Chapter 4

1.2K 19 5
                                    


Dahil hindi dito matutulog si Manang ngayon ay napadali lang sa akin ang pagaayos ng gamit ko. Balak kong umalis mamayang gabi palayo dito.

Bigla kong naisip ang Baguio. Mukhang magandang manirahan doon.

Bago umalis ay marami akong kailangang asikasuhin kaya mamayang gabi na lang ako aalis.

Nang matapos ko ang pag aayos ng gamit ko ay tinawagan ko si Aica. Ang nag-iisang kaibigan kong pinagkakatiwalaan kong lubos.

"Aica," bati ko.

"Musta result? Kasalanan ko ba? Oh no sorry," halos maiyak nitong sabi.

"I'm pregnant Aica," sabi ko kasabay ng pagtulo ng mga luhang kanina ko pa pigil pinapakawalan.

Natahimik ang kabilang linya.

"I d-don't know what to say," pag-amin nito. "Anong balak mo?"

Hindi ko masisisi si Aica kung bigla siyang natatameme sa ganitong sitwasyon. Sino nga bang hindi? Kapag nalaman mo ang kaibigan mo, magiging nanay na pero walang asawa. Maghahalo-halo na siguro ang mga phrases na gusto mong sabihin sa kaibigan mo para ma-comfort lang siya.

"Lalayo ako. Nakilala ko na ang ama ng anak ko. Mukha namang wala sa hitsura nito ang pagsesettle ng isang pamilya at isa pa mukhang may pamilya na rin siya. Pinarausan lang ako," naiyak na ako.

"Saan ka nanaman pupunta? Gusto mo samahan kita? Asan ka ba? Pupuntahan kita." naiiyak na rin nitong sabi. Basag na ang boses niya.

"No. I'll be okay. Gusto ko lang talagang lumayo. I'll call you kapag nandoon na ako. Mamayang gabi na ako aalis," sabi ko.

"Bakit ka ba lalayo? Ayaw mo bang magstay na lang dito?" pahabol na tanong ni Aica.

"Natatakot ako sa mga posibleng mangyari. Ang daming pumapasok sa isip ko. Pano na lang kapag lumaki ang bata tapos heto ako't nagtatago lang dito malapit sa pinagtataguan ko? 'Di ba mas maganda ng lumayo para malaya kaming makagagalaw? Tapos 'yung tatay niya, 'di ko alam kung may pamilya na. Pero isa lang ang sigurado ako. Ayoko ng kahit anong pahamak," paliwanag ko sabay punas sa tumutulong luha ko.

"Wala na bang makapipigil sa'yo?" tanong niya.

"Wala na," desidido na ako.

"Kung ga'non, susuportahan na lang kita. Basta lagi mo akong tatawagan ha?" sabi ni Aica.

"Sigurado,"

"Mag-iingat kayo. Ikaw," pahabol pa nito.

Magiging okay din ang lahat. Magiging okay din.

Malapit na mag-gabi at nakapag book na rin ako ng bus patungong Baguio. Kailangan ko na lang magpaalam kina Manang Lydia at Kiel para tuluyan na akong maka-alis.

Lumabas ako ng kwarto habang hawak ang mga gamit ko. Napalingon sa akin si Kiel na nagluluto sa kusina.

"Bakit mo dala ang mga gamit mo?" pagtataka nito.

Ngumiti ako sa halip na sagutin ang tanong niya.

"Kiel kailangan ko ng umalis. Please tell Manang that I am really grateful of her. Pati sa'yo. Babalik ako dito kapag okay na ang lahat," sabi ko. Lumapit ako saka siya niyakap. Para na kasi siyang kapatid sa akin. Mamimiss ko siya.

Nag-aalangan pa ito kung yayakap din ba siya o hindi dahil medyo gulat pa. Pero naramdaman ko rin naman na binalik niya ang ginawa ko.

"Bakit mo ba  kailangan umalis? 'Di ba pwedeng dito ka na lang?" tanong nito habang yakap ako.

"Malalaman mo rin kung bakit. Pero 'di pa pwede sa ngayon. Basta alagaan mo si Manang," sabi ko na lang saka humiwalay sa kaniya. "Aalis na ako."

"Alam ko dapat 'di ako manghimasok sa mga desisyon mo kaya susuportahan na lang kita Kaycee," mahinahon nitong sabi. "But please take a good care of yourself."

The Baby Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon