The baby •17•
Kaycee's POV
O baby narinig mo yung sinabi ng Doktora mo ah? Healthy ka daw ngayon at i-stay mo lang daw yan para di magka-problema si Mommy sayo ah?
Katatapos lang namin magpacheck up sa Doktora ko at ngayon, nagda-drive na si Austin papunta sa.... actually hindi ko alam.
"Are you hungry?" napalingon ako sa nagda-drive sa gilid kong deretso lang nakatingin sa kalsada.
"Uhm hindi pa naman. Kaka-kain lang naman natin mag-breakast eh." binalik ko ang tingin ko sa harap at tumingin-tingin nalang sa mga nakaka-salubong naming sasakyan.
Kahit gutom naman talaga ako TT^TT
Mga bulate at Baby, hinay-hinay lang sa pagra-rymble dyan sa tyan ko ah? Baka marinig kayo ni Austin. (-_-' )
"3 hours na kaya ang nakakalipas nung mag-breakfast ka. Its already lunch." he seriously said. Walang lingon-lingon. Ayos ah, may stiff-neck?
"Promise di pa ako gutom. Okay lang ako." No!! Hindi ako okay! Pakainin mo ako or else, ikaw ang kakainin ko!
Joke lang (^_^)v
"Edi wag kung ayaw m--"
"JOKE! Ha-ha-ha.. Gu-gutom na ako. Kurukuruk turutkurok! Sabi ng tyan ko! Halika na! Kain tayo!" I faked a laugh then copied the sound of a hungry tummy.
I heard him chuckle.
Sige pagtawanan mo lang ako. Tusukin ko ngala-ngala mo eh!
Ni-U-Turn niya yung sasakyan at himinto sa isang Hotel Resto.
"Ceasar's Place." sabi ko habang tinitignan yung buong place from the car's window.
"Yeah. I used to eat here kapag dumadaan ako dito. Kaibigan ko kasi ang anak ng may ari nitong place. Park lang tayo ah."
The place's name looks familiar. Hindi ko lang matandaan. Parang narinig ko na yan before eh. But i forgot.
Nang makapag-park na kami, inalalayan niya akong lumabas ng kotse at inalalayan din sa pagpasok sa main entrance.
"Lahat gold... Mayaman." i murmured while we're walking. Is that even real? Joke ^_^
Dere-deretso lang kaming pumasok sa isang resto sa loob ng hotel na ito.
"Good Afternoon Ma'am and Sir. Table for?" bati ng babaeng Receptionist.
Table for?! DUH! Hindi niya ba kami nakikita?! DALAWA lang kami for her eye's sake!
"Table for two Miss." Austin answered.
"This way Sir." tinuro samin ni Ateng Receptionist yung puro tables and chairs na for two. "Ma'am, Sir, if you do have some orders, kindly call the waiter. There's already a menu there on your chosen table. " sabi niya habang nagse-sway-sway yung pwet niya.
Akala niya naman di ko nahahalatang kay Austin lang siya nakatingin hanggang sa matapos yung walang kwenta niyang speech! Sarap tusukin ng tinidor yung mata at pwetan niyang pakendeng-kendeng eh! Arg!
"Where'd you wanna sit?" singit ni Austin sa nag-aalab kong tenga.
"Dun nalang sa may garden. Mukhang FRESH yung hangin. Walang halong ALIKABOK." sabay hila ko sakanya sa nay garden.
"Hey-hey! Careful! Baka madapa ka." sabi niya dahil kinakalad-kad ko na siya.
Masisisi niya ba ako?! Sumusunod kaya si ALIKABOK!
"Bilisan mo nalang!" i said. "Papakainin kita ng bato mamaya." bulong ko. Para kay Austin yun binulong ko.
"Ha?"
BINABASA MO ANG
The Baby
General FictionSi Kaycee Isler ay isang mayaman na anak. Kaya napag-kasunduan itong ipakasal sa anak ng mga kaibigan ng kanyang ina. Ayaw magpakasal ni Kaycee kaya tumakas sya kasama ang kanyang Yaya. Sa pagtakas na iyon, mararanasan niya ang buhay na hindi niya...