Six weeks have passed. Exactly two months na akong nakatira sa bahay nina Manang Lydia. At ayon kay Manang Lydia na labas masok sa mansyon ay wala pa ring lead sina Mommy kung na saan ako. Ang dapat kasalang magaganap ay hindi pa rin natutuloy dahil 'di pa rin ako natatagpuan.
At nalaman kong mukhang nagkakalabuan ang Isler at ang Caesar. Dahil sa akin na anak ng mga Isler.
Tama naman ang desisyon ko hindi ba? Tumayo sa aking sariling mga paa.
Wala namang bago sa nangyari sa akin these past few days bukod sa pagiging malaya ko ngayon. Malaya na akong gawin kahit na anong gusto ko dahil wala ng pumipigil sa akin.
Masaya ako sa piling nina Manang Lydia at Kiel. Mabubuti silang tao na pinahahalagahan ako. At lagi rin akong binibisita ni Aica kung kaya't hindi na ako nabobored sa bahay.
Mas dumadami ang customer ni Manang dahil daw sa akin sabi ng mga tauhan sa baba. Marami daw kasing nagagandahan. 'Di ko alam kung matutuwa ba ako o kung ano ang dapat na reaksyon na gawin ko eh. 'Di kasi ako sanay sa mga pinapakita nilang confession and such.
Noon kasi pinagbabawalan ni Mommy lahat ng manliligaw ko. Kasi I'm already engaged. Kaya di ko talaga naranasan 'to. Ngayon lang.
"Manang, panis na ho ba 'to?" tanong ko kay Manang habang kumakain ng agahan.
Napatingin sila ni Kiel sa akin. "Panis? Kaluluto ko lang niyan."
Napa-kunot ang noo ko. Kinuha ko ang lalagyan ng ulam saka ito nilapit sa ilong ko. May kung anong umakyat sa sikmura ko kaya dali-dali akong napapunta sa banyo.
Pang-ilang beses ko na 'tong pagsusuka. May nakain nanaman ba akong 'di maganda?
"Nako hija ilang araw na 'yang pagsusuka mo ah. Dahil ba 'yan sa sinigang na hinanda ni Aica sa'yo?" tanong ni Manang. Nakasunod na pala siya sa akin sa banyo.
"Baka nga ho. 'Di naman po kasi 'yun marunong magluto," natatawa kong sabi. Naghilamos at nagtoothbrush muna ako bago tuluyang lumabas. Nawalan ako ng gana kumain.
"Punta na muna po ako sa kwarto," paalam ko. Para kasi akong inaantok kahit na katutulog ko lang. Siguro isa ito sa mga side effects ng gamot na binigay sa akin ni Aica. Sinabi ko kasi sa kaniya na nagsusuka ako at malaki ang chance na dahil ito sa pinakain niya sa akin na sinigang. Kaya naman binigyan niya ako ng gamot para mawala ang pagbabaliktad ng sikmura ko.
Marahang pagkatok ang gumising sa akin. Napatingin ako sa bintana. Gabi na pala. Ganun kahaba ang tulog ko? Di na ako nakapag-tanghalian. Kaya naman pala feeling ko ay gutom na gutom na ako.
"Pasok," sabi ko. Umupo ako sa kama at nag-unat.
"Kaycee?" Boses ni Kiel.
"Oh Kiel bakit?"
"May naghahanap kasi sa'yo sa baba," napatigil ako. Kung si Aica 'yun ay agad 'yung papasok dito. Pero hindi eh. Baka naman tauhan ni Mommy? "Oh don't think too much, 'di siya tauhan ng Mommy mo. Sinigurado ko na bago kita puntahan dito."
Nakahinga ako ng maluwag. "Eh sino naman 'yan?"
"Why don't you go down and see it for yourself?" sabagay.
Hindi na ako nag-abalang magmumog pa o toothbrush. 'Di rin ako nag-abalang magtanggal ng muta dahil baka supplier lang ito ng mga ingredients ni Manang Lydia at dahil wala siya ay ako nanaman ang pipirma para pumick-up dito.
Lumabas ako ng kwarto at dumeretso ng sala. Uunat-unat pa ako dahil pakiramdam ko namanhid ang mga braso ko sa pagkakatulog ng matagal. Nang iangat ko ang paningin ko ay para akong binuhusan ng malamig na yelo dahil hindi supplier ang kaharap ko.
BINABASA MO ANG
The Baby
General FictionSi Kaycee Isler ay isang mayaman na anak. Kaya napag-kasunduan itong ipakasal sa anak ng mga kaibigan ng kanyang ina. Ayaw magpakasal ni Kaycee kaya tumakas sya kasama ang kanyang Yaya. Sa pagtakas na iyon, mararanasan niya ang buhay na hindi niya...