"Kaycee.... Kaycee gising na..."
Ramdam kong may gumigising sa akin pero halata mo ring dahan-dahan lang ang pagyuyug-yog niya dahil baka siguro natatakot siya na baka sigawan ko siya dahil ginising niya ako.
Pagkadilat ko ng mata ko, nakita ko si Austin na naka upo sa tabi ng kama, naka white sando at white pajamas. Labas tuloy ang malalaki niyang biceps.
"Rise and shine Mommy! Good morning!" Sabi niya habang nakangiti at tumitingin ng maigi sa aking mga mata. Yan. Yan ang namiss ko sakanya. Ang pagiging playful niya.
"Good morning din." Sabi ko habang nakangiti at tumitingin sa mga mata niya. Para lang kaming mga bata, nagtititigan na para bang may gustong sabihin na ayaw mailabas ng sariling dila.
"Good morning..." sabi niya. Aba inulit niya ang sinabi niya ah? Laro pala ang gusto niya ah.
"Good morning..." sabi ko na para bang sinasakyan ang trip niya. Dumapa ako at humarap sa kinauupuan niya. Nagpalum-baba ako sa kama habang tinititigan ang mukha niya.
"Good mooorning..." sabi niya habang pakunti-konting nilalabas ang kanyang perfect whie teeth para ngumiti.
"Au-- good morning..." ulit ko. Pero nag iba ang expression ng mukha niya at tinignan ako.
"Hmm baho! Bagong gising si Mommy tapos kakausapin niya Daddy ng hindi manlang nag tu-toothbrush! Eeew." Sabi niya pero sa pabirong paraan.
"Haha ang adik mo." Tumayo ako at nag-akmang pupunta sa banyo. Mag tu-toothbrush nga muna ako. Nakakahiya.
"Saan ka pupunta?"
"Toothbrush."
Pagkabukas ko ng pinto, binuksan ko na agad ang gripo sa lababo at naglagay ng toothpaste sa toothbrush. Hindi ko na sinara ang pinto dahil lalabas din naman ako kaagad. Buti nalang may pang 'Guest toothbrush' si Ausyin na naka handa dito sa banyo niya.
"Ayy nahiya siya kay Daddy kaya nag toothbrush. Haha!"
"Wroko kra!" Sabi ko habang nagtu toothbrush.
Narinig ko nalang ang tawa niya niya sa sinabi ko. May nakakatawa ba dun? Haha ang adik niya na talaga.
Pagkatapos kong magtoothbrush, nagounas muna ako ng bibig gamit ang towel malapit sa sink.
Pagkalabas ko, nakita ko pa din si Austin na naka tayo sa may pintuan palabas.
"Breakfast Mommy?"
"Kala ko ba hindi ka marunong sumabay sa kainan? Anong nakain mo?"
"Uhm.. pagmamahal ni Kaycee?"
"Dream on. Halika na nga. Nagugutom na ako."
"Uminom ka ba ng gatas kagabi?"
"Uh yes. Bago pa dumating si Ste--.. Never mind."
Habang naglalakad kami pababa ng hagdan, napansin kong ang tahimik ng paligid. Siguro wala pa rin hangang ngayon si Amanda.
"Asan si Amanda?" Tanong ko kay Austin.
"Ewan."
"Sabi ko nga eh, hindi mo alam. Salamat sa matinong sagot ah." Sarkastiko kong sabi.
Ngumiti din siya sa akin ng pa sarcasm.
Haay nako!
Nang makapasok na kami sa kusina, nakahanda na lahat ng pagkain. Umupo nalang ako at nag lagay kaagad ng kanin.
"Takaw mo talaga. Ganyan ba talaga pag buntis?" Tanong ni Austin.
"Ewan." Paggaya ko sakanya.
"Tss. Pilosopo." Sagot niya.

BINABASA MO ANG
The Baby
General FictionSi Kaycee Isler ay isang mayaman na anak. Kaya napag-kasunduan itong ipakasal sa anak ng mga kaibigan ng kanyang ina. Ayaw magpakasal ni Kaycee kaya tumakas sya kasama ang kanyang Yaya. Sa pagtakas na iyon, mararanasan niya ang buhay na hindi niya...