Chapter 27

2.5K 49 0
                                    

Samantha 
by; Zaiffer



Walang imikan ang dalawa habang sakay ng sasakyan nakatingin lamang sa labas ng bintana si RJ habang panaka-naka'y tinitingnan ito ni Lee Neth. Hanggang sa makarating sila sa kanilang tahanan ay hindi pa rin nagsasalita ang dalaga. 

Makikita sa mukha ng dalaga ang sobrang kalungkotan at nadadama iyon ni Lee Neth. Sa loob ng isang taon niyang nakasama ang dalaga ay napamahal na ito sa kaniya. 

Nagtuloy naman agad ang dalaga sa kaniyang silid. Gusto mang kausapin ni Lee Neth ay hindi nito magawa. Nangangamba siya na kapag dumating ang araw na makikila ito ng kaniyang ina ay iwanan siya ng dalaga.

Sobrang nangungulila na siya sa kaniyang anak. Nang dumating ang dalaga ay naibsan ang pangungulila nito, at ngayon ay natatakot naman siya na iwanan siya ng dalaga na itinuring na niyang anak. 

Nangilid ang luha nito habang nakatitig sa larawan ng kaniyang pinakamamahal na anak. Sa tuwing maiisip niya ang kaniyang anak ay tila gusto rin niyang mawala sa mundo. 

Sa silid ng dalaga ay ibinuhos niya sa pag iyak ang bigat ng kaniyang nararamdaman habang hawak hawak ang kuwintas na ibinigay sa kaniya ng ina niya. 

"Miss ko na kayo Mommy, gusto ko na uling maramdaman ang init ng yakap mo." wika nito at pinahid ang luhang dumadaloy sa kaniyang pisngi. "Sana bumalik na sa dati ang lahat, sana matapos na ang problema. Gusto ko na kayong makasamang muli." 

Dinig na dinig ni Lee Neth ang tinuran ng dalaga, nakasilip ito sa nakaawang na pintuan ng silid. Ramdam niya ang paghihirap ng dalaga, kung kaya't nakabuo siya ng isang desisyon. Masakit man sa kaniya ang kailangan niyang tanggapin na hindi ito ang anak niya.

-----

"Bakit biglaan naman? Hindi pa puwedeng taposin muna ang pag aaral natin." gulat na tanong ng Nick sa kaniyang nobya.

Pinapunta siya nito sa mansyon dahil sa mahalagang sasabihin ng dalaga. 

"Babe, engage lang naman eh. Tutal tayo din naman ang magkakatuloyan."

"Paano ka nakakasiguro?" tugon agad ng binata, deritso ang tingin nito sa dalaga. 

"A-anong ibig mong sabihin?" maang na tanong ng dalaga.

Nagulat din ang binata sa kaniyang isinagot sa dalaga. Ngunit hindi pa siya handa sa gustong mangyari ng dalaga. Pinapunta siya sa tahanan ng dalaga dahil sa gusto nito ng mamanhikan ang pamilya niya. Ngunit tila may gumugulo sa kaniyang isipan na hindi niya mawari kung ano iyon.

"Masyado pa tayong bata Sam, at isa pa marami pa akong pangarap na gusto ko munang maabot bago magpakasal." 

Tumakbong palayo ang dalaga dahil sa binitiwan niyang salita dito. Hindi na niya nahabol ang kaniyang nobya dahil para siyang itinulos sa kaniyang kinatatayuan. 

Pilit niyang hinanap sa kaniyang isipan kung bakit nga ba tumanggi siya sa gusto ng kaniyang nobya. Gusto na rin niyang makapiling ito ngunit tila may isang bagay na tumututol sa gustong mangyari ng dalaga.

Naisuklay niya ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang buhok at napatitig sa kawalan. 

Sa silid ni Sam, umiyak ng umiyak ito. Ang unan niya ang pinagbuntongan ng kaniyang inis para sa binata.

"Bakit ba ayaw mo sa akin? Dahil ba sa hindi ako si Sam, ha?" halos maisigaw na niya ang kaniyang winika. "Wala na si Sam, patay na siya! Pinatay ko siya, pinatay ni Alice si Sam!"

Itinulos ang batang si Mickey sa kaniyang narinig, akmang papasok ito sa silid ng kaniyang ate dahil hindi naman nakasarado ang pinto ay hindi na siya kumatok. Gusto niya sanang sorpresahin ito dahil matataas ang kaniyang grado ngayon ngunit siya ang nasorpresa. 

Dahan dahan siyang lumabas ng silid kahit nanginginig ang kaniyang mga tuhod at katawan ay pinilit niyang lumabas ng silid.

Pagkalabas ng silid ay patakbo itong bumaba ng bahay. Sa kaniyang pagbaba ay nabunggo naman niya si Elena na muntik pang mabuwal sa hagdanan.

"Ano ka bang bata? Bakit dito ka nanglalaro?" asik ng ginang.

"S-sorry po Tita...hingal na wika nito..."Si ate S-Sam po narinig ko po ang sinabi niya." magkahalong takot at panginginig ng katawan ang nararamdaman ng bata, napahawak pa ito sa kaniyang dibdib at huminga ng malalim. 

"Anong sinabi niya?" 

"Hindi daw po siya si Ate Sam, patay na daw po si Ate Sam." walang kagatol gatol na sagot ng bata.

Ang ginang naman ang itinulos sa kaniyang kinatatayuan sa sinabi ng bata. Walang kakurap-kurap itong nakatitig sa musmos na bata.

"Tita Elena! Okay ka lang po ba?"

"Huh? Ah, okay lang ako. Ikaw na bata ka, nagpapaniwala ka agad sa ate mo, malamang nagdradrama lang iyon. Alam mo naman iyong madaming arte sa katawan." pagpapalusot ng ginang at hinawakan ang kamay ng bata. Nagtungo ang mga ito sa taas ng bahay. 

Pinapasok niya ito sa silid ng bata at sinabihang maligo muna ito bago bumaba muli ng bahay. Agad namang sumunod ang bata. Pagkapasok ng bata sa banyo ay agad pumunta ng silid ni Sam si Elena.

Tulad ng bata ay hindi na ito kumatok dahil nakabukas naman ang pintoan.

"Sa susunod na magsasalita ka ng tungkol sa ating lihim ay siguradohin mong nakasarado ang pintoan at sisiguradohin mo rin na walang nakikinig sa iyong paligid." asik ng ginang, napapitlag pa ang dalaga 

"Anong ibig ninyong sabihin?" 

"Nakinig ka lamang ni Mickey na nagsasalita at narinig niya ang lahat ng pinagdaldal mo diyan." 

Hindi naman makasagot ang dalaga. Nakatitig lang ito sa ginang na paroo't parito ang ginagawa.

"Kapag pinagdaldal ni Mickey ang kaniyang narinig lalo na sa mag asawa. Malalagay tayo sa alanganin, Alice!" may diing sambit ng ginang.

Lalong hindi makapagsalita ang dalaga ng banggitin niya ang kaniyang pangalan.

"Kung kinakailangan mawala ni Mickey sa mundo ang gagawin natin huwag lang lumabas ang ating pinakakaingatang lihim." 

Napalatak ang ginang sa kaniya naiisip. Hindi man lamang ito kakikitaan ng pag alala sa kaniyang mukha.

SAMANTHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon