*Kaycee's POV*
Nagising ako ng payapa. Sarap ng tulog ko kagabi eh. Bakit hindi?
Maganda nangyari kagabi eh.
Hihihi
Ay hala nagiging ewan na ako! Dammit Kaycee, stop this nonsense!
"----- Hindi! Babawiin ko sya! Ana----- ka?! Lumabas ka! Nandito na si M--"
"Ma'am, wala nga ho sya dit---"
Ano ba yung sigawan na nagaganap? Bakit ang ingay? Sa baba ba galing yung kaguluhang yun?
Bumangn ako at pumunta sa banyo para gawin ang madalas kong ginagawa sa umaga. Pansin ko lang, wala na dito si Eloi. Ahh baka nakababa na.
Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba na rin ako. Pero napahinto ako sa pamilyar na boses at pamilyar na imaheng nakatingin sa akin na para bang galit na galit.
"Mommy." Bulong ko sa sarili.
Anong ginagawa nya dito? Pano nya nalamang nandito ako? Sinabi ba ni Austin?
Nakakainis talaga yang taong yan! Kung sya nga talaga!
Nakita kong nandun si Austin at Eloisa, parang pinapa-alis si Mommy.
"Kaycee! Sabi nga nga ba at dito kita makikita! Hindi nga nagkamali ang detective na kinuha ko. Anak umuwi na tayo!" Sabi ni Mommy, "Omyghad! Ba-bakit ang la-laki ng tyan mo?! Walang hiya kang bata ka!" Sigaw ni Mommy habang naglalakad papunta sa akin. Natigilan naman sya ng harangan ni Austin ang daanan nya.
"She won't come with you Ma'am." Sabi ni Austin. Agad namang napatitig ng masama si Mommy kay Austin.
"At bakit hindi?! Sabihin mo nga Mr. San Jose, ikaw ba ang Ama ng dinadala ng anak ko?!"
"Mommy tumigil na nga kayo!" Sigaw ko sakanya. Napalapit na rin ako sakanilang dalawa sa panga-ngambang baka saktan ni Mommy si Austin.
Pero-err. Wrong move. Hinawakan ni Mommy ang braso ko. Sht ang sakit!
"Mommy ano ba! Masakit!" Angal ko habang hawak nya ang braso ko. Lumapit naman samin si Austin at hinawakan ako upang mailayo na rin kay Mommy pero hindi padin ako binibitawan ni Mommy. "Mommy!"
Di ko namalayang may tumulo na palang luha sa mga mata ko.
"Ma'am tama na ho nasasaktan na si Kaycee!"
"Oy Mommy ni Kaycee bitawan mo si Preggy! Nasasaktan sya oh! Walang puso!"
"Magsi-tigil kayong dalawa! Kaycee ipa-laglag mo yan!"
Nalaki ang mata ko sa sinabi ni Mommy kaya bigla-bigla ko nalang naitaboy ang kamay nya sa braso ko at pumunta sa likod ni Austin.
"No Mom! No! Hindi! Hindi ako papayag!" Tulo nalang ng tulo ang luha sa mata ko. Napayakap naman sakin si Austin na para bang pino-protektahan nya ako mula kay Mommy.
"Kaycee ang tigas na ng ulo mo ngayon ah! Ikaw ang nag-impluwensya sakanya eh Mr. San Jose! Kaya binabawi ko na ang anak ko! Kaycee umuwi na tayo at ipapalag-lag na natin yang salot na batang yan! May fiancé ka na tapos lumalandi ka pa?! Anong klase kang fiancé at anak ha?!" Sigaw ni Mommy sakin na lalo pang nagpatulo ng luha ko.
Buong buhay ko, hindi ko sila nagawang suwayin. Buong buhay ko, palaging sila ang sinusunod ko. Buong buhay ko, sila ang priority ko. Pero buong buhay ko din, kahit kelan, hindi ako naging masaya. Ngayon lang. Kung kelan dumating na sa buhay ko si Eloisa, si Amanda, si Baby at si Austin. Kaya bakit ko pa papakawalan ang opportunity na'to kung kelan hawak ko na?
![](https://img.wattpad.com/cover/15910759-288-k472615.jpg)
BINABASA MO ANG
The Baby
General FictionSi Kaycee Isler ay isang mayaman na anak. Kaya napag-kasunduan itong ipakasal sa anak ng mga kaibigan ng kanyang ina. Ayaw magpakasal ni Kaycee kaya tumakas sya kasama ang kanyang Yaya. Sa pagtakas na iyon, mararanasan niya ang buhay na hindi niya...