The Baby *19*

586 13 1
                                    

Kaycee's POV

A week later..

"Tulog pa sya eh"

"Okay lang yan, ano ka ba. Akong bahala sa'yo."

"Eh pano kung mahuli nya tayo ate? Lagot tayo nito."

"Ako nga sabi ang bahala sa'yo eh. Basta magiging perfect to. Hihihi"

Sila Amanda at Eloisa yun ah? Anong pinag-uusapan nila ng ganto ka-aga sa loob ng guest room?

Minulat ko yung mata ko ng dahan-dahan at nakita ko silang nakatayo sa dulo ng paanan ng kama habang may hawak ng cellphone na naka-tapat sa akin. Anong ginagawa nila?

Nung nakita nila akong gising na, biglang binaba ni Eloisa yung cellphone na hawak nya kanina papunta sa likod nya. Sabay silang ngumiti sakin nung umupo ako sa kama, "Anong ginagawa nyo dito?"

"Ah-eh. Good morning Ate Kaycee!"

"Good morning Pregs!"

Halos magka-sabay na nilang sabi.

"Oy Pregs buti at nagising ka na. Naka-handa na yung breakfast dun sa baba. Hihihi ang sarap pala ng pang-mayamang pagkain no?" Sabi ni Eloi habang tumatawa ng may takip na kamay sa bibig.

"Ah sige. Maliligo lang ako. Bababa na ako pagkatapos." Sabi ko habang tumatayo na sa kama at pa-lakad na papunta sa bathroom.

Bago ko pa man maisara ang pintuan ng banyo ay narinig kong nag-salita si Eloisa. Pero hindi ko clear na narinig eh, kasi naglakad na sila palayo. At ang narinig ko lang ay ang,  "**p*y *s* m**t*s*ry sainyo Pregs"

Ano kaya yung sinabi ni Eloi? Haay hayaan na nga!

Pagkapasok ko ng bathroom ay tumingin muna ako sa salamin sa sink kung may muts-muts ba ako o wala. Binuksan ko yung sink at maghihilamos na sana ng may mahagip na makinang na bagay yung mata ko sa kamay ko.

Sinara ko muna ulit yung sink at nilapit ang kamay sa mukha ko para tignan ng mabutibyung nahagip ng mata ko.

What the hell?

Ano 'to?

Bakit ako may suot na ganito?

Bakit ako may singsing?!

Silver ring with a small heart motherstone in the middle.

Sino naman ang nagbigay nito sakin? Tsaka tulog ako ah? Pano ko to masusuot sa sarili ko? Pwera nalang kung----

"Eloisa.... Amanda..."

Haaay! Nakakainis silang dalawa ah! Nag-iinit ang ulo ko sakanila promise. Yung bang parang gusto kong umiyak at magalit sakanila ng bigla? Haaay ano ba tong nararamdaman ko!

Tinanggal ko yung singsing sa kamay ko at nilagay sa tuyong side ng sink tsaka ako naghilamos, nagtoothbrush at naligo.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako sa medyo komportable kong damit na leggings at loosen shirt. Medyo lumalaki na kasi yung tyan ko at wala pa akong maternity dress kaya eto nalang muna isusuot ko pansamantala. Bibili nalang siguro ako mamaya.

The Baby Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon