Chapter 5

1.2K 16 1
                                    

Marahan kong dinilat ang mata ko at nag-unat. Medyo napahaba pala ang tulog ko dahil alas-otso na pala ng umaga. 'Yun  ang nakalagay sa wall clock na nasa harap ko.

Saka lang nagsink in sa akin na wala pala ako sa sarili kong kwarto o kahit na sa kwarto ni Manang Lydia. Nasa hotel nga pala ako sa Baguio.

Naalala ko si Austin. Nilinga ko ang paligid at hindi ko siya nakita. Nasaan 'yun?

Naghilamos at naligo muna ako bago lumabas ng kwarto. Nahinto ako sa paglalakad ng matanaw ko ang isang lalaking nakahiga sa sofa ng sala. Si Austin.

Diyan siya natulog? Pwede naman siyang magbayad pa ng isang suite, bakit siya nagtitiis diyan?

Nakaramdam ako ng gutom. Dumeretso ako sa kusina para maghanap ng makakain. Good thing at may laman ang ref. Kumuha ako ng fresh milk at cereals saka nagsimulang kumain. Naghiwa rin ako ng dalawang mansanas.

"You should eat oatmeal," natigilan ako sa paambang pagsubo. Inangat ko ang ulo ko. Bigla kong naalala ang pagiging sarkastiko nito kagabi. Bigla akong kinabahan.

Pero dapat ipakita kong matapang ako hindi ba?

"'Di ko naman alam kung nasaan 'yun eh," mahina kong usal saka binaba ang kutsarang hawak ko.

Naglakad si Austin sa kusina at may kung ano anong kinalikot. Ilang sandali pa ay may hawak na itong bowl ng oatmeal. Nag-aalangan ko itong kinuha.

"T-thanks," kumain na ako.

Kinuha niya ang cereal na kakainin ko sana saka niya sinubo ang dapat na isusubo ko kanina. Siya ang kumain ng inihanda kong pagkain. Bigla tuloy akong nanghinayang, mukhang masarap 'yun eh.

Nang matapos kaming mag-agahan ay di ko na alam ang gagawin ko. Halos nakahilata lang ako buong araw.

"I'm going out," paalam ni Austin sa pintuang nakasara. Hindi na ako sumagot para akalain niyang tulog ako.

Nang maramdaman kong wala na siya ay tinawagan ko si Aica para magkwento. Kinwento ko sa kaniya lahat ng nangyari mula kahapon hanggang kanina. Gulat na gulat siya ng marinig niya ang pangalan ng ama ng anak ko.

"W-what? Austin Montegabriel ba kamo?" gulat na gulat nitong tanong.

"Oo. 'Yun ang pakilala niya kahapon," bigla akong nahiya sa sariling tinuran. May anak na kami pero kahapon ko lang siya nakilala.

"Oh my god. Did you not know him for real?" halata ang pagka-amazed sa boses ni Aica.

"No,"

"He owns multiple companies in the world! Take note, MG Inc. is included! May iba rin siyang properties na private. Airplane, building, land and I can't tell more sa sobrang dami. He can buy you houses in just a second. You have baited a golden fish! I can't believe this," naghyhysterical na si Aica.

"Hindi ko alam na g-ganiyan pala siya makapangyarihan," kinakabahang sabi ko. Di ko maiwasang di kabahan kapag may nalalaman akong bago tungkol sa ama ng anak ko.

"Napaka-gwapo niya! Sinalo ata lahat ng biyayang kagwapuhan eh. Ang kaso, matapobre! Napaka-sama ng ugali. Nakakatakot siya dahil bossy palagi ang datingan. At isa pa, habulin ng babae! Pero laging fling lang ang nangyayari tapos alis na. 'Di niya na babalikan 'yung babae after pleasure," sabi ni Aica. Mas lalo akong kinabahan. Kung ganun, marami siyang babae?

"Kaya nga nagtataka ako. Kung marami na siyang napa-ikot na babae, 'di ba dapat matik na wala siyang mabubuntis. You know, guys like him are always safe. May protection," sabi nito.

Na-isip ko rin 'yon. Naiwan niya ba ang proteksyon niya? Bakit hindi siya gumamit 'nun? Bakit 'di  na lang niya ako pinainom  ng pill para wala siyang masabing pabigat sa kaniya in the future.

The Baby Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon