Kaycee's POV
"Uhm, Steve, sorry ah, kailangan mo na atang umalis. Ano kas--"
"Di okay lang. Let's continue this lesson next time I guess?" Sabi niya habang tinatanggal ang apron na suot niya.
"Uh, sana." Sinabayan ko siya palabas sa main door hanggang sa kotse niya. "Uhm, thanks sa kanina ah. Nag enjoy ako kahit na, ayun nga, nagka problema."
"Okay lang. Nag enjoy din naman ako sa company mo eh. Yun nga lang, may istorbo. Pa emote-emote pangnalalaman, nag tuturo lang naman ako." Sabi niya habang natatawa.
"Haha ganun talag-- *SMACK*"
"Bye Kaycee." Sabi niya sabay pasok sa kotse niya.
Hi-hinalikan niya ba talaga ako? Sa-sa pisngi? A-anong nangyari?
Baka friendly kiss lang yun Kaycee! Wag kang OA mag react!
Sa di malamang dahilan, napatingin ako bigla sa taas at sakto naman pagkakita ko kay Austin.
Naka patong ang dalawa niyang kamay sa handle ng terrace habang hawaka ng isang bote ng alak.
Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Medyo basa ang din ang buhok niya. Kaliligo niya lang siguro.
Kausapin ko kaua siya ngayon? Mag so-sirry nalang ako sakanya. Kasalanan ko din to in the first place eh, kung marunong lang kasi akong magluto, hindi na sana ako tuturuan ni Steve at hindi na sana makikita ni Austin na magkasama kami sa kusina.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at dumeretso papunta sa kwarto ni Austin. Kaya ko to.
*Knock knock knoc--*
"Pasok"
Nakakakaba ang boses niya ngayon. Mas nakakakakaba ngayon keysa kanina.
Binuksan ko ng dahan-dahan ang pintuan. Nakita ko si Austin, nanduon pa din siya sa terrace at nakatalikod sa akin.
"Austin gu--"
"Shhh." Humarap siya sa akin at lumapit. Binuka niya ang mga kamay niya na para bang yayakapin ako. Pero huminto muna siya at tumingin sa akin na para bang 'Pwede-ba?' Kaya tumango nalang ako,
Yinakap niya ako ng mahigpit na mahigpit, iba ang naramdaman ko sa yakap niya, para bang ginawa talaga yung kamay at braso niya para yakapin ako. Ang sarap sa pakiramdam.
Di ko namalayan na napayakap na rin pala ako sakanya.
Maya-maya pa ay may may tumulong basa sa balikat ko. Umiiyak ba siya?
"Na-namiss kita Kaycee." Sabi niya. Hindi parin siya umaalis sa pagkakayakap sa akin.
"A-ako din Austin."
"Kaycee, d-di ko alam bakit iba nararamdaman ko kapag kasama kita. Nung unang kita ko palang sayo sa bar, nagustuhan na ata kita eh. Lumala nga lang ngayon."
"Austin..."
"Naging.. ewan.. basta lalong lumala."
"Austin..."
"Kaycee, kung may nararamdaman ka din sa akin, please patunayan mo ngayong gabi para di ko naman masabi sa sarili kong tanga ako."
Meron nga ba akong nararamdaman sa kanya?
Siguro, maliit lang.
Hindi, medyo.
Oo nga sa tingin ko malaki ang nararamdaman ko sakanya. Siya ang nagpapasaya sa akin. Paano? Kapag naiinis ako saknya, pag nilalambing niya ako, pag pinag susungitan ko siya, lagi parin siyang nandyan para kulitin at lambingin ulit ako. Syempre kahit sa ganung bagay, nadadagdagan ang pagtingin ko sakanya bilang ama ng anak ko.
BINABASA MO ANG
The Baby
General FictionSi Kaycee Isler ay isang mayaman na anak. Kaya napag-kasunduan itong ipakasal sa anak ng mga kaibigan ng kanyang ina. Ayaw magpakasal ni Kaycee kaya tumakas sya kasama ang kanyang Yaya. Sa pagtakas na iyon, mararanasan niya ang buhay na hindi niya...