The baby ●11●

950 18 8
                                        

Kaycee's POV

"Kaycee, Kaycee anak? Umuwi ka na please. Miss na miss kana namin ni Daddy mo." Umiiyak na sabi ni Mommy. Bakit siya nandito? Bakit niya sinasabi yun?

"No Mi, no. Ayoko pang umuwi. Let me replace that. Ayoko ng umuwi." Pagtaboy ko sakanya.

"Bakit anak? Hindi mo na ba kami mahal ni Daddy mo?"

"Mahal. Pero ngayon, magkaka pamilya na ako."

"I know."

"You knew?"

"I hired someone who will imbestigate you. And alam ko din na hindi mo mahal ang tatay ng anak mo. Kaya let Charles love your child. Give him a chance nak."

"No Mi. Nagkakamali ka. Mahal ko na si......... Austin. Ang ama ng anak ko. Mahal na mahal."

-

"AHHHHHHHHHH!!!!" Napasigaw ako ng malakas at hinga ako ng hinga pagka upo ko sa kama. Grabe anong klaseng panaginip yun? Ay mali, BANGUNGOT pala.

*Knock knock knock*

"Pasok." Sabi ko habang hinahawakan ang dibdib ko. Grabe di ako makapaniwala na nasabi ko yun sa panaginip ko.

"Ate Kaycee okay ka lang?" Si Amanda pala. Siguro na rinig niya yung malakas kong sigaw.

"Ah oo. Masamang panaginip lang pala yun. No need to worry." Sabi ko tapos ngumiti sakanya.

"Ahh. Teka ate, wala ka bang make-up na suot ngayon?" Hihiram ba siya?

"Wala eh. Hindi naman ako nag me-make up sa araw-araw. Siguro pag may ocations lang." Mukhang nagulat si Amanda sa sinabi ko.

"Weeeh? Di nga ate? Para kang naka make-up! Pero hindi pala! Grabe ang ganda-ganda mo! Sana sayo magmana ang pamangkin ko! Wag kay kuya!" Ang hyper pala ng batang to. Umagang-umaga.

"Ay ganun ba? Salamat ah."

"Yiee nag-blush si ate." Sabi niya sabay sundot sa tagiliran ko. Eh ang lakas pa naman ng kiliti ko dun! Kaya ayun napatawa ako ng malakas.

"Hahaha! Tama na Amanda!" Sabi ko habang natatawa.

"Ay sorry. Di na. Ate kain na pala tayo ng breakfast. Kaya rin pala ako pumunta dito para pag almusalin na kayo ng baby pamangkin ko." Sabi ni Amanda habang tinutukungan akong tumayo. Aayusin ko pa sana yung kama pero sabi niya yung yaya niya nalang daw ang gagawa nun.

"Asan yung Kuya mo?"

"Si Kuya? Ayun tulog pa."

"Tulog pa? Eh kakain na diba?" Grabe! Hindi pinag-iintay ang pagkain! Baliw yung lalaking yun ah!

"Ganun talaga yun. Hindi yun sumasabay sa pagkain pagkakain na, gusto niya laging mag-isa lang siyang kumain."

"Aba hindi pwede yun! Tawagin mo bilis ako bahala sayo."

"Ate mag-aaway nanaman kami nun eh. Takot ako dun pag umaga, para kasi siyang Ogre na si Shrek! Pero hindi dahil may muta siyang green sa mata si Shrek na siya ah! Kasi malakas siyang sumigaw sa umaga!" Green na muta talaga Amanda? Sosyal mo ah.

"Edi ako ang pupunta sakanya." Sabi ko tapos naglakad ako palayo. *pause* bumalik ulit ako kay Amanda, "Saan ba kuwarto niya?"

Natawa lang siya. "Duon ate oh. Yung loner na pintuan. Nag iisa lang."

"Ah sige thanks." At naglakad ako papunta sa pintuan ni Shrek. Shrek ka pala ah. Huh! Tignan natin.

"Go ate Fionna!" Mana sa kuya. Tss.

The Baby Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon