Samantha
by; Zaiffer
Makalipas ang isang taon, madami ng nagbago lalo na ang ugali ni Samantha. Naging maiinitin ang ulo nito, kaunting pagkakamali lamang ng mga kasambahay ay binubulyawan na niya. Ng dahil din sa nangyaring aksidente ay natigil siya ng pagpasok ng isang semester sa kaniyang pinapasukan. Kaya balik umpisa muli siya.
Hindi lang ang pag uugali nito ang nagbago naging mahina na ito sa klase. Kung noon laging itong nangunguna ngayon ay kahulihan na. Na siya namang ipinagtataka ng lahat maging ang kaniyang mga magulang.
Habang nasa beranda sila ni Nick ay lumapit ang batang si Mickey may dala itong bulaklak na bagong pitas galing taniman.
"Ate Sam, may dala po akong bulaklak kapipitas ko lamang. Amoyin mo po, ang bango 'diba?" inilapit niya ang bulaklak sa mukha ng dalaga na siyang ikinagalit nito.
"Ano ba Mickey? Wala ka bang ugali? Sinabi ko na sa iyon na ayoko na ng bulaklak 'diba?" pasigaw na wika nito. Kinuha niya ang bulaklak at inihampas sa katawan ng bata.
"Hey! Ano ba?" awat ng binatang si Nick.
Nalungkot naman ang bata sa ginawa ng kaniyang ate. Simula ng mangyari ang insidente ay lagi na lamang siyang sinasaktan nito. Ngunit hindi nito ipinapaalam sa nakararami ang ginagawa sa kaniya ng dalaga dahil ang dahilan palagi ni Sam sa tuwing kakausapin siya nito ay dala lang daw ng nangyari sa kaniya.
"I'm sorry nabigla lamang ako. Mickey sorry na ha, ilang beses ko na sa iyong sinabi na ayaw ko na ngayon ng bulaklak 'diba? Ang kulit mo kasi 'yan tuloy nasaktan kita." lumapit ito sa bata na halatang takot sa dalaga, nagsumiksik ito sa likuran ng nakatindig na binata.
"Sam ano bang nangyayari sa iyo? Pati bata natatakot na sa'yo at sinaktan mo pa!" may himig na galit ang boses ng binata.
Natigilan naman ang dalaga, ngayon lamang siya nito tinawag sa kaniyang pangalan kahit noong hindi pa siya si Sam ay hindi nito naririnig na tinatawag ang dalaga sa pangalan nito.
"Sorry na nga eh, nagulat lang ako." tugon nito.
"Mickey, gusto mo bang lumabas tayo ngayon matagal na din tayong hindi nakakalabas." wika ng binata, umupo ito at hinawakan ang bata sa dalawang balikat.
Tumingin ang bata sa dalaga, halata ang takot nito sa mga mata. Ilang buwan na din na hindi sila nakakalabas ng mga ito hindi tulad noon na tuwing linggo ay laging silang nagsisimba at pagkatapos ay dederitso ng bahay ampunan na kung saan ay tumutulong sila sa pag aasikaso sa mga batang pinabayaan ng mga magulang.
Napaisip naman ang dalaga, napagtanto niya na mahirap palang gampanan ang pagiging isang Samantha. Mahirap palang maging mabait.
Namalayan na lang niya na nakatindig na ang binata at nakatitig sa kaniya. Pinilit niyang labanan ang nagtatanong na mga mata ng binata.
"Isasama ko muna si Mickey, magpahinga ka na lang muna dito." iyon lamang ang katagang binitiwan ng binata at tumalikod na ito, hawak sa kamay ang batang si Mickey.
Naiwan namang nagpupuyos ang damdamin ng dalaga.
Ilang oras ding nasa labas ang bata at hapon na ng ito ay iuwi ng binata. Makikita sa mukha ni Mickey ang kasiyahan ng ito makabalik ng bahay at biglang nawala ang ngiti sa labi nito ng makita ang dalaga. Mabuti na lamang at nandoon si Marichu at Elena kahit papaano ay naibsan ang takot na nadarama nito.
Kinabukasan ay maagang pumasok si Sam, hihingi siya ng tawad sa kaniyang nobyo. Hindi niya kayang mawala ito at hindi niya matatanggap na mawawalay ito sa piling niya ng dahil lang sa bata.
Pagkapasok niya ay agad niyang hinanap ang binata. Ng biglang may nabunggo siyang isang estudyante.
"Aray! Ano ba? Wala ka bang mga mata?" pasigaw na turan ni Sam.
"I'm sorry!" tipid na sagot ng babaeng nabunggo niya.
Pinukol lamang niya ito ng tingin at ipinagpatuloy ang paghahanap sa binata.
Sinundan ng tingin ng babaing nabunggo ang papalayong si Samantha. Naging matalim ang mga titig nito.
Habang hinahanap niya ang binata ay nakasalubong niya ang kaniyang mga kasamahan sa pagsayaw.
"Hi guys! Nakita n'yo ba si Nick?"
Umiling lang ang ilan sa kaniyang mga kasamahan.
"Sam, may bagong pasok daw ah! RJ daw ang name, takenote galing daw ng America." sambit ni Rhian ang isa niyang kasamahan.
Napataas naman ang dalawang kilay ng dalaga sa kaniyang narinig.
"Gwapo ba? Maligawan nga!" sabad naman ni Lorraine sa pag aakalang lalake ang bagong pasok.
---------
"Student may ipapakilala ako sa inyo na new student. Siya ay nagmula pa sa ibang bansa at dito niya napiling mag aral sa ating unibersidad." pagpapakilala ng kanilang professor.
"Sir nasaan?" sigaw ng isang estudyante.
"Rhian siya ba 'yong sinasabi mo na bagong pasok." bulong ni Sam sa katabi.
Tumango naman ang dalaga.
"Bakit wala? Mukhang absent!" dagdag pa nito.
Natigil ang bulongan ng dalawa ng may isang babae na pumasok. Maganda, morena ang kulay, nakalugay ang lampas balikat nitong buhok. Humarap ito sa professor.
"Good morning sir, sorry I'm late!" hingging paumanhin ng dalaga, at isang matamis na ngiti ang pinakawalan nito.
"No problem Miss Acquino, I know you are a transfer here. Student I want you to meet your new classmate Miss Dalia Rose Jasmine Abaya Acquino." pagpapakilala ng kanilang guro.
Napanganga naman ang ilan sa mga estudyante lalo na ang mga kalalakihan. Ang iba ang tila nahipnotismo sa angking ganda ng kanilang bagong kaklase.
Natigilan ang dalagang si Samantha. Ang babaing nabunggo niya kanina ang nakatayo sa kanilang harapan ngayon.
"Miss Acquino you know how to speak a Filipino language?" tanong ng isang lalake na nasa pinakadulo, tumindig pa ito upang maipakita sa dalaga ang cute nitong mata.
Napangiti naman ang dalaga sa tanong ng lalake.
"Shit! Ang cute niyang ngumiti, laglag ang brief ko." turan muli ng lalaking nagatanong.
Nagkatawanan naman ang lahat ng estudyante maging ang dalagang nakatayo ay napatawa na din maliban sa grupo ni Sam na nakasimangot dahil sa babaing nakatindig sa unahan.
"Huwag niyo na po akong tawaging Miss Acquino, puwede n'yo naman akong tawaging RJ dahil iyon ang tawag nila sa akin."
Lalong napatulala ang lahat dahil marunong itong magtagalog at tuwid na tuwid pa niya itong binanggit.
Muling natigilan ang dalagang si Samantha ng marinig ang boses ng dalaga.
"Kaboses niya si Sam!" bulong ng kaniyang isipan.
"Narinig ko matalino daw iyan." muling bulong ni Rhian na hindi niya masyadong naintindihan ang sinasabi ng katabi dahil sa kaniyang naiisip.
BINABASA MO ANG
SAMANTHA
RomanceSamantha, isang dalagang nasa kaniya na halos lahat ng katangian hinahanap ng isang lalake sa babae. Mayaman, mabait, maganda, sexy, matalino, tahimik pero palakaibigan ilan lamang iyan sa mga katangian ni Samantha. Sa kabila ng kaniyang katayuan sa...