Samantha
by; Zaiffer
Sinundan ni Marichu sa silid ang dalawa, nadatnan niyang kinukumotan na ni Elena ang bata.
"Mickey!"
"Ate nandiyan ka pala, pinapatulog ko na ang bata. Maaga pa ang pasok niya bukas." ani Elena, sinundan niya ng tingin si Marichu na umupo sa gilid ng higaan ng bata. "Sa susunod na linggo na lamang tayo lalabas at ice-celebrate ang kaarawan Mickey. Pupunta tayo sa mall, kahit saan mo gustohin." baling naman nito sa bata ay hinaplos ang buhok.
"Mommy Marichu, kagabi po ay narinig ko nagsasalita si Ate Sam, hindi daw po siya si Ate Sam. Patay na daw po si Ate ko." malungkot na wika ng bata.
Nagulat si Marichu sa sinabi sa sinabi ng bata, walang kakurap kurap itong nakatitig sa nakahigang bata. Itinulos naman na sa kinatatayuan si Elena. Tila binuhosan ng sampung galong suka ang kaniyang mukha ngunit agad ding nakabawi ito.
"Ay ikaw na bata ka nagpapaniwala ka sa Ate Sam mo, nagpapractise lang iyon para sa gaganaping dula sa kaniyang pinapasukan." sambit agad nito ng makahuma na, napatingin ito kay Marichu.
"Simula po ng mangyari ang aksidente nagbago na si Ate Sam ko, parang hindi na siya si Ate Sam."
Lalong hindi nakaimik si Marichu sa tinuran ni Mickey maging siya na ina ni Sam ay madami ding napapansin sa kinikilos ng kaniyang anak. Mga pagbabago dito simula ng mangyari ang trahedya.
"Mickey sinabi ng doktor noon na marami talagang magbabago sa Ate Sam mo, tulad ng kaniyang pag uugali. Hindi madali ang nangyaring trahedya sa kaniya intindihin na lang natin siya." naiiritang sagot ni Elena.
"Oo nga naman Mickey, sige matulog ka na baka bukas tanghaliin ka ng gising." sang ayon ni Marichu ngunit nagtatalo ang isipan nito. Humalik muna sa noo ng bata an ginang bago lumabas ng silid.
Hindi dalawin ng antok si Marichu, laman pa din ng isipan niya ang sinabi ni Mickey kanina. Pabaling baling ito sa higaan hanggang sa magising ang kaniyang asawa.
"Ano bang nangyayari sa iyo, hon? Magpatulog ka naman maaga pa ang gising ko bukas." yamot na saad ng kaniyang asawa.
"Hindi ako makatulog, naiisip ko 'yong sinabi ni Mickey kanina."
"Huwag mo ng isipin iyon, baka nakalimutan lang ni Sam ang kaarawan ni Mickey." tugon ni Arnulfo na ang tinutukoy ay ang nabanggit ng bata ng nasa sala pa sila.
"Hindi iyon, 'yong sinabi sa amin ni Mickey habang nasa silid niya kami na hindi daw si Sam ang anak natin, patay na daw si Sam." tugon nito.
"Naniwala ka naman?"
"Narinig daw niya na sinabi ni Sam iyon. Napapansin ko nga din mga pagbabago ng ating anak, sa loob ng mahigit isang taon simula ng mangyari ang trahedya ay madami ang nagbago sa kaniya." saad muli ni Marichu, nag isip ng malalim ng biglang may naalala ito. "Arnulfo natatandaan ko ng magpaganap tayo ng isang salo salo sa ating anak ng matapos na ang operasyon sa kaniya, may tumawag sa akin ng nasa harapan ako ng gate tinawag niya akong Mommy. Nilapitan ko iyon at sunog ang mukha nito. May taklob siya at mahaba ang manggas ng damit hindi ko alam kung buong katawan niya ay sunog." mahabang paliwanag ng ginang.
"Alam mo Hon, madami na ngayon ang manloloko sa mundo, puwede ba tigilan mo na ang masyadong pag iisip sa sinabi ni Mickey, at kung puwede din lang ay matulog ka na. Pati ako nahahawa sa iyon." tugon naman ni Arnulfo, maging siya ang pareho din ang naramdaman sa kaniyang asawa.
Kinabukasan ay maagang nagising si Mikcey, pagbaba niya ay nakita niyang nakaupo si Sam na tila hinihintay siya.
Umiwas ang bata sa dalaga, nagtuloy ito sa bodega ng mga halaman, nagmano muna ito at humalik sa matanda bago lumabas muli at nagtuloy tuloy hapag kainan.
Sa unibersidad na pinapasukan ni Sam, ibinalita nito sa kaniyang buong kamag aral ang naganap ng nagdaang araw sa pagitan ng pamilya ni Nick at niya. Tila naparalisa naman ang buong katawan ni RJ ng marinig ang balita ni Sam. Hindi ito makapaniwala na engage na ang dalawa at malapit ng ikasal. Sinabi sa kaniya noon ni Nick na hindi muna siya magpapakasal sa babaing gusto niya hangga't wala pa siyang matibay na trabaho at sariling bahay.
Hanggang sa matapos ang kanilang klase ay tila lutang ang isipan ng dalagang si RJ. Wala nga ba siyang pag asa? Huli na nga ba siya?
---------
Hindi mapakali si Marichu ng hapong iyon, laging laman ng kaniyang isipan ang sinabi ng batang si Mickey. Minabuti niyang puntahan ang bata sa silid, pagdating niya ay wala doon ang bata. Bumaba siya at hinanap ito, pinuntahan din niya si Lolo Tonio ngunit maging ang matanda ay hindi din alam kung saan pumunta ang bata.
Nakaramdam siya ng pangamba sa bata, muli siyang bumalik sa silid ng bata at tiningnan ang silid nito. Tila may gusto siyang hanapin ngunit hindi niya maintindihan kung ano iyon.
--------
"Saan po ninyo ako dadalhin Tita Elena?" inosenteng tanong ng bata.
Kasalukoyang nasa sasakyan sila, palihim na kinuha ni Elena ang bata at pilit na isinakay sa sasakyan. Hindi din niya alam kung saan dadalhin ang bata, habang sakay sila ng sasakyan ay iniisip niya kung ano nga ba ang magandang gawin sa bata.
"Tita saan nga ba tayo pupunta?" tanong ng dalagang si Sam, kahit kinakabahan ito ay pinilit niyang maging kampante sa harapan ng ginang.
"Hindi ko din alam, ang mahalaga ay mailayo natin ang bata sa bahay dahil kung hindi ay mabubunyag ang ating lihim."
Hindi naman makapaniwala si Mickey sa kaniyang narinig. Pinukol niya ng masamang tingin ang ginang na nagmamaneho. Kung tama ang kaniyang hinala ay magkasabwat ang dalawa.
BINABASA MO ANG
SAMANTHA
عاطفيةSamantha, isang dalagang nasa kaniya na halos lahat ng katangian hinahanap ng isang lalake sa babae. Mayaman, mabait, maganda, sexy, matalino, tahimik pero palakaibigan ilan lamang iyan sa mga katangian ni Samantha. Sa kabila ng kaniyang katayuan sa...