Samantha
by; Zaiffer
Habang pinapanuod ng dalawa ang dalagang sumasayaw ay libong beses na pinag isipan ni Alice kung ano ang gagawin sa sinasabi ni Elena. Hindi niya maatim na pumatay ng isang tao lalo't higit ay dalagang si Samantha na nagbigay sa kaniya ng pangalawang pagkakataon upang mamuhay ng matiwasay.
Napabuntong hininga siya sa kaniyang iniisip na agad namang napansin ng kaniyang katabi. Tumingin ito ng deritso sa kaniya.
"Huwag mo ng pag isipan pa ang aking inaalok sa iyo, kung ako sa iyon ay susunod na lang ako dahil malaki ang gantimpala mong matatamo sa oras ng magtagumpay ang aking plano." deritsahang wika ni Elena.
Umiwas ang dalaga ng tingin sa ginang, tinitigan niya ang dalagang sumasayaw. Ang napaka-inosente nitong mukha na kahit sino ay mapapatingin dito.
Natapos ang sayaw ng dalaga, naghiyawan at nagpalakpakan ang mga tao. Ang iba ay tumindig pa upang ipadama ang paghanga nila dito. Nilibot ng kaniyang paningin ang mga taong pumapalakpak sa dalagang si Samantha halos buong stadium ay tagahanga nito, marahil kung nandito lamang ang magulang ng dalaga ay nangunguna ang mga ito sa pagpalakpak.
Agad nagbaba ng paningin si Alice ng sumagi sa kaniyang isipan ang mag asawa. Tinanggap siya ng mga ito ng walang pag aalinlangan kung susundin niya ang alok ni Elena ay siguradong kamumuhian siya ng mga ito.
Ng matapos na ang mga patimpalak ay agad inanunsiyo kung sino ang mga nagwagi. Nanguna ang grupo ni Nick sa basketball tulad ng dati, at maging ang grupo ni Sam ay ganoon din sila ang nakakuha ng first place na ikinatuwa ng lahat. Ngunit ang grupo ni Alice ay ikalawa lamang ang nakamit. Habang tinatanggap ni Alice ang gantimpala ay samo't saring salita ang kaniyang naririnig.
"Sayang, second lang tayo. Kasi naman bakit iyan pa ang ipinalit kay Sam madami namang mas magaling pa diyan." wika ng isa sa kaniyang kasamahan.
Agad na sumang ayon ang iba sa tinuran ng dalagang nagsalita.
Napatiim bagang si Alice, nakalarawan dito ang galit.
"Ano ba kayo, huwag kayong ganyan dapat nga magpasalamat pa kayo dahil kahit papaano kayo ang nakakuha ng ikalawa sa mataas. Siguro kung iba lang ang naging pinuno ninyo baka naging kahulihan na kayo. Hindi ninyo man lang binigyan ng kahalagahan ang ginawa ni Alice para sa inyo, unang subok pa lamang naman niya sinumbatan na ninyo agad." asik ni Sam, narinig nito ang bulongan ng dati niyang kasamahan. Sumama ang loob niya sa mga ito, nakita niya kung gaano kapursige si Alice na matutonan ang binigay sa kaniyang obligasyon at hindi nila nakita iyon.
Agad nagbaba ng tingin ang dalagang nagsalita ng masama tungkol kay Alice. Napatingin naman si Alice kay Sam. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o magagalit sa tinuran ni Sam sa iba niyang mga kasamahan.
Habang naglalakad palabas ng campus ang dalawang dalaga kasama si Nick ay agad lumapit si Elena sa mga ito.
"Alice sumabay ka na sa akin may dadaanan lang tayo sandali."
Napatingin naman si Alice kay Sam na tila ba hinihingi ang permisyo kung sasang ayon ba ito o hindi.
Tumango naman ang dalaga, pagkakuwa'y yumakap muna ito kay Alice.
"Huwag mo ng isipin ang mga sinabi nila sa iyo, nasabi lang nila iyon kasi gusto nila na sila ang maging pinuno ng cheering squad." wika ni Sam at pinisil ang kamay ng dalaga.
Ngumiti naman si Alice, lumapit sa kanila si Elena at yumakap ng mahigpit kay Sam.
"Mauna ka na sa bahay Sam, may bibilhin lang kami. Magce-celebrate tayo ngayon dahil nagwagi kayong dalawa at isa pa tumawag sa akin si Ate bukas ay dadating na sila." masayang wika nito.
Natuwa naman ang dalaga lalong lalo na si Sam. Nagpaalam na ang dalawa kay Sam. Pagkasakay nila ng sasakyan ay agad pinatakbo ito ni Elena, kumaway muna ang ginang kay Sam.
Hinatid naman ni Nick sa naghihintay na sasakyan si Sam.
"Congrats baby, ang galing mo talaga."
"Ikaw din naman ah!"
Ipinulopot ni Nick ang mga kamay nito sa beywang ng dalaga at tinitigan ng matagal ang maamong mukha nito.
"I love you my baby." saad ng binata, napangiti naman si Sam sa tinuran ng binata.
"I love you too my daddy." ganting biro naman nito.
Naglapat ang kanilang mga labi, walang pakialam ang binata kung nasa gitna man sila ng daan. Hindi niya maintindihan ang sarili tila ba may mangyayaring kakaiba.
"Hmmm...excuse me lang Nick baka nakakalimutan mong ihahatid ko pa iyang alaga ko." putol ni Mang Lino sa dalawa.
Natatawang bumitaw naman si Samantha sa nobyo.
"Ikaw kasi, parang hindi na tayo magkikita. Sesermunan na naman ako ni tatay Lino sa sasakyan." ani dalaga.
"Masama bang i-lips to lips kita iyon lang ang tanging regalo ko sa iyo."
"Corny mo!" nakangiting sagot ni Sam.
Nagpaalam na ito sa binata, kumaway pa ito bago pumasok.
"Tatay Lino ingatan mo po iyan ha!"
"Ay nakung bata ka kahit hindi mo na sabihin talagang iingatan ko ito dahil para ko na itong anak. Sige mauna na kami sa iyo." paalam ng matandang maneho.
Nakangiting kumaway ang dalaga kay Nick. Hindi maintindihan ng binata kung bakit siya kinakabahan.
Habang tinatahak ng dalawa ang papasok ng compound ng malaking bahay, isang kilometro pa ang layo nila ng malaman ng matanda ng walang preno ang sasakyan. Kahit anong tapak ang gawin niya ay ayaw kumagat ng preno. Isang palusong na daan ang tinatahak nila at pakurbada sa bandang dulo na kung saan ay taniman ito ng sari saring prutas.
"Tatay Lino ano pong nangyayari?"
"Anak wala tayong preno." sambit ng matanda.
"Ho? Ano pong gagawin natin?" muling tanong ng dalaga na kinakabahan na.
Biglang nataranta ang ang matanda ng may biglang dumating na isang malaking sasakyan. Agad pinihit niya ang manibela paliko kung saan ay patungo ang sinasakyan nila sa malalaking puno. Napausal ng dasal ang dalaga ng makita na tatama ang kanilang sinasakyan sa isang malaking puno. Umiwas naman ang matanda, hindi niya alam kung saan patungo ang kanilang sasakyan sa mataas na bangin.
BINABASA MO ANG
SAMANTHA
RomanceSamantha, isang dalagang nasa kaniya na halos lahat ng katangian hinahanap ng isang lalake sa babae. Mayaman, mabait, maganda, sexy, matalino, tahimik pero palakaibigan ilan lamang iyan sa mga katangian ni Samantha. Sa kabila ng kaniyang katayuan sa...