Chapter 7

2.6K 44 1
                                    

Samantha
by; Zaiffer



Ilang araw ng nakakaalis ang magulang ni Sam, hindi naman ito nakakalimot na tumawag sa dalaga. Tulad ng dati tuwing linggo ay nagsisimba ang tatlo pagkataposy ay dumideritso sa bahat ampunan. 

Araw ng lunes balik eskuwela ang tatlo, umaga pa lang ay sinabihan na ng guro si Alice na kailangan na nilang magpractise dahil nalalapit na ang araw ng tournament kabilang na ang larong basketball na pinamumunoan ni Nick. Maging si Sam ay naghahanda na din dahil kabilang ang kanilang grupo na lalaban sa iba't ibang unibersidad sa bansa. 

Oras ng ensayo ni Alice, nakipagkilala siya sa kaniyang mga kasamahan. Dahil wala pang karanasan ito sa pagiging leader nagpatulong sila sa isa niyang kasama kung ano ang dapat na gawin. May oras na pumapalpak ito dahilan upang pagtawanan siya ng ilan, mayroon pang nagbubulongan na hindi nakaligtas sa kaniyang pandinig.

"Ano ba yan? Sigurado ba talaga na iyan ang pinalit kay Sam. Mukhang hindi marunong, bakit pa kasi iniwan tayo ni Sam?" mahinang sambit ng isa sa isa pa nitong kasamahan.

"Oo nga mukhang ngayong taon matatalo tayo. Nakakahiya kapag nangyari iyon, lagi na tayong nangunguna sa lahat." sagot naman ng isa.

Napatiim-bagang si Alice sa kaniyang narinig. Pinaghuyasan niya ang pag eensayo ngunit madalas ang mali niyang hakbang. Napagtanto niya na mahirap nga pala, naisip niya na sumuko na lang ng biglang dumating si Sam kasama ang ilan nitong kagrupo.

"Hi ladies!" bati ng dalaga. 

Nakajogging pants ito at nkasuot ng damit na lampas dibdib lang nito, kaya naman lumabas ang magandang hugis ng katawan nito kita ang pusod at makinis ang balat. Ito ang kadalasang sinusuot niya sa tuwing mag eensayo sila.

"Sam....." isa isang lumapit ang dati nitong kasamahan sa dalaga.

"Dito ka ba uli?" tanong ng isa.

"Hindi eh, may laban din kasi kami, andiyan naman si Alice pakiguide nyo na lang muna siya. Syempre first time at tsaka masyadong mahiyain ito." saad nito na lumapit sa kinaroroonan ni Alice at ipinataong ang isa nitong braso sa balikat ng dalaga. 

Isang pilit na ngiti lamang ang naging tugon ni Alice, pakiramdam niya ay hindi siya kabilang sa grupo dahil si Sam pa rin ang kanilang gusto.

"Sige maiwan na namin kayo, may ensayo pa kami." humakbang na palabas ang dalaga kasunod ang ilan nitong kasamahan.

Kumaway naman ang ilan sa dati nitong kasama. Laglag ang balikat ng ilan, mukhang mahihirapan sila ngayon. Lalo na at ang kanilang pinuno ay wala pang alam.

Natapos ang practise ni Alice, may kunti naman siyang natutunan. Ngunit nahihiya siya dahil imbes na siya ang magturo ay siya ang tinuruan ng kaniyang mga kasama. 

Pag uwi ng bahay ay agad kinausap ni Alice si Sam hinggil sa leader ng grupo. Ayaw n'ya sanang gawin iyon ngunit talagang desidido siyang malaman kung paano maging pinuno. 

Agad namang tumugon ang dalaga, nagpunta sila sa silid na pinag eensahuyan nito. Itinuro niya ang ilan sa mga hakbang. Agad namang natutunan ng dalaga ang ilan sa mga itinuro ni Sam. 

Sari saring hakbang ang ginawa ni Sam at hindi naglaon ay nakakasunod na din si Alice. 

"Madali kang matuto, at iyan ang gusto ko sa iyon. Detirminado ka sa lahat ng iyong ginagawa." nakangiting saad ni Sam kay Alice.

Habol naman ang paghinga ni Alice habang nagpupunas ng pawis.

"Salamat Sam."

"Wala iyon, 'di ba sabi ko kung may kailangan ka huwag kang mahihiyang magsabi. Halika na, kumain tayo nagutom ako sa ginawa natin." turan nito at magkahawak kamay silang pumunta sa kusina.

"Ang lakas mong kumain pero hindi ka tumataba!" biro ni Alice sa dalaga.

Natawa naman si Sam, umupo ito sa gilid ng mesa.

"Wala akong alam diyan, ganito na yata talaga ang katawan ko." naglagay ito ng paborito niyang spaghetti. "Teka nasaan si Mickey?"

"Baka nasa likod bahay lang iyon, at paniguradong kasama na naman si Lolo. Alam mo naman ang batang iyon hindi mapapakali kapag hindi nakapamitas ng bulaklak." 

Ilang minuto pa ay dumating ang batang si Mickey may dala itong mga sariwang prutas. Sumama ito sa palengke sa matanda ng maghatid ng mga bulaklak.

"Ate Sam, ate Alice ang daming lyche oh at may rambutan pang kasama. May nagbigay sa amin nito doon sa palengke kapalit ng mga bulaklak na dinala namin." masiglang turan ng bata.

"Talaga! Sino naman iyong tao na iyon? Baka hindi ka man lang nagpasalamat ha!" ani Sam na tumindig mula sa pagkakaupo at tiningnan ang dala ng bata.

"Nagpasalamat po kami ni Lolo, sabi pa nga n'ung nagbigay sa amin kung mayroon pa daw ay sa kanila na lang dalhin."

Napatango naman ang dalawang dalaga sa tinuran ni Mickey.

------

Lumipas ang araw mag iisang buwan ng wala ang magulang ng dalaga. Sa kabila ng tahimik at magandang pamumuhay ni Sam sa malaking bahay ay may isang nilalang ang nagbabanta ng isang panganib sa buhay ng dalaga. Isang taong matindi ang inggit dito. May nalaman ito na si Sam ang tanging tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng mag asawang Del Galdo. 

Halos magbaga ang mata ng nilalang habang hawak ang papeles na nagsasabi kung saan mapupunta ang lahat ng kayamanan ng mag asawa. Kaya nakabuo ito ng isang plano. Plano na tiyak niyang sa kaniya mapupunta ang lahat ng kayamanan ng mag asawa. 

SAMANTHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon