Chapter 12

2.4K 41 0
                                    

SAMANTHA 

by; Zaiffer

Sa hospital, paroo't parito si Elena habang iniisip ang nangyari. 

"Bakit dalawa lamang ang katawan na nakuha? Nasaan ang isa? Kailangan kong makausap si Alice, nakakatiyak ako na si Alice iyon." mga katagang sa isipan lamang niya lumabas. 

Mahigit limang oras ang iginugol ng doktor upang suriin ang katawang nasunog. Hindi na ito halos makilala, ngunit ayon sa pagsusuri ay walang anumang tinamong pinsala ito maliban sa sunog na katawan. Hindi tulad ng isang bangkay na bali ang kanang paa nito at may mga ilang pinsala ang ulo nito.

Ipinaliwanag ng doktor kay Elena ang lumabas sa resulta. Hindi naman maipaliwanag ng ginang kung ano mararamdaman nito. 

"Ahm, dok kailan ko puwedeng makausap ang pamangkin ko?" 

"Hindi ko alam kung kailan siya magigising maghintay muna tayo ng dalawampo't apat na oras." sagot ng doktor, pagkakuwa'y tumalikod na ito sa ginang.

"Nasaan si Samantha?" isang malaking katanungan sa isipan ni Elena. 

Umalis ito ng hospital at muling binalikan ang pangyayari na ngayon ay may mga pulis na nag aasikaso na sa sasakyan.

"Ahm, sir nilibot na ba ninyo ang buong paligid?" pasimple nitong tanong.

"Yes Ma'am, halos isang kilometro na ang aming nilibot buhat dito. Bakit Ma'am may hinahanap po ba kayo?" tugon naman ng isang pulis na may hawak na malaking aso at flaslight.

"Wala, nagtatanong lamang baka kasi may naligaw dito na nakakita sa nangyari sa sinasakyan ng pamangkin ko. Hindi ko lubos maisip na ganoon ang nangyari sa kaniya, napakabait pa naman niyang bata." paliwanag nito na nagsisimula na namang umiyak. 

"Wala ho naman kaming nakitang ibang tao dito, kayo ho paano ninyo nalaman na nalaglag ang sasakyan ng pamangkin ninyo."

Hindi naman agad makasagot ang ginang. Nagisip muna ito.

"T-tinawagan ako ng aking pamangkin kasi nanggaling kami sa school nila. Na-una silang umuwi ng driver niya at habang kinakausap ko siya bigla na lang sumigaw ito, hindi ko na masyadong maintindihan ang kaniyang mga sinasabi naging malabo ang aming pag uusap. Agad akong sumunod sa kanila, mabuti na lamang at bago naputol ang aming pag uusap ay nasabi niya ang kanilang kinaroroonan tapos ito nga, pagdating ko nasusunog na ang kanilang sinasakyan." deritsahang sagot nito at humagolgol na ng iyak sa harapan ng mga pulis.

Tumango naman ang pulis at bawat salitang binibigkas ng ginang ay sinusulat nito.

Nang matapos na ang kanilang pag uusap ay minabuti nitong bumalik na ng hospital. Pagdating niya ay agad niyang sinilip ang dalagang nakahiga. Dahan dahan itong lumapit dito, sinipat ang bawat anggulo ng katawan may benda man ito ngunit nakakasiguro siya na ito si Alice ayon na rin sa mga pagsusuri ng doktor. Ng biglang dumating si Nick.

"Tita what happen?"

"Nick si Sam...." mahinang tugon nito, at muli ay umiyak ito tanda ng pagdadalamhati.

Agad lumapit ang binata sa dalaga. Maging ito ay napaiyak na din sa kalunos lunos na nangyari sa babaing pinakamamahal. Sari saring aparato ang nakakabit sa katawan ng dalaga. Balot ng benda ang buo nitong katawan at tanging bibig at mata lamang ang walang balot. Awang awa ang binata sa sinapit ng dalaga, naintindihan na niya kung bakit siya kinakabahan ng maghiwalay sila nito.

Hindi umalis ang binata sa tabi ng dalaga, kung hindi lamang pinagbawal ng doktor ang manatili sa loob ng silid ng dalaga ay gagawin nito. Tanging sa labas lamang ito ng silid ng dalaga nagbabantay, minu-minuto niyang tinitingnan sa salamin ng pintoan ang dalaga.

"Nick, umuwi ka muna. Ako na lang muna ang magbabantay sa kaniya." 

Umiling naman ang binata.

"Nick, sige na. Bukas ikaw naman magbabantay dito, susunduin ko sina Ate sa airport hindi pa nila alam ang nangyari kay Sam." ani Elena na bahagya pang gumaralgal ang boses.

Napapayag din ang binata, bago siya umalis ay muli nitong sinilip ang dalagang nakahimlay. 

Mag aalastres na ng madaling araw, matiyagang nagbantay si Elena sa dalaga. Hinihintay nito ang muling pagmulat ng mga mata ng dalaga. At hindi naman siya nabigo. Mula sa pagkakasilip niya sa salamin ng pinto ay kitang kita niyang gumalaw ang kamay ng dalaga. Agad itong pumasok kahit pinagbabawal ng doktor dahil sa mga gamot na nilagay dito sa buong katawan ng dalaga. 

"T-tita Elena," kinakapos na saad ng dalaga.

"Alice alam ko ikaw iyan, nasaan si Samantha?"

"Si S-Sam...wala si Sam sa sasakyan, bago tuloyan akong nilamon ng apoy ay kitang kita ko na nagbukas ang pinto at may kumuha kay Sam. Walang malay na noon si Sam dahil sinunod ko ang pinag uutos mo." kahit mahina at kinakapos ang hininga ng dalaga ay naisalaysaly pa rin niya ang nangyari.

"Anong ginawa mo kay Sam?" halos hindi makapaghintay ang ginang, tila nasisiyahan ito sa naririnig kahit na alam nitong may taong kumuha sa kaniyang pamangkin.

"Naipit ang paa nito, nakikiusap ito sa akin na tulongan ko siya ngunit hindi ko ginawa. Sinaksak ko siya ng binigay mong kutsilyo kahit pareho na kaming nasusunog at doon ko nakitang bumukas ang pinto at nawala na lang si Sam. Ang sama kong tao, pinatay ko si Sam." nangilid ang luha nito, samantalang si Elena ay napahagalpak ng tawa.

"Huwag kang mag alala Alice, mula ngayon ay ikaw na si Samantha. At huwag mo ng isipin kung ano ang nangyari sa babaing iyon, magiging sa iyo na din kung ano ang lahat ng kaniya. Kanina nga pala ay dumalaw dito si Nick kinukumusta ka." nakangising tugon ng ginang. 

Natahimik bigla si Alice ng marinig ang pangalan ng binata. Ngunit hindi maalis alis sa isipan nito ang mukha ni Samantha.

SAMANTHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon