Ang mga mag babasa ng "I'm his Jungle Girlfriend" ay may dedication at may shout out follow sa next chapter.
Kindly click the external link for the "I'm his Jungle Girlfriend"
The baby •Chapter 10•
*KAYCEE'S POV*
"Misis, relax lang ho kayo ah? Saglit lang 'tong gagawin na'tin. Higa lang dyan ng mabuti." sabi ni doktora habang inihihiga ako sa hospital bed.
"Hindi niya po ako Misis dok at never ho." pag correct ko kay doktora. Napatingin sina Austin at doktora sa akin.
"Ay ganun ba? Edi kabit ka niya? Ay naku mahirap yan!" panghuhusga sa akin ni doktora. Sige mangi-elam pa siya. Isa nalang talaga.
"Dok, hindi po ako kabit and never din ho." pero paano nga kung may asawa na pala 'tong Austin na ito? Edi kabit na ako? Pero hindi naman diba! Hindi ko naman siya minamahal eh!
"Edi kung ganun, engange kayo?" pangi-ngeelam ni doktora. Teka lang, yan ba dapat ang itanong niya sa mga nag bubuntis? Ayos ah, improving ang mga doctors.
Ba't ba hindi nag sasalita 'tong Austin na ito? Kanina lang sa Resto ang kulit niya, ngayon, ang tahimik niya. Ano nilagare na ba nang kapre ang dila niya?
"Wala hong kami dok." i just said.
"Ay ganun? Sayang, bagay pa naman kayong dalawa."
"Will you please shut up and stop that asking portion and go check the baby?!" irritableng singit ni Austin.
Oookay? So sana pala nilagare na ng kapre ang dila niya.
"O-okay." sabi ng doktora. Natakot siguro. Kawawa naman.
Sinimulan niya na ang pag lagay ng kung ano-ano sa tyan ko. Pinapaalis ko nga si Austin pero sabi niya ayaw niya daw kasi gusto niyang makita kung nag jo-joke daw ba ako o hindi. Loko pala siya eh, ako mag jo-joke?
"Ahhh. So as we can see here in this part, there is a gray-black colored, that is the baby. I can see that the baby is strongly holding-on your tummy. It is like, it didn't want to let go away fromㅡyou." ang anak ko, ayaw niyang mahulog, ayaw niyang mawala, ayaw niyang pakawalan ko siya.
"Is the baby healthy? What should we do? I meanㅡwhat should this girl need to take? Medicine, fruits, how 'bout milkㅡ" tinignan ko si Austin. Tuloy tuloy niya kasing tanong ang mga 'yan. Hindi ba siya natatakot? Natutuwa ba siya?
"Calm down sir. Ibibigay ko sainyo mamaya ang mga kakailanganin ni Kaycee. So let's continue. 2 months pa lang ang bata, but i can see that it is healthy."
"Ano ang gender ng bata? Pwede na bang malaman?" excited talaga 'tong Austin na'to eh.
"As of now, hindi pa na'tin malalaman. Wala tayong equipment para dyan. Siguro kapag mga nasa 5 or 6 months malalaman na natin yan. We just need to wait." sabi ni dok. Tumango kami. "So questions pa?"
"Dok, sa tingin mo sino kamukha nung bata? Ako o siya?" ano bang klaseng tanong 'yan Austin?! Malamang DAPAT ako!
Tumawa si Dok bago mag salita, "First timers nga naman oh, like what i've said, hindi pa natin malalaman 'yan. We just need to wait."
_________________________
*Sa loob ng kotse*
"O sabi ng doktora mo lagi ka daw kumain ng masusustansyang prutas. Uminom ka din ng gatas umaga't gabi. Hoy tandaan mo yang mga sinasabi ko ah." sermon niya saakin. Teka nga lang, kakakita nga lang namin kaninang umaga after 2 months tapos kung maka-sermon siya kala mo close kami! Assuming.

BINABASA MO ANG
The Baby
Ficción GeneralSi Kaycee Isler ay isang mayaman na anak. Kaya napag-kasunduan itong ipakasal sa anak ng mga kaibigan ng kanyang ina. Ayaw magpakasal ni Kaycee kaya tumakas sya kasama ang kanyang Yaya. Sa pagtakas na iyon, mararanasan niya ang buhay na hindi niya...