Chapter 17

2.4K 42 0
                                    

SAMANTHA

by; Zaiffer

Habang sakay ng sasakyang na minamaneho ni Joemar ang doktor na nakapulot kay Sam, walang magawa ang dalaga kundi ang umiyak ng umiyak. Hindi niya lubos maisip na nagawa nila sa kaniya iyon, pinagtangkaan na ang kaniyang buhay nagawa pang kuhain ang kaniyang mukha ng itinuturing niyang kapatid. Inalo naman ito Lee Neth ang asawa ni Joemar. Awang awa ito sa dalaga. Hanggang sa nakatulog na lang ang dalaga sa balikat ni Lee Neth. Nagising na lamang si Sam ng may hamplos sa mukha niya.

"Iha gising na nandito na tayo sa bahay." malamlam na tinig ni Lee Neth.

Malungkot na bumaba ang dalaga sa sasakyan. Muling nagbadya ang luha sa kaniyang mga mata. Tila mas gugustohin pa niyang namatay na lamang keysa malaman ang ginawa ng tita Elena niya sa kaniya. 

Pagkapasok sa loob ng bahay ay inalalayan siya ng mag asawa. Malaki ang antigong bahay, yari sa marmol ito at maging ang mga kasangkapan ay antigo din na halatang matagal ng panahon ito sa loob ng bahay. Pinagmasdan niya ang kabuoan ng kabahayan, napansin niya ang isang de kwadrong larawan na nakasabit sa dingding. 

"Anak namin iyan, si Dalia Rose Jasmine pero ang tawag ng lahat sa kaniya ay RJ masyado daw mahaba ang pangalan niya idagdag mo pa ang aming apelyedo. Ako nga pala si Joemar at ito ang aking asawa si Lee Neth Abaya Acquino." pagpapakilala ng ginoo. 

Ngumiti lamang si Lee Neth at tumingin sa larawan ng kanilang anak. Ngunit naging malungkot ang anyo nito.

"Nasaan na po siya?" 

"Wala na siya iha, kinuha agad sa amin ng Poong Maykapal. Nag iisa namin siyang anak, kinse anyos pa lamang siya diyan sa larawan na iyan. Nalaman namin na may malubhang karamdaman siya, ginawa namin ang lahat ngunit wala ding nangyari. Maging ako na doktor ay hindi din nailigtas ang buhay ng aking anak." malungkot na tugon ni Joemar.

"Sorry po, hindi ko alam na wala na siya."

"Wala iyon iha, tanggap na namin na wala na ang anak namin. Alam naming nasa mabuti na siyang kalagayan ngayon." ani Lee Neth, lumapit ito sa dalaga. "Ikaw? Kumusta na ang nararamdaman no ngayon?"

Nagyuko sandali ng ulo ang dalaga, hanggang ngayon ay hindi pa rin nito matanggap ang nagyari sa sarili. 

"Paano na ako ngayon? Saan na ako titira? Wala akong ibang kamag anak dito, malalayo ang aming kamag anak." naluluhang tanong ng dalaga sa sarili.

"Iha, hindi ka namin ipagtatabuyan dito. Wala naman kaming ibang kasama dito kaya kung gusto mong dumito ka na lamang." tugon ni Joemar dito.

"Sa susunod na buwan ay babalik na muli kami sa America. Wala ng ibang maiiwan dito. Bihira na din kaming makapasyal dito sa Pilipinas dahil sa trabaho ng asawa ko." dagdag naman ni Lee Neth.

Nakaramdam naman ng kalungkotan at pangungulila sa kaniyang ina ang dalaga. Hindi ito sanay na nawawalay sa kaniyang ina. Hindi na nito napigil ang luha sa kaniyang mata, masaganang naglandas ang luha sa kaniyang pisngi.

Nagkatinganan naman ang mag asawa at wala silang ibang maramdaman dito kundi awa at pagkahabag. 

Pinagpahinga na muna nila ang dalaga sa silid nito. Habang nag aayos ng hapunan si Lee Neth ay may nabuong plano sa isipan nito. Agad niyang isinangguni sa kaniyang ang nasa isipan niya.

"Sige na Joemar, pumayag ka na. Mabait naman siya eh!" pagsusumamo nito sa asawa.

Napaisip ng malalim ang ginoo sa suhestiyon na kaniyang asawa.

"Pero bakit mukha ng ating anak ang gusto mo?" nagugulohang tanong nito.

"Kaninong mukha ang ibibigay natin? Hindi naman puwede agad na sarili niyang mukha ang ipapagawa natin paano kung magkita sila muli ng mga taong halang ang kaluluwa na gustong pumatay sa kaniya, kawawa muli si Samantha." paliwanag ng ginang. 

Muling nag isip si Joemar sa sinabi ng kaniyang asawa. May punto ito, hindi pa ngayon ang tamang panahon upang bumalik ang dalaga sa sarili niyang pamamahay. 

"Bahala na, wala naman sigurong mawawala kung susubokan natin. Sana lang ay huwag magalit ang nananahimik nating anak." tugon ni Arnulfo.

---------

Sa malaking bahay, hindi maalis alis sa isipan ni Marichu ang babaing nakita niya sa harap ng kanilang bahay. Napakadaming katanungan sa kaniyang isipan.

"Bakit niya tinawag akong mommy? At sinabi pa niya ng makita niya ang aking anak na ang mukha ko." mga katagang sa isipan lamang niya lumalabas.

Nakatindig ito sa balkonahe ng bahay, naputol lamang ang kaniyang pag iisip ng lumapit sa kaniya ang kaniyang asawa. Tumabi ito sa kaniya.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah! Kanina ko pa napapansin na ang tahimik mo ngayon. May problema ba?" 

"Wala, may naiisip lamang ako."

"Ano naman iyon?" muling tanong ni Arnulfo.

"Kanina may lumapit sa may gate natin na babae, nakita ko na sunog ang mukha niya. Tinawag niya akong mommy, at ng makita niya ang anak natin sabi niya ang mukha ko. Nagugulohan lamang ako Arnulfo." turan nito, humarap ito sa kaniyang asawa. 

"Baka naman baliw lamang iyon, walang magawa sa buhay." tanong ng kaniyang asawa. 

"Ewan ko, hindi ko din alam. Alam mo ba 'yong lukso ng dugo kapag nakita mo ang isang tao. May naramdaman akong kakaiba ng makita ko ang babaing iyon." napapataas na ang boses ng ginang, walang kamalay malay ang mga ito na nakikinig si Elena sa likod ng sementadong dingding sa 'di kalayuan sa kanila.

"Buhay si Samantha? Hindi ito maaari, walang dapat sumira sa lahat ng plano ko. Kung kinakailangan patayin muli ang babaing iyon ay gagawin ko at ako na mismo ang papatay sa kaniya." tiim-bagang saad nito sa sarili.

SAMANTHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon