyan. Agad siyang nagtago sa isang malaking puno at pinakiramdaman ang babaing nakatayo.
Ramdam niya na ito ang may pakana ng pag apoy ng sasakyan. Kita niya sa mukha ng babaing nakatayo, at tumatawa pa ito habang pinapanuod ang umaapoy na sasakyan. Dali daling niyang nilisan ang lugar na iyon, pangko ang babaing wala ng malay.
"Iha, magpahinga ka na muna dito. Kung gusto mo na bumalik sa magulang mo ay sasamahan ka namin bukas." sambit ng ginang na nakatayo na din malapit sa asawa nito.
"Salamat po, napakabuti ninyo." umiiyak na tugon ng dalaga.
"Walang anuman iyon iha, bukas ang aming mga palad sa taong tulad mo na nangangailangan ng tulong." sambit naman ng lalake.
Isang pilit na ngiti ang isinagot ng dalaga, biglang nakaramdam ito ng kalungkotan. Buong akala niya ay totoong tao si Alice.
"Puwede po ba na ngayon na ako pumunta sa amin, nasasabik na po akong makita ang mga magulang."
Nagkatinginan naman ang mag asawa.
"Kaya mo na ba iha!"
Tumango ang dalaga, handa niyang harapin ang kaniyang tita Elena kung inaakala nito na patay na siya.
----------
"Nick, bakit parang hindi ka masaya?" saad ng dalaga, nasa isa silang sulok ng bahay. Dito madalas silang magtungo kapag pumupunta ang binata sa malaking bahay.
"Masaya naman ako ah! Sinong maysabi na hindi masaya at hahalikan ko."
Natawa naman ang dalaga sa tinuran ng binata. Napahampas pa ito sa balikat ng nobyo.
"Puro ka talaga kalokohan, halika na nga sa loob baka hinahanap na tayo ni Mommy at Daddy."
"Dito muna tayo, gusto ko pang makasama ang nag iisa kong prinsesa." halos pabulong na wika ng binata at hinapit sa beywang ang dalaga.
Tila mapapaihi naman sa sobrang kilig ang dalaga. Gumanti ito ng yakap sa binata, inihilig nito ang kaniyang ulo sa balikat ni Nick.
"Ganito pala ang pakiramdam ng may nagmamahal, napakasarap sa pakiramdam." wika nito sa sarili, ipinikit nito ang kaniyang mga mata.
Sa kaniyang pagpikit ay ang mukha ni Samantha ang pumasok sa kaniyang isipan, nanlilisik ito habang nakatingin sa kaniya. Agad siyang nagmulat ng mata, iniangat nito ang ulo mula sa pagkakahilig. Tumingin ng deritso sa binata. Tila nangungusap naman ang mga mata ni Nick, walang kaalam alam sa nangyayari sa dalaga.
Unti unting lumalapit ang mukha ng binata sa mukha ng dalaga. Napapikit naman ang dalaga dahil alam na niya ang kakahantungan niyon. Naglapat ang kanilang mga labi. Ilang sandali pa ay gumaganti na din siya ng halik sa binata.
Mag aalas kwatro na ng hapon ng dumating ang dalagang si Samantha sa kanilang bahay, kasama nito ang mag asawa. Lumabas agad siya ng sasakyan at tinitigan ang malaki at magandang bahay. Humawak ito sa pagitan ng bakal ng gate. Nakita niyang lumabas ang kaniyang ina mula sa pintuan ng bahay.
"Mommy....." sigaw niya.
Napalingon naman si Marichu kasalukoyan niyang hinahanap ang kaniyang anak ng may natanaw siya na isang babaing nasa gate ng kanilang bahay. Dahan dahan itong lumapit sa babae.
Nakangiti ito sa kaniya, hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili. May kung anong damdamin ang nag udyok sa kaniya upang usisain ang babae.
"Mommy, miss na miss na po kita. Ako po ang anak ninyo." maluha luhang sambit ng dalaga.
Nangonot ang noo naman ng ginang sa kaniyang narinig. Napaawang pa ang bibig nito.
"Mommy, nagbalik na po akong muli."
"Iha, ano bang pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan." nagugulohang tanong nito.
Idinikit ng dalaga ang kaniyang katawan sa bakal na gate. Nagulat ang ginang sa kaniyang nakita, nalaglag ang nataklob sa mukha ng babae. Sunog ang mukha nito.
"Mommy..." tawag namang ng dalagang si Samantha kasama nito si Nick.
Malayo pa lang ay tanaw na ng dalaga ang papalapit na dalawang tao. Halos panawan siya ng ulirat sa kaniyang nasaksihan. Hindi ito makapaniwala. Gusto niyang magtanong, gusto niyang magsalita pero walang lumabas sa kaniyang bibig.
"Ang mukha ko." mahinang saad nito na narinig naman ng nagugulohang ginang, nakatitig lamang ito sa babae. Agad ipinulopot ng dalaga ang nalaglag nitong taklob sa ulo ng papalapit na ang dalawa sa kanilang kinaroroonan.
"Mommy, sino siya?"
"Ha, ah, eh wala anak. May tinatanong lamang siya." tugon ng ginang at muling tinitigan ang babaing nakatayo sa kanilang harapan.
Unti unti ng nalaglag ang pinipigil na luha ng dalaga. Ngayon any naiintindihan na niya ang lahat, kung bakit nanatili si Alice sa sasakyan ng nasusunog ito, tumingin ito sa binata na nakatitig lamang sa kaniya. Maging sa kaniyang ina, napahawak siya sa kaniyang suot na kuwintas na nasa loob ng kaniyang suot na damit.
Lumapit naman ang mag asawa na nakatindig lamang sa 'di kalayuan sa kanila.
"Halika na muna iha, siguro ay hind pa ngayon ang tamang panahon. Mababawi mo din kung ano ang iyo." bulong ng lalake sa kaniya.
Nakita nitong lumabas ng bahay ang babaing nakita niya noon sa kakahuyan kaya minabuti niyang yakagin na ang dalaga. Lalo lamang itong mapapahamak sa oras na malamang buhay ito.
BINABASA MO ANG
SAMANTHA
RomanceSamantha, isang dalagang nasa kaniya na halos lahat ng katangian hinahanap ng isang lalake sa babae. Mayaman, mabait, maganda, sexy, matalino, tahimik pero palakaibigan ilan lamang iyan sa mga katangian ni Samantha. Sa kabila ng kaniyang katayuan sa...