Samantha
by; Zaiffer
Pilit hinanap ni RJ si Mickey, halos nalibot na niya ang lugar kung saan nandoon ang bahay nila. Maging ang karatig bayan nito, ngunit dismayado siya hindi niya natagpuan ang bata. Minabuti niyang lumapit muli sa himpilan ng pulisya, binigay nito ang numero na puwedeng tawagan kung sakaling matagpuan nila ang bata.
Umuwi itong laglag ang balikat, at lumuluha ang mga mata. Ng dahil sa kaniya kaya nawala ang bata, hinding hindi niya mapapatawad ang kaniyang sarili kung sakaling may mangyaring masama sa bata.
Sa loob ng maikling panahon niya itong nakasama ay napamahal na agad ito sa kaniya hindi dahil sa wala siyang kapatid kundi talagang mapagmahal ang bata.
Nadatnan niya ang mag asawang kumupkop sa kaniya sa loob ng sala. Agad itong lumapit sa kaniyang Mama Lee Neth at yumakap. Doon niya pinakawalan ang matinding poot sa kaniyang dibdib.
Nagkatinginan na lamang ang mag asawa, hindi pa nila alam ang nangyari kung bakit biglaang umalis si RJ.
Pagkahupa ng kaniyang nararamdaman ay isinalaysay niya sa mag asawa ang nangyari sa bata. Maging ang mag asawa ay nanlumo sa kanilang narinig. Niyakap na lang ni Lee Neth ang dalaga, ito lamang ang tanging magagawa niya. Nangako ang mag asawa na tutulong ang mga ito mahanap lamang ang bata.
Sa bahay ng mga Del galdo, laging umiiyak si Sam sa harapan ng mag asawa. Sinabihan na ito ni Elena kung ano ang dapat nitong gawin.
"Kasalanan ko ito, kasalanan ko kung bakit umalis si Mickey!" lumoluhang turan ng dalaga. Inalo naman ito ni Marichu.
"Ano ka ba? Wala kang kasalanan anak, mahahanap din natin si Mickey."
Ilang araw pa ang lumipas, wala pa ring balita sa bata. Pabalik balik si Marichu sa himpilan ng pulisya, maging si RJ ay pumupunta din doon upang magtanong. Ngunit parehong bigo ang dalawa, laglag ang balikat nilang nililisan ang himpilan ng pulisya.
"Sir bakit po wala pa ring balita? Baka may masamang nangyari na sa bata!" nag aalalang tanong ni Marichu isang araw ng pumunta siya muli sa mga pulis.
"Mahirap ho Ma'am na hanapin lalo na't walang makakapagturo kung sino ang kasama nitong umalis sa bahay n'yo o 'di kaya naman ay kahit nakakita man lang na umalis ito ng bahay ninyo. Huwag ho kayong mag aalala, pinapahaloghog ko na ang buong lugar na ito pero kung hindi pa rin ito makita ay pupunta kami sa ibang lugar. Hindi lang ho ikaw ang nagtatanong tungkol sa bata, may nagpupunta din ho dito na isang dalaga RJ ang pangalan at kapatid daw niya ito." mahabang paliwanag ng pulis na ipinagtaka naman ni Marichu.
"Taga saan daw ang naghahanap?"
"Wala hong binanggit pero nag iwan siya ng numero."
Napatango na lamang ang ginang, at umalis na din ito.
Dahil sa kampante si Elena na walang makakaalam kung saan niya dinala ang bata hindi na nito binalikan pang muli si Mickey. Sa tuwing makikita niya ang pag aalala ni Marichu sa bata ay tila nasasapian ito. Napapangisi siya araw araw.
Isang umaga ay nakatanggap ng tawag si Marichu mula sa mga pulis na sobra niyang ikinagulat. Dali dali itong nagtungo sa himpilan ng pulisya.
"Good morning Ma'am!" bati ng isang pulis.
Isang ngiti ang sinagot niya at tinanong kung ano ang balita.
"May tumawag ho sa amin sa Pagsanjan, nandoon daw ho ang bata at nasa hospital ito."
"Diyos ko... Paano napunta si Mickey doon?" gulat na wika nito.
"Malalaman ho natin iyan kapag pinuntahan natin." sagot naman ng pulis.
Kaagad nagtungo ang mga ito sa Pagsanjan, habang nasa biyahe at tinawagan niya si Sam upang sabihin ang balita.
"Mom, nasa Pagsanjan si Mickey? Anong ginagawa niya doon?" bulalas ng dalaga, kasalukoyang nasa kantina sila at kumakain.
Narinig ni RJ ang sinabi ni Sam, at pinakinggan pa ang sasabihing iba ng dalaga.
"Sa hospital!" napapalakas ang tinig ni Sam, napapatingin ang ilang estudyante sa kinaroroonan ng dalaga, nakaagapay naman si Nick dito.
Mangiyak ngiyak naman si RJ sa kaniyang narinig, agad itong tumindig at lumabas ng kantina. Nagpaalam ito sa kaniyang professor na aabsent muna siya pinayagan naman siya ng guro.
Bumalik ito sa kaniyang tinutuloyan, pagkarating niya sa bahay ay nagpaalam ito sa kaniyang Mama. Ayaw sana itong payagan ngunit nagmakaawa ang dalaga sa ginang. Sa huli ay pinayagan din siya ngunit kasama si Lee Neth na pupunta sa Pagsanjan.
Abot abot ang panalangin ng dalaga habang binabaybay ang daan patungo sa Pagsanjan.
Ng makarating na sila sa bayan ng Pagsanjan ay hinanap nila kung saang hospital nandoon ang bata, ilang hospital ang napagtanungan nila bago nila natunton ang hospital na pinagdalhan sa bata.
"Mickey......" humahangos na saad ni RJ kasunod si Lee Neth.
Isa si Mickey sa mga nakahilirang pasyente sa pagamutan, wala pang malay ang bata at sabi ng doktor na napagtanungan nila ay ilang araw ng walang malay ito mula ng dalhin ang bata sa pagamutan.
Niyakap ni RJ ang batang walang malay, ilang dextrose ang nakakabit sa murang katawan nito, nangangalumata din ang bata tanda ng hirap na dinanas nito.
"Mickey, nandito na si Ate. Gumising ka, hindi ka na muling iiwan pa ni Ate." lumuluhang sambit nito.
Hindi niya napansin ang mga pulis na nandoon at maging si Marichu ay nagulat din sa kaniyang nasaksihan. Nakilala niya ang ginang na kasama ng dalagang umiiyak.
"L-Lee Neth..." bulalas ng ginang, kunot noo itong napatingin sa ginang.
Lumapit sa kaniya si Lee Neth na nangingilid na din ang luha. Humalik ito sa magkabilang pisngi ni Marichu. Nagungulohan man ang ginang ay tinugon nito ang kaniyang kaharap.
Unti unting nagmulat ng mata si Mickey, tila nahihirapan pa itong igalaw ang kaniyang talukap ng mata. Napatitig ito sa dalagang umiiyak sa harapan niya.
"Mickey salamat at ligtas ka!" masayang turan ni RJ at niyakap ang bata.
"Sino po kayo?"
Nagkatinginan naman ang pulis at si Marichu, napatitig din ito sa katabi na ngayon ay lumuluha na.
"Di ba nangako ako sa iyo noon na hahanapin pa natin ang magulang mo! Natatandaan mo pa ba 'yong mga pinag usapan natin noon na ikaw ang magiging flower girl kapag kinasal na ako. 'Di ba sabi mo noon ikaw ang mag aalaga sa magiging anak ko. At tsaka sabi mo ipagluluto mo ako ng maraming spaghetti kapag nakapagtapos ka na sa elementarya." paliwanag ng dalaga.
Nagliwanag ang mukha ng bata sa kaniyang narinig at tila nagkaroon ito ng lakas. Isang lang ang taong nagsabi at pinagsabihan niya ng ganoon.
"Ate Sam....." agad niyakap ng bata ang dalaga, napaiyak na din ito sa kaniyang mga narinig.
BINABASA MO ANG
SAMANTHA
RomanceSamantha, isang dalagang nasa kaniya na halos lahat ng katangian hinahanap ng isang lalake sa babae. Mayaman, mabait, maganda, sexy, matalino, tahimik pero palakaibigan ilan lamang iyan sa mga katangian ni Samantha. Sa kabila ng kaniyang katayuan sa...