The baby *18*

526 15 0
                                    

"Lo, sya po ang Ina ng magiging anak ko..."

"A-ano kamo? Magiging anak mo?" Halata mong gulat na gulat ang Lolo nya nung marinig nya ang balita ni Austin.

"Opo Lo. Buntis po sya ngayon. Mag a-apat na buwan na po next week."

Tulala ang Lolo nya. Bigla akong kinabahan. Nanginginig ang kamay ko sa di ko malamang dahilan.

Tinignan ko ang mukha ng Lolo niyang naka-katakot pero mas lalo akong kinabahan nung ngumiti sya sakin.

"Welcome to our family Hija! Welcome to San Jose Family! Why didn't you tell me about this grandson? Para naman nakapag-handa-handa ako. Nagulat tuloy ako. Pero, masyang-masaya ako ngayon. What is the baby's gender? Is it a boy or a girl?" Napangiti nalang ako. Halatang-halata mo sa mukha nya ang pagka-excite nya.

Akala ko itatakwil nya na kami eh.

"Kapag 5 months na Lolo, tsaka pa namin malalaman ang gender." Pati si Austin ngumiti.

"Aww. What is your name hija?"

Tinignan ko si Austin. Nakatingin din pala sya sakin. Tinatanong ko gamit ang mga mata ko kung sasabihin ko ba ang totoo. Tumango naman siya.

"Ka-kaycee Isler po."

Nawala ang ngiti ng Lolo nya.

"I-Isler?"

"O-opo."

"Yo-you're the daughter of Diego Isler.."

"Ye-yes p-po."

"You are missing, right? Why are you here? I'll call a polic--"

"Lolo. I thought you were okay with her? She's hiding so don't call a police." Singit ni Austin.

"Bu-but she i--"

"For my child, Lo. Just for my child. Do this favor for my child."

Tumahimik kaming lahat.

For my child

Just for my child

Hindi ako kasali dun. Mukhang alam ko na ang mga mangyayari pagkatapos na pagkatapos kong manganak...

"O-okay. I-i'm sorry Ka-Kaycee.." Sabi ng Lolo ni Austin.

"Its okay Sir."

"No, Lolo nalang Kaycee." Sabi nya sakin.

****

Car.

Tahimik lang akong nakatingin sa bintana habang pinag-mamasdan ang bawat madaanan naming bahay.

Minsan napag-iisip-isip ko din na, malapit na palang lumabas itong batang dala-dala ko. At mangyayari na ang inaasahan ko. Pero sana wag. Ayoko.

*Cellphone rings*

"Kaycee, paki-tignan nga kung sino yung tumatawag. Nag-dadrive kasi ako."

Kinuha ko yung cellphone nya malapit sa may err-- ano bang tawag dito?

Tinignan ko kung sinong tumatawag.

Melissa Calling....

Accept         Decline

"Melissa."

"Ahh. Hayaan mo lang." Binaba ko yung cellphone kung saan ko nakuha kanina at tumingin ulit sa labas. Pero ang ingay nung phone nya!

The Baby Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon