Prologue

1.9K 34 7
                                    


"Hija, sigurado ka na ba sa balak mo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Manang Lydia na isa sa kasambahay namin na siya ring tumayong ina sa akin dahil laging wala ang aking mga magulang para asikasuhin ang kanilang kompanya.

Napa-buntong hininga ako habang patuloy na inilalagay ang mga damit sa aking dadalhing bag.

"Tama na ho siguro ang pagiging sunod-sunuran ko Manang. Hindi ko na sila kayang sundin pa sa pagkakataong ito," patuloy kong sabi.

Naaninag ko ang ngiti sa labi ni Manang. "Sa wakas ay natutunan mo ring gumawa ng sariling desisyon."

Nang matapos kami sa pag-aayos ng gamit ay naghanda kami ni Manang para lumabas sa kwarto kong halos nagmistulang hawla sa loob ng dalawampu't limang taon.

Wala ang mga body guards ni Mommy sa labas ng kwarto ko. Baka nasa break nila.

"Tara sa maid's room hija, may daan doon palabas ng bahay na'to," pabulong na sabi sa'kin ni Manang Lydia.

Dahan-dahan kaming naglakad patungo doon. Medyo malayo ito dahil sa parteng underground ng bahay ang daan papunta dito. At sa pagkakatanda ko ay may daan nga doon palabas para hindi na dumaan pa ang mga taga-lingkod ni Mommy sa main entrance ng bahay kung sakaling sila'y papasok o lalabas.

As much as possible ay iningatan naming wala kaming makasalubong na kahit na sinong tauhan nina Mommy. Mahirap na.

Malaya kaming naka-punta sa maid's room. Mabuti na lang at walang tao.

"Saan ka na pupunta niyan hija?" nag-aalalang tanong ni Manang.

'Di ko maiwasang 'di matuwa sa pinapakitang pag-aalala niya sa'kin. Siya na talaga ang kinikilala 'kong tunay na ina 'pagkat sa kanya ko nararamdaman ang  pag-aaruga ng isang tunay na ina.

"Bahala na po. Baka makitira muna ako sa bahay ng mga kaibigan ko. Basta makalayo lang ako dito," naka-ngiting banggit ko para naman mawala ng konti ang pag-aalala sa mukha niya.

"Mabubuti naman ba't mapagkakatiwalaan 'yang mga kaibigan mo?" tanong nito.

Napatawa ako ng mahina. "Oo naman po. Pero di ko alam kung hanggang kelan ako pwedeng makituloy sa kanila knowing na kakilala ni Mommy ang mga magulang ng kaibigan ko. Baka magsumbong sila ng hindi ko nalalaman," napabuntong hininga ako.

Sandaling napa-isip si Manang. Maya-maya pa ay humarap ito sa akin ng nakangiti na para bang sinasabing may maganda siyang ideya.

"Bakit hindi ka na lang muna makituloy sa bahay ko? Walang magsusumbong sa'yo dun at malaya kang makakagalaw," sabi nito.

"Mapapahamak ka kapag nalaman ni Mommy," malungkot kong pahayag. Magandang ideya nga iyon kaso napaka-selfish ko naman kung ako lang ang mabibigyan ng benepisyo samantalang si Manang ay mapapahamak.

"H'wag mong intindihin 'yon hija, hindi ako mapapahamak dahil alam kong hindi ka gagawa ng ikakapahamak ko hindi 'ba?" makahulugang sabi nito. Saglit akong napa-isip.

May punto siya. Kung hindi ako lalabas 'dun at walang makakakita sa'kin, hindi malalaman nila Mommy kung nasaan ako. Hindi mapapahamak si Manang.

"Sige ho Manang. Kaso gusto ko ho sanang panandalian lang 'yong pagtira ko sa bahay mo dahil ayokong mapahamak ka. Maghahanap rin ako ng titirahan ko sa lalong madaling panahon," ngumiti ako sa kanya.

"Walang problema hija. Basta't nasa mabuti kang kalagayan eh papayag ako," para na talaga siya sa aking isang ina. Kaya gagawin ko ang lahat para 'di na siya madamay pa ng todo sa ginagawa ko.

Ayokong magpakasal kay Charles. This is too much. Yes, I'm an obedient daughter and never in my life I have disobeyed my parents, just this once.

Lagi na lang sila ang humahawak ng desisyon sa buhay ko kahit naman na pag-aari ko ito. Yes they are my parents so they have the right na panghimasukan ang mga desisyon ko pero tila ba napuno na akong sa buong buhay ko yun ang paniniwalang pinang-hahawakan ko. Ang dapat sila lagi ang nasusunod.

Ayokong pati ang makaka-sama ko habang buhay ay sila pa rin ang magdedesisyon. 'Di ko na yata sila kayang sundin pa.

I was once told by Manang Lydia noong bata pa ako na ang pag-papakasal daw ay parang isang fairytale. Once the story has started, kung mahal niyo ang isa't isa laging mauuwi sa happy ending and they lived happily ever after ang storya ninyo. And through out my existence in this cruel world, yun ang pinaniniwalaan ko patungkol sa pag-papakasal. Kaya ganun na lang ang paninindigan kong tumakas after kong marining kina Mommy na pinag-kasundo nila akong ipakasal kay Charles Caesar na anak ng kasosyo nila sa business.

Nang makarating kami sa bahay ni Manang ay 'di ko maiwasang 'di makaramdam ng excitement. Una nakasakay akong Jeep. Pangalawa maganda naman ang bahay ni Manang at meron silang maliit na kainan sa ibaba ng bahay nila. Pangatlo, simula sa araw na ito ay ako na ang magdedesisyon para sa sarili ko.

"Handa ka na ba para sa panibagong hamon sa'yo ng buhay?" nakangiting tanong ni Manang.

"Handa na po," masaya kong tugon.

--

The Baby Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon