Kaycee's POV
"Kaycee, would you be my girlfriend?"
Ano daw? Gerlpren? Ako?
Para kang ewan Kaycee. Kaycee nga daw eh. Malamang ikaw yun. Tss.
Ano naman ang isasagot ko? Agad-agad na ba 'to?
"You don't have to worry Kaycee. Di ko pa naman hinihingi ang sagot mo ngayon eh. I just want you to know that I am sincere with you and that baby inside you. I will court you too." Hala di ko alam ang sasabihin ko. "Halika na Kaycee." Bumaba sya ng kotse at pumunta sa pintuan ko para pagbuksan ako ng pinto.
Heh! Pa-gentle-gentleman pa syang nalalaman dyan kala nya naman kinilig ako!
Tumigil nga sya!
"Anong gusto mong ipa-luto Kay?"
"Ha?" I hurriedly asked. Sumisingit kasi sya eh nag-iisip ako dito! Huhuhu ang bad nya! Di man lang mag-excuse.
"Kung ano ang gusto mong ipa-luto. Lunch na." Sabi nya habang nila-lagay ang right hand nya sa jean's pocket at tinignan naman ang left arm kung saan naka lagay ang wrist watch nya.
Para akong na-gutom bigla nung naalala kong lunch na nga pala. Ang daming pumasok sa isip ko na masasarap na pagkain.
"Adobong manok na may singkamas, sinigang na hipon na may singkamas, pinakbet na may singkamas," binibilang ko sa daliri yung mga pagkain na binabanggit ko, "tapos yung kanin dapat fried din with singkamas. Tapos yung desert, singkamas fries at singkamas flavored na ice cream. Yiee ang sarap!" Sabi ko habang tinataas-taas pa yung kamay ko sa ere.
"Lahat may singkamas? Masarap ba yung singkamas?"
"Oo kaya! Tikman mo mamaya dali! Hala magpa-bili ka na Austin kasi nagugutom na ako." Pagmamaktol ko.
"Eh ang hirap naman ata humanap ng mga ganyang putahe eh."
"Kung ayaw mo edi wag," binilisan ko ang lakad ko, "parang singkamas lang eh." Bulong ko.
Teka-- bakit ang bilis ko atang mag-change ng mood lately? Haaay hayaan na ng--
Napatigil ako nung hinila nya ang kamay ko at hinarap sakanya.
"Okay sige gan'to nalang. Maghahanap ako ng mga putaheng gusto mo. Pero pag wala akong nahanap, pwede bang ipa-luto nalang kita kay Manang Lydia?" Kalmado nyang sabi sa akin.
Si Manang Lydia ba kamo?! Wow!!
"Sige Austin!" Napayakap ako sakanya ng sobrang higpit dahil sa sobrang tuwa ko, "Thank you!"
Te-teka? Napa-yakap ba kamo? Dahek?!
Napa-bitaw tuloy ako bigla sakanya at sabay sabi ng, "So-sorry."
Napatawa sya bigla at tsaka ginulo ang buhok ko at patuloy naglakad sa loob.
Bakit ang masculine ng tawa nya? Bakit ang deep? Bakit parang ang sarap pakinggan?
Haay nakaka-inis!
Sumunod na ako sakanya pa-pasok sa loob.
----
"Ang tagal naman ni Austin bumalik. Naka na-gutom na talaga!" Bulyaw ko habang pinagbaba-bato si Eloisa ng unan.
Eeeh ang daya nanaman ni Eloisa eh! Sinasalo nya nanaman!
"Wag mo kasing saluhin Eloisa! Hayaan mong matamaan ka sa mukha!" Bulyaw ko pa lalo sakanya.
"Eh ikaw kaya batuhin ko ha? Hindi mo iilagan? Ikaw buntis ka nagiging tanga ka na ha!" Bulyaw nya din sakin habang binabalik sa akin yung mga bina-bato kong unan.
BINABASA MO ANG
The Baby
General FictionSi Kaycee Isler ay isang mayaman na anak. Kaya napag-kasunduan itong ipakasal sa anak ng mga kaibigan ng kanyang ina. Ayaw magpakasal ni Kaycee kaya tumakas sya kasama ang kanyang Yaya. Sa pagtakas na iyon, mararanasan niya ang buhay na hindi niya...