The baby ●12●

943 21 6
                                        

Kaycee's POV

Pagkadilat ko ng mata ko, ang tanging nakita ko lamang ay ang mga kulay puting pader at puting kisame. Amoy ko din ang aircon ng hospital. So nasa hospital pala ako.

Umupo ako sa pagkaka-higa ko, at nagulat ako nung biglang tumayo at lumapit sa akin si Austin.

"Kamusta ka na? Maayos na ba ang lagay mo? Anong nararamdaman mo? Masakit pa rin ba ang tyan mo? Alam mo bang pinakaba mo kami?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin. Napatingin nalang ako sakanya ng nagtataka, diba galit siya kanina?

"Ayos na ako. Wala ng masakit sa akin. Sorry kung nag-alala kayo." Nilingon ko yung ulo ko at nakita kong andun din yung Nanay ni Austin, yung kasama niya kaninang lalaki na kamukha ni Austin at si Amanda. "A-ayos na ba kayo? N-ng Mama mo?"

Hindi siya umimik. Walang umimik. Siguro para sakanya 'Silence means no.' Pauso siya ah!

Kaya iniba ko nalang yung usapan, "Ahh, anong sabi ng Doktor sa anak ko?"

"Ate thank god walang nangyareng masama sa baby mo. Sabi kasi ng doktor masyado mo daw naubos yung lakas mo kakasigaw, kasama pa yung pagod mo dahil siguro sa byahe niyo kagabi ni Kuya." Sabi ni Amanda habang lumalapit sa akin.

"Mabuti naman." Nalang ang nasabi ko.

"Hija, ka-kaano mo si Austin?" Tanong sa akin ng Mama niya. Narinig ko namang nag TSS si Austin.

"Austin!" Saway ko.

"Kuya wag ka na ngang sumabat! Ma ste-stress at mauubos nanaman ang force niyan eh!" Saway naman ni Amanda sakanya. "Ah, may anak sila." Sabi ni Amanda sa mama nila.

"Austin anak, hindi mo sinabi sa akin na may anak ka na pala."

"Eh ikaw, sinabi mo rin ba sa akin na may anak ka pang iba?" Sabi niya sa bastos na paraan. Tinignan ko ng masama si Austi--

"Hija okay lang. Hindi ko siya masisisi kung ganyan ang trato niya sa akin. Kasalanan ko rin naman eh. Si Steve nga pala, anak k--"

"Ma, sabi ko naman sa'yo wag mong ibababa yang paa mo sa baba. Nanay ka parin niyang anak mo." Singit nung Steve.

"Hoy wag kang makisali dito! Sabit ka lang!" Biglang tumayo at nanduro si Austin.

"Well sorry AUSTIN kasali ako dito.  Nanay ko rin siya."

"Huwag mo kong tawaging kuya. Masakit sa tenga. At kung Nanay mo rin siya, hinding hindi kita matatanggap bilang kapatid." Tapos nag-walk out na siya palabas ng kwarto ng hospital. Okay?  Anong nangyari?

"Ate susundan ko lang si Kuy--"

"Huwag na Amanda. Kailangan niyang mag isip,  kailangan niyang mapag-isa." Sabi sakanya ng Mama niya. Lumapit din sa akin yung Mama niya at ngumiti habang hinihipo ang buhok ko.

"Hija, maraming salamat sa pagtatanggol mo kanina sa akin kay Austin ah? Pero sorry din dahil napahamak ka pa," Sabi niya "Ako nga pala si Cecelia,  call me Tita Cecil."

"Kaycee po. Ahh walang anuman po yun. Hindi ko lang po kasi matiis na may matandang nasasaktan tapos ang nananakit pa, eh, yung anak niya." Sabi ko. Totoo naman, eh.

"Napaka-bait mo talaga Kaycee, ang swerte sayo ng anak ko." Sabi niya sa akin tapos naubo ako, "Oh ayos ka lang ba?"

"Ha? Ah, eh, opo." Hindi ko alam kung bakit bigla akong napatingin dun sa Steve, sa half brother niya, or I must say stepbrother niya. At nagulat ako nung nakita kong nakatingin siya sa akin at nung nakita niyang nakatingin ako sa kanya

, bigla niyang iniwas ang tingin niya sa akin. Hindi ako assumera pero nakita ko talaga yun.

"O siya Kaycee mauna na muna kami ni Steve ah? Dinalaw ko lang talaga sila Austin at Amanda. Ahm, Amanda? Pwede ba tayong makita bukas? Gusto sana kitang kausapin." Sabi ni Tita Cecil.

The Baby Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon