Samantha
by; Zaiffer
Maagang pumasok si Samantha sa unibersidad. Alas sais y media pa lamang ay nandoon na ang dalaga. Na i-excite siya kung ano ang kalalabasan ng kanilang pagtutunggali ni RJ.
Samantala, si RJ na papunta pa lamang sa kaniyang pinapasukan ay naipit sa gitna ng trapiko. Nawala din sa kaniyang isipan ang ginawang paghamon ng dalaga kahapon dahil sa dami ng kaniyang ginawang mga takdang aralin.
"Kapag minamalas ka nga naman, Mama malalate na po ako sa una kong klase!" ani nito sa ginang.
Hinahatid at sinusundo siya ni Lee Neth sa unibersidad. Ayaw man ng dalaga ang ginagawa ng ginang para sa kaniya ay wala itong magawa mas mabuti na daw 'yong kasama siya lagi nito.
"Anak traffic eh, ano ba naman 'to? Kung alam ko lang na traffic kanina pa sana tayo umalis sa bahay." naiinis na sagot ng ginang.
Panay ang tingin naman ng dalaga sa kaniyang suot na relo.
Maya maya pa ay umusad na din ang mga sasakyan. Binilisan ni Lee Neth ang ginagawang pagmamaneho.
"Quarter to seven!" mahinang saad ng dalaga. Hinahabol niya ang oras dahil may exam siya sa una niyang aralin.
Eksakto alas syete impunto ay dumating sila sa unibersidad pagkalabas ng sasakyan ay agad tinakbo ng dalaga ang silid kung saan ang una niyang klase. Sa kaniyang pagtakbo ay may nakabangga siyang isang lalake. Tumilapon ang lahat ng kanyang dalang libro. Mabuti na lamang at maagap ang binata na nakabangga niya kundi pati siya ay natumba din. Maagap na nakaalalay ang dalawang braso sa ng binata, ang kanan ay nasa beywang ng dalaga at ang kaliwa naman ay nasa may leeg niya. Habol ang ginawang paghinga ng dalaga lalo na ng makita kung sino ang nabangga niya.
"N-Nick!"
"Kilala mo ako?" gulat na wika ng binata, dahan dahan niyang itinayo ang dalaga habang nakatitig sa maamong mukha ng dalaga.
"Ah, eh, may nakapagsabi lang sa akin na ikaw si Nick. Sabi nila magaling ka daw sa larong basketball." pagpapalusot ng dalaga.
Isang ngiti lang ang isinagot ng binata sa dalaga. Tila gusto namang yakapin ito ni RJ. How she miss his smile. His kiss, his hug altought a simple care for her. Nagbaba ng tingin ang dalaga dahil sa mga luhang gustong pumatak.
"You're a transfer right?" he asked.
"Yes!" she replied with a simple smile.
Nabato-balani naman ang binata sa ngiti ng dalagang kaharap.
"Oh my God! I have to go, late na ako sa klase ko." saad ng dalaga at patakbong tinungo ang silid na kaniyang papasukan. Hindi na niya nahintay ang isasagot ng binata. Naiwan namang tulala ang binata, may kung anong nadama siya sa simpleng ngiti ng dalaga.
"Good morning sir, sorry I'm late!" turan ni RJ ng makapasok na silid, habol ang ginawang paghinga nito.
"Its ok Miss Aquino, your mom told to me."
Napatango naman ang dalaga at umupo na ito, napasulyap ito sa kampanteng nakaupo na si Sam sa pinakagitna ng silid.
Pagkatapos ng exam ay agad nitong ipinasa sa kanilang guro ang kanyang papel at lumabas na ng silid. Sa kaniyang paglabas ay may humarang sa kaniya.
"Siguro kaya ka nalate ay dahil nag ensayo ka ng mabuti." asik ni Sam na nakatitig sa dalaga.
"Anong nag ensayo?"
"Oh c'mon RJ! Huwag ka ng magmaangan pa, I know naman na pinaghandaan mo ang ating pagtutunggali." isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan nito.
"Ah! Sorry I forget that! But don't worry I have a presentation, sasayawin ko na lang 'yong sayaw namin ng kagrupo ko sa pinasukan ko dati. Game ka na ba?" mapang asar na wika ni RJ at iniwan na ang dalaga.
Lalong nagpuyos ang damdamin ni Samantha. Habol tingin nito ang papalayong dalaga.
-------
Sa stadium kung saan gaganapin ang kanilang sayaw, nandoon na ang mga kagrupo ni Sam na buo ang suporta sa dalaga. Nandoon din si Nick dahil sinabihan siya ng kaniyang nobya na manuod.
Samantala si RJ ay tanging si Marlon lang ang kasama. Nakaupo ang dalawa sa pinakadulo ng upoan.
"Talaga bang kaya mong labanan iyan?"
Isang pilit na ngiti lang ang isinagot ng dalaga. Sa kaniyang kalooban ay ayaw niyang tanggapin ang hamon ng dalaga hindi dahil sa isa sa kanila ang matatalo kundi sa ayaw niyang labanan ang dati niyang minahal at itinuring na kapatid ngunit may nagsasabi sa kaniyang isipan na tanggapin na lang ang hamon para malaman kung hanggang saan na nga ba ang naabot ng dalaga.
Sa gitna ng stadium ay tumindig ang dalagang si Sam, at nagsimulang nagsalita.
"Students pinapunta ko kayo dito dahil may isa pong nangahas na bagohan ang homamon sa akin sa larangan ng sayaw." paunang salita nito, nagkatinginan naman sina RJ at Marlon. "Sino ba naman ako para hindi pagbigyan ang kaniyang hiling, marahil ay gusto niyang sumali sa aming grupo. Kaya pinagbigyan ko siya. Para sa 'yo Miss Aquino." nakangiting saad nito at itinuro pa ang kinaroroonan ni RJ.
"Sinungal......hindi na natapos ni Marlon ang iba pang sasabihin dahil siniko siya ng katabing si RJ. Tumitig ito sa binata, nagpakawala na lang ng hangin sa dibdib ang kaniyang katabi.
"May gusto ka bang sabihin Marlon?" ani Sam.
Pinukol ni Marlon ng masamang tingin ang nagsalitang dalaga.
Sinimulan na ang tugtog lahat ay nakaabang sa dalaga, maging si Nick ay nakamasid lamang. Hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman tila nasisiyahan siya ngunit sa hindi niya malamang dahilan.
Sa simula ng tugtog ay nakatungo si Sam, at ng magsimula na pagkanta ay sinabayan niya ng galaw.
"....Superstar where you from,
How's it going? I know you
got a clue, what you doing?..."
Malumanay ang ginawang pagkilos ng dalaga.
"....You can play brand new to
All the other chicks out there
But I know what you are
What you are, baby....."
Pinagsabay niya ang pagkilos ng kamay at paa, kinimbot ang beywang, padyak dito padyak doon.
"...look at me you gettin' more
than just a re-up...baby you
Got all the puppets
with their string up
fakin' like a good one
but I call 'em like
I see 'em
I know what you are
what you are, baby...."
Habang nagsasayaw si Sam ay pinagmamasdan lang ito ni RJ. Sa isipan niya ay nandoon ang katagang naging mahusay pa nga ito sa pagsayaw. Sinulyapan niya si Nick na nakaupo lamang sa sa isang sulok ng stadium. Nakatitig ito sa dalagang sumasayaw.
"Ano kaya ang mararamdaman niya kapag nalaman niya na hindi siya ang nobya niya?" wala sa loob na naisatinig ng RJ, nangonot naman ang noo ng katabi niyang si Marlon.
"Anong sinabi mo?"
"Huh? May sinabi ba ako?"
"Mayroon, may nobya akong nadinig at may kasama pang ano kaya ang mararamdaman niya. Sino iyon?" maang na tanong muli ng binata.
Nagisip naman ng maiisagot ang dalaga, gusto niyang batukan ang kaniyang sarili dahil sa nakapagsalita pala siya ng hindi niya alam.
"Ah, eh, 'yong pinanuod kong teleserye kagabi. Hanggang ngayon naiisip ko pa din. Ang ganda talaga!" pagpapalusot nito ngunit hindi naman siya nanunuod ng kahit anumang teleserye.
Napatango na lamang ang kaniyang katabi. Nagpalakpakan naman ang mga estudyante, natapos na ang tugtog.
Hingal man si Sam ay nakangiti pa din ito at nakatitig kay RJ, nanghahamon ang mga titig nito.
BINABASA MO ANG
SAMANTHA
RomanceSamantha, isang dalagang nasa kaniya na halos lahat ng katangian hinahanap ng isang lalake sa babae. Mayaman, mabait, maganda, sexy, matalino, tahimik pero palakaibigan ilan lamang iyan sa mga katangian ni Samantha. Sa kabila ng kaniyang katayuan sa...