Hi! Sorry sa matagal na update! Eto na!
Anyways, pag may time po kayo paki-check po tong new story ko :) Siguradong aabangan niyo din katulad ng The Baby. Title niya po ay "Maling Pag-ibig"
Kindly click the external link if you're interested :D
Happy reading!
-----
Its already 2 weeks since im living at Austin' s, pero, napaka-cold niya na sa akin. Akala ko nga, pagkatapos niya akong bigyan ng gatas at slices orange, papansinin niya na ako. Pero mali ako. Lalo siyang naging cold sa akin.
Wala naman masyadong nangyari, ganun parin, dalaw ng dalaw dito si Steve para hatid-sunduin si Amanda. Sa pagkakaalam ko nga, bati na si Amanda at ang Mama niya kaya lagi siyang pinapasundo kay Steve.
"Ate Kaycee, aalis na ako ah." Singit ni Amanda habang tumatayo na sa kainan.
"Bakit aalis ka na? Wala pa si Steve ah?" Tanong ko.
"Di na te. Tetext ko nalang si Kuya Steve na hindi na ako magpapasundo, nakakahiya na rin naman kasi sa kanya eh." Sabi pa niya habang inaayos ang bag niya.
"Ah o sige. Ingat nalang." Sabi ko at umalis na si Amanda.
Ayos na rin kaya si Austin at ang Mama niya?
"Manang Lolit? Manang Lolit? Hali po kayo rito, sabayan niyo na ho ako kumain." Paanyaya ko. Lumabas naman sa kusina si Mamang Lolit at ngumiti sa akin.
"Ma'am huwag na ho. Mamaya na ho ako kakain. Kain ka na muna." Sambit niya.
"Naku Manang, huwag ka na ngang choosy dyan. Halika at sabayan mo ako. Dito ka nalang sa harap ko maupo." Sumunid naman siya sa akin. Kumuha siya ng place mat, plate, glass at spoon and fork. "Ayan Manang oh, kumuha ka ng pagkain dyan. Kahit ano pwede mong kainin."
"Ma'am samalat. Sige kakain na ho ako." Kumuha na siya ng kanin at ulam tapos isinubo niya. Pero natigilan siya sa pagnguya nung natikman niya na ang ulam na adobo.
"Bakit Manang? May problema ho ba sa adobo?" Tanong ko.
"Sino ho ang nagluto? Parang hilaw pa yung karne. Si Belinda ba ang nagluto? Teka tatawagin k--"
"Ako ho ang naluto Manang." Natigilan naman siya ng marinig niya ang sinabi ko.
Hilaw daw ang karne ng niluto KO. -_-
Kaya ba umalis si Amanda kasi hindi siya nasarapan?
Mashaket (¡~¡)
"Ah eh-- Ma'am ang sarap ng niluto mo promise. Teka etong SABAW ang mas masarap sa lahat!" Sabi niya.
"Ah he-he. Sana n--"
*DING DONG*
Pagkarinig namin ng doorbell ay agad-agad tumayo at nag-volunteer si Manang. Siya nalang daw ang magbubukas. Pinayagan ko na kasi baka mamaya masuka pa siya sa kakakain ng hilaw kong adobo.
Ano ba yan. Adoba na nga lang di pa naging maayos. Nakakainis!
"Ma'am! Nandito po si Sir Steve!" sabi ni Manang habang lumalapit dito sa dinning room.
"Hi Ma'am." palokong bati sa akin ni Steve.
Natawa tuloy ako.
"Baliw ka talaga. Kaaalis lang ni Amanda eh. Mauna na daw siya." sabi ko.
"Poging baliw naman. Pero sige okay lang. Yayayain ko sana siyamag breakfast eh." sabi niya.
Naku kawawa naman siya. Di pa ata siya nag be-breakfast. Paalis na sana siya nung tinawag ko siya.

BINABASA MO ANG
The Baby
Fiction généraleSi Kaycee Isler ay isang mayaman na anak. Kaya napag-kasunduan itong ipakasal sa anak ng mga kaibigan ng kanyang ina. Ayaw magpakasal ni Kaycee kaya tumakas sya kasama ang kanyang Yaya. Sa pagtakas na iyon, mararanasan niya ang buhay na hindi niya...