Chapter 21

2.4K 49 0
                                    

Samantha

by; Zaiffer



Habang abala ang kanilang guro sa pagsasalita sa unahan ay panay naman ang tingin ni Samantha sa dalagang nasa unahan nila. Nagngingitngit ito dahil matatabunan na naman siya sa kanilang klase. 

"Miss Del Galdo, what is the meaning of continent?" biglang tanong ng guro sa dalaga.

Wala naman maisagot ang dalaga dahil wala dito ang pag iisip nito. 

"Miss Del Galdo I repeat the question what is the meaning of continent?" pag uulit muli ng guro.

Siniko naman siya ng katabing si Rhian dahilan upang manumbalik ang kaniyang pag iisip. 

"Hoy kanina ka pa tinatanong ni Sir!" bulong nito.

"Huh?"

Tumingin ito sa guro na nakatitig lamang sa kaniya.

"S-sorry Sir, what is your question?"

"Miss Del Galdo what happen to you? Get out of my class if your not interested! Or maybe you dont know what is the answer!" pagalit na sagot ng guro.

Agad na nagbaba naman ng paningin ang dalaga. Ilang beses na siyang napapahiya sa harapan ng kaniyang mga kaklase. 

"Class para kay Miss Del Galdo, what is the meaning of continent?"

Agad na nagtaas ng kamay si RJ.

"Yes Miss Aquino."

"Continent is one of several very large landmasses on earth. They are generally identified by convention rather than strict criteria, with up to seven region which are Asia, Africa, North America. South America, Antartica, Europe and Australia." sagot ng dalaga.

"Very good Miss Aquino. Its a very simple question Miss Del Galdo, pang grade six na tanong iyan." baling naman ng guro kay Samantha.

Lalong nag apoy ang mata sa galit ang dalaga. Palihim nitong sinulyapan ng tingin si RJ. 

Muling nagsimulang magsalita ang guro tungkol sa kanilang aralin. Hanggang sa natapos ang klase ay tila wala pa rin ang isipan ni Samantha dito. Pagkalabas ng guro ay agad ding lumabas ng silid ang dalagang si Samantha, hinabol naman ng tingin ito ni RJ.

Sa kaibuturan ng kaniyang puso ay nakaramdam pa rin ito ng awa para kay Alice. Nagpakawala na lamang siya ng hangin, lumabas na din agad ito para sa susunod na kaniyang aralin.

Habang naglalakad ito sa kahabaan ng pasilyo ay natanaw niya si Nick at ang mga kasamahan nito. Biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Sabi na sabik na siyang mayakap muli ang binata. Sa loob ng isang taong paninirahan sa America ay hindi niya ito nakalimutan. Wala siyang ibang minahal kundi ito lamang. 

Sa lugar na hindi kalayuan kung nasaan ang grupo ni Nick habang nag uusap ang lahat sa gaganapin na palaro ng kanilang unibersidad ay biglang siniko siya ng katabing si Jhon, ang kaniyang matalik na kaibigan.

"Tol, tingnan mo iyong babaing iyon. Kanina pa siya nakatitig sa iyo." ngumuso pa ito sa kinaroroonan ng dalaga, sinundan naman ito ng tingin ng binata.

Agad binawi ng dalaga ang tingin ng mapansin na nakatingin sa kaniya ang mga binata. Dumaan muna ito sa sandali sa comfort room na kung saan ay nandoon din si Samantha.

Nakadama ng kakaibang damdamin ang binatang si Nick ng makita ang dalagang nakatingin sa kinaroroonan nila. Ngunit binalewala niya iyon. 

"Baka sa iyo nakatingin iyon, alam ko namang marami kang tagahanga dito sa school." pakunwaring saad ng binata.

Pagpasok naman ni RJ sa comfort room ay nadatnan niya si Samantha na nakatitig sa salamin. Tumabi siya dito at kunwaring nagsuklay ng buhok. Naglagay din ng kaunting powder ito sa mukha. Pasulimpat namang tumingin ang katabing dalaga dito. 

"Ikaw si Miss Samantha Del Galdo, 'di ba?" tanong ng dalaga ng matapos na sa kaniyang ginagawa.

"Yes and why?" mataray na sagot ng dalaga, halatang ipinagmamalaki niya ang kaniyang pangalan.

"Nothing, I'm just asking only. By the way nice to meet you Samantha, I'm RJ." turan nito at inilahad ang kanang kamay sa harapan ng dalaga. 

Tinapunan lamang ito ng masamang tingin ng dalaga, at kasabay ang pagtalikod dito.

Naiwan namang iiling iling si RJ. Lumabas na din ito at nagpunta sa susunod na klase.

Nang uwian na, habang hinihintay ni RJ ang kaniyang sundo ay lumabas din si Samantha kasama nito si Nick. Nakadama ng selos at pangungulila ang dalaga para sa dalawa. Nakapolopot ang kamay ni Samantha sa beywang ni Nick maging ang kamay din ng binata ay nasa beywang ng dalaga. Agad binawi niya ang tingin ng papalapit na ang dalawa sa kaniyang kinatatayuan. Eksaktong dumating naman ang kaniyang sundo.

Bumaba ng sasakyan si Lee Neth at sinalubong ang dalaga.

"Hi my daughter! How's your day?" saad ni Lee Neth, humalik ito sa pisngi ng dalaga. 

Yumakap naman ang dalaga sa ginang.

"Fine Ma, it is a wonderful school. Lahat ng aking mga guro at classmate ay mababait sa akin." makahulogang sambit ng dalaga at halatang ipinaririnig sa dalagang bagong dating. 

Napatingin naman si Samantha sa gawi ng dalawa. 

"Lets go Ma, I want to see my father before he go back to America." masayang saad nito. 

Mula ng dumating sila sa America ay sinanay na niya ang kaniyang sarili na tawaging Mama at Papa ang mga taong tumulong sa kaniya. Mababait ito at wala siyang masabi sa ugali ng mag asawa lalo na si Lee Neth na itinuring siya agad na parang tunay na anak. 

SAMANTHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon