The Baby *24*

493 12 0
                                    

Kaycee's POV

Ang bigat naman!

Ang bigat naman ng naka-patong sa hita ko!

Ano ba yun?

Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at nakitang nakapatong ang isang paa ni Austin dito. Tss. This man! This man... this man is... this man is... cute.

No. Perfect.

Ano ba yan kahit tulog ang perfect nya.

Tumagilid ako para makaharap ko sya. Kahit na medyo may mabigat sa hita ko at may malaking umbok naman sa tyan ko, hindi naman naging hadlang ang mukha namin sa isa't isa. Sobrang lapit.

Bakit nga ba ulit ako tumagilid? Muntik na magdikit yung mga labi namin oh! Naku Kaycee ikaw talaga.

Nagulat nalang ako ng may dumikit sa ilong ko. Nakita kong dinikit ni Austin ang ilong nya dito at ginalaw-galaw.

"Good morning Mommy." Sabi nya habang tuloy pa din sa pag-galaw ng kanyang ilong sa aking ilong habang naka-pikit.

M-mommy?

"H-ha?" Napahinto sya at napadilat sa sagot. Napa-simangot din sya.

"Wala manlang good morning sa'yo?"  Sabi nya kunwari'y nagtatampo kasi may pout at may puppy eyes pang kasama. Napangiti tuloy ako bago kurutin ang ilong nya.

"Good morning." Sabi ko. He chuckled.

Haay. Kung gan'to lang sana ang makikita mo tuwing umaga, naku, mas gugustuhin mo nalang sigurong humiga sa kama mag-damag.

Pero napa-hinto ako sa pag-ngiti nung makita kong may eye bags si Autin. Di ba sya naka-tulog ng maayos kagabi? Bakit malikot ba akong matulog?

"Austin bakit ka may eye bags? Malikot ako no? Di ka naka-tulog ng maayos. Dun ka na nga lang matulog sa kwarto mo mamaya. Di ka nakaka-tulog dito ng maayo--"

"I was watching you while you were asleep."

Natigilan ako dun. Pi-pinapanood nya ako habang tulog ako? Bakit?

"Ha-ha! Nakakatuwa yang joke mo ha. Ha-ha!" Sabi ko tapos tumawa ng pilit.

"No. I wasn't joking Mommy. Di ka ba naniniwala sakin?" Sabi nya tapos nag-puppy eye at nag-pout nanaman. Hayyy kainis naman yang cuteness nya!

Err-- Mommy nanaman.

"Naniniwala. Aish sige na nga. Bumangon ka na nga Austin. Baho mo." Syempre joke lang yun. Kinakabahan kasi ako sakanya eh. Nag-iba sya nung nalaman nyang mahal ko sya. I mean, mas naging sweet sya. Nakakatakot. Huhuhu. Lalo akong mai-inlove eh.

"Mabaho pala ah!" Bumangon sya at umupo sa gilid ko. Tinignan ako ng para bang may balak sya. Ngumiti din sya ng nakakaloko.

Uh-oh.

"Austin. Ayoko mag-laro ngayon. Please la-- HAHAHAHA!!! TAMA NA HAHAHAHA! AUSTIIIN!!" Halikan ba naman ako sa leeg! Nakikiliti kaya ako!

"Mabaho pala ha. Ayan hmmm" tuloy pa din sya. At dahil nag-pupumiglas ako, hinawakan nya ang mga kamay ko at tuluyang nahalikan ang aking leeg.

"AUUUSTIIIIN!! HAAHHAHA AYOKO NA!! Oo na mabango ka na hahaha!" Tapos tumigil din sya sa paghalik. Phew!

Hinahabol ko tuloy yung hininga ko. "Loko ka talaga Austin!"

"Mabaho ako eh sabi mo." Sabi nya habang nag-pipigil ng tawa. "Oh ano? Mabango na ako?"

Tumango ako habang nag-pipigil ng tawa. Kaka-pigil ko, napa-snork ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Baby Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon