Isang linggo na ang nakakalipas simula nung tumakas ako ng bahay. At dahil concerned daw ang Mommy ko sa'kin ay sinimulan na ang paghahanap sa akin. 'Yan ang sabi sa akin ni Manang pagkauwi niya pagkagaling sa bahay namin. Sa mansyon.
Hindi tumigil si Manang sa pagtatrabaho sa mansyon dahil mahahalata siya at paghihinalaang may kinalaman siya sa pagkawala ko. Kaya tuwing umaga ay umaalis siya dito at tuwing gabi lamang ang balik.
Sinabi rin sa akin ni Manang na bukas ang dating ng anak niyang si Kiel na galing New York. 'Di ko inaakalang may anak pala si Manang at nagtatrabaho pa sa ibang bansa. Kung tutuusin ay kayang-kaya siyang sustentuhan nito kaya 'di niya na kailangan pang magtrabaho. Kaso gusto pala talagang masubaybayan ni Manang ang paglaki ko. Kaya naman halos maluha-luha ako kanina habang nakikinig sa kanya.
Nagsimula na rin akong tumulong sa maliit na kainan ni Manang sa baba. May mga tauhan naman siyang binabayaran para paglingkuran at tulungan siya doon pero gusto ko ring tumulong kahit papaano. Ako ang kumukuha ng orders at minsa'y naghahatid ng pagkain sa mga customers.
Ingat pa rin naman ako. Dahil mamaya ay may maligaw na tauhan ni Mommy at masabi kung saan ako nagtatago. Mahirap na.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Wala na pala si Manang sa tabi ko. Tabi kasi kaming natulog ngayon dahil ang tinutulugan kong kwarto nung mga nakaraang araw ay kwarto pala ng anak niyang lalaki. Uuwi pala ito ngayon kaya siguro maagang nagising si Manang.
Inayos ko muna ang pinagtulugan ko saka pumunta sa banyo para magtoothbrush. Pagkatapos kong magtoothbrush ay naligo na ako agad at nag-ayos ng susuotin dahil gusto kong tumulong muli sa kainan ni Manang sa baba.
Pagkalabas ko ng kwarto ay may narinig akong ingay mula sa kusina. May nag-uusap. Dumeretso ako doon dahil nakaramdam ako ng gutom.
"Oh gising ka na pala Kaycee," paglingon sa akin ni Manang. "Sabayan mo na kami kumain ng anak kong si Kiel."
"Ah sige po," napalingon ako sa anak ni Manang. Hindi maitatangging gwapo ito at habulin ng babae. Napaka-kinis at napaka-kisig ng dating. "Hello po," bati ko.
"Ano ka ba hija magkasing-edad lang kayo," natatawang sabi ni Manang. Napakamot ako sa ulo ko habang umuupo sa kaharap na silya ni Manang dahil pang-apat na tao lamang ang silya dito at katabi niya na si Kiel.
"Hello din Kaycee," naka-ngiting saad ni Kiel. Napakaputi ng ngipin. Walang kasira-sira.
Naging maayos ang agahan namin. Nagkwento ng kung ano-ano si Kiel. Madaldal pala ito at pala-kwento. Medyo nakakasundo ko na nga ito eh.
Nang umalis si Manang para magpunta sa Mansyon at magtrabaho ay binilinan niya si Kiel na magpahinga muna dahil pagod ito sa byahe. Ngunit matigas din pala ang ulo nito sapagkat tumulong din siya sa kainan ni Manang ng malaman niyang tumutulong ako dito.
"Matigas pala ang ulo mo," pang-aasar ko habang nililinis ang isang mesa. Katatapos lang kumain ng isang customer
"Matulungin lang," nakangiti nitong saad.
Maraming tao ang kumakain sa kainan ni Manang sapagkat magaling siyang magluto. At ang mga sekreto nito sa pagluluto ay ibinibilin niya sa taga-luto niya ngayon. Busy kasi si Manang sa mansyon kaya di niya mahaharap ang sariling negosyo.
Mga bandang alas-tres ng hapon, medyo kumonti na ang tao dahil tapos na ang tanghalian. Nagyaya si Kiel na samahan ko siyang mag-meryenda sa may park. Dahil daw tuwing gan'to ang oras ay maraming kariton ng nagtitinda ng fishball doon na siyang namimiss nya 'nung nasa abroad siya.
Dahil wala naman na masyadong tao at meron naman mga vacant na waiter ay pumayag ako.
Habang naglalakad kami papunta sa park ay kinausap niya ako.
BINABASA MO ANG
The Baby
General FictionSi Kaycee Isler ay isang mayaman na anak. Kaya napag-kasunduan itong ipakasal sa anak ng mga kaibigan ng kanyang ina. Ayaw magpakasal ni Kaycee kaya tumakas sya kasama ang kanyang Yaya. Sa pagtakas na iyon, mararanasan niya ang buhay na hindi niya...