Samantha
by; Zaiffer
Itinutok ni Elena ang baril sa nakangangang si Marichu. Dahan dahang namang napaatras ang ginang.
"Pinangako ko sa aking inay na pagbabayaran ng ama mo ang lahat ng dinanas naming kalupitan ng iwan niya kami. Alam mo ba na ako lamang mag isa ang naglibing sa aking ina at sa likod bahay ko ito inilibing dahil ni peso ay hindi ako binigyan ng iyong ama." pasigaw na saad ni Elena, at ipinutok ang baril. Napapikit at napatili si Marichu sa sobrang takot, tumama ang bala ng baril sa dingding ng silid.
Nang marinig ng mga taong nasa ibaba ang putok ng baril ay sabay na napalingon ang lahat sa itaas ng bahay. Patakbong pumasok si Arnulfo sa kabahayan at umakyat sa itaas kasunod sina Sam at Nick.
"Alam mo ba kung gaano kasakit sa isang anak ang hindi kilalanin ng ama, noong pumupunta pa sa amin ang walanghiya mong ama masaya pa kami pero hindi namin alam kung bakit unti unting nagbago siya. Nang iwan niya kami, halos araw-araw pumupunta sa inyong bahay ang aking ina upang makiusap at makiamot ng kunting atensyon mula sa iyong ama pero bigong dumadating ang aking ina hanggang sa dapuan siya ng isang sakit at dahil wala kaming pera hinintay na lamang niya ang kaniyang pagkawala." habang nagsasalita si Elena ay dumating sina Arnulfo.
Itinutok nito ang baril sa mga bagong dating. Agad niyakap ni Arnulfo ang kaniyang asawa, humarang naman si Sam sa mag asawa. Tumingin ito ng deritso sa kaniyang Tita.
"Ako ang kailangan mo 'di ba? Ako na lang ang patayin mo, huwag ang magulang ko. Sa tingin mo ba Tita masaya ang iyong ina sa ginagawa mo? Sa tingin mo ba masaya siyang nakikita niya na naging kriminal ang kaniyang anak? Sa tingin mo ba matatahimik ang kaniyang kaluluwa kung nakikita ka niyang naging masama dahil lang sa maling nakaraan? Hindi Tita!" gumaralgal ang boses ng dalaga, hinawakan ito ni Nick at pilit na hinihila.
"Tumahimik ka, kung alam ko lang na mabubuhay ka pa sana ako na lang ang pumatay sa iyo noon. At si Alice ginamit ko lang siya para makapaghigante sa inyo, at dahil tanga siya sumunod siya sa lahat ng gusto ko. Pero kung sakali na sa kaniya napunta ang kayamanan ninyong mag asawa, papatayin ko din siya pero may gantimpala naman siya sa akin. Ipapalibing ko siya ng maayos sa sementeryo dahil may pera na ako at hindi tulad ng aking ina na binaon ko lang sa lupa." turan nito na nanlalaki ang mata sa bawat bigkas ng mga salita.
Ang lahat ng sinabi nito ay narinig ni Alice na sumunod din sa itaas ng bahay. Nag kulay pula ang mukha nito ng marinig ang sinabi ng ginang. Mabilis pa sa alaskwatro ang ginawa nito pumasok ito sa silid at galit na tumitig ito kay Elena. Wala siyang pakialam kung ano man ang sabihin ng mga nasa likuran niya.
"Tanga nga ako Elena dahil nagpauto ako sa iyo, napaniwala mo ako sa mga mabulaklak mong salita. Hindi ko naisip ang mga taong nagpahalaga sa akin dahil sa iyo. Sakim ka ding tulad ko Elena, at kung papatayin mo ako mag unahan tayo." asik ng dalaga at pilit na inagaw ang baril kay Elena.
"Tumigil na kayo! Tumigil na kayo! Hindi ka ba napapagod Elena?" sigaw ni Marichu na kapit kapit ni Arnulfo.
Ngunit imbes na pakinggan ang sinasabi ng kapatid ay nakipagbuno ito kay Alice. Hindi naman malaman ni Sam kung ano ang gagawin.
"Tulongan mo sila Nick!" ani Sam kay Nick ngunit maging ang binata ay hindi rin malaman kung ano ang gagawin.
Isang putok ng baril ang nagpahinto sa lahat ng nasa silid, maging ang kanilang paghinga ay tila tumigil din.
Unti unting bumagsak sa sahig si Alice at umagos ang dugo nito sa may parteng tiyan. Napangisi si Elena ng makitang nakahandusay si Alice.
"Alice......" sigaw ni Sam at patakbong nilapitan niya ito ngunit bago niya mahawakan ang naghihingalo na si Alice at hinigit siya sa buhok ni Elena.
BINABASA MO ANG
SAMANTHA
RomanceSamantha, isang dalagang nasa kaniya na halos lahat ng katangian hinahanap ng isang lalake sa babae. Mayaman, mabait, maganda, sexy, matalino, tahimik pero palakaibigan ilan lamang iyan sa mga katangian ni Samantha. Sa kabila ng kaniyang katayuan sa...