KAYCEE'S POV
"Sino yun?" napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Austin na nakatayo dun.
"Ah? Ah.. Wa-wala. Tara kain na tayo." bumalik na ako sa kina-uupuan ko kanina at umupo. Nagsimula na ulit akong kumain nang makita ko sa gilid ng mata si Austin suot ang 'Worried Face' niya. Diretso ko siyang tinignan at sinabing, "Wala nga yun. Wag mo ng intindihin yun. Kumain ka nalang." yumuko na ulit ako at kumain.
Narinig ko naman yung malakas niyang pag-buntong hininga at simulang pag-tunog ng mga kutsara. Nagsisimula na siyang kumain.
Sobrang tahimik ng pagkain namin ngayon di tulad kanina. Walang nagsasalita sa amin ngayon.
Maya-maya pa ay dumating si Amanda sa hapag, kitang-kita mo sa mukha niya na badtrip siya. Padabog din siyang umupo sa harap ko.
"Mornin'" murmur niya.
"Morning din." sabi ko, tuloy lang sa pagkain.
Wala naman response sakanya si Austin. Mukhang na badmood ko ata.
Ba't nga ba hindi ko sinabi kay Austin kung sino yung tumawag? Haay ewan ko din. Basta ang alam ko lang, pinangunahan ako ng takot ko.
"Kuya, ah, wala bang nabanggit sayo si Tom?" sabi ni Amanda habang kumukuha ng kanin.
"Wala." sagot ni Austin na para bang wala siyang ka-interest-interest.
"Ahh. Eh may nasabi ba siya sayo kung nasaan siya ngayon?" tanong ulit ni Amanda. Hindi ko nalang sila pinapansin. Tuloy lang ako sa pagkain ko.
"Wala." sabi ni Austin habang pinupunasan niya ng tissue yung gilid ng labi niya.
"Ahh. Eh ma--" hindi na natapos si Amanda nung tumayo na si Austin at umalis. "Anong nangyari Ate? Magkagalit ba kayo?"
"Ha?" Haay nako, eto nanaman. Away nanaman. Lagi nalang ah? "Ah, ewan ko dun sa Kuya mo."
"Nakakainis talaga ang mga lalaki! Hindi mo sila maintindihan. Kainis!" sabi niya sabay subo.
"What do you mean Amanda?"
"Ah? Wa-wala Ate. Sige kumain ka nalang diyan. May dala akong prutas kagabi. Kainin mo ah?" sabi niya.
"Ah sige." ewan ko pero biglang pumasok sa isip ko yung singkamas. "May singkamas ba?"
"Huh? Ah Ate mga common fruits yun. Mangga, Apple, Banana, Orange at iba pa." sabi niya habang nakatingin sa akin.
"Parang ang sarap kasi ng Singakamas ngayon. Saan ba nakakabili nun?" tanong ko.
"Ah Ate di ko alam. Baka si Yaya Belinda alam niya."
"Paki-tawag naman oh."
"Ate Belinds! Ate Belinds!" sigaw ni Amanda. Maya-maya pa ay lumabas na si Yaya Belinda.
"Yes Ma'am?"
"Ah Ate, may alam ka bang biiihan ng singkamas?" tanong ni Amanda kay Yaya Belinda.
"Ah oo Ma'am. Sa Palengke po. Bakit po?"
"Gusto daw yun ni Ate Kaycee eh. Pwede mo ba akong samahan mamaya pumunta dun?" tanong ni Amanda sakanya.
"Yes Ma'am. Mga anong oras po?"
"Ngayon na pagkatapos ko kumain. Salamat Ate." sabi ni Amanda.
"Ah sige po Ma'am. Mag aayos lang po ako."
Lolski. Mag aayos pa daw si Manang Belindz.
Pagkaalis ni Manang tumayo na rin si Amanda.
"Ate, bibihis na ako ah? Pupunta pa kasi ako kina Mama mamaya so kailangan ko ng mag madali." sabi niya habang naglalakad palabas ng Dinning.

BINABASA MO ANG
The Baby
General FictionSi Kaycee Isler ay isang mayaman na anak. Kaya napag-kasunduan itong ipakasal sa anak ng mga kaibigan ng kanyang ina. Ayaw magpakasal ni Kaycee kaya tumakas sya kasama ang kanyang Yaya. Sa pagtakas na iyon, mararanasan niya ang buhay na hindi niya...