Chapter 6

1.2K 19 1
                                    

Maaga akong nagising dahil may naamoy akong mabango. Bigla akong nagutom. Bumangon ako mula sa kama at nakitang nasa bedside table ko na ang singkamas na tinitigan ko kagabi. Paano 'yan napunta diyan?

Nagtoothbrush lang ako dahil tinamad akong maligo. Mamaya na lang.

Lumabas ako ng kwarto at napahinto ng makita ang isang babae't lalaki na nagtatawanan sa kusina habang nagluluto. Scratch that. 'Yung babae lang pala 'yung tumatawa. Samantalang 'yung lalaki seryoso. Kailan ko pa nga ba nakitang di 'yan seryoso?

Ganun pa rin ang hitsura niya. Kaso lang mukhang pagod ito. Bagsak ang mga balikat niya. Nakatulog ba siya?

"Paabot nung egg please," sabi ng babae. Sa postura pa lang nito halata mong mayaman at maganda. Sinisigaw ito ng suot niyang mamahaling damit at magandang kurba ng katawan. Napatingin ako sa katawan ko. Malayong-malayo kumpara sa kaniya.

Wait. Pinagkumpara ko ba ang sarili ko sa babaeng 'yan?

Lumingon ang babae sa gawi ko. Kinabahan ako lalo dahil ang ganda niya.

"Oh she's awake," sabi nito kay Austin kaya napalingon din siya sa gawi ko. They look like a sweet couple.

Bakit nga ba ako nandito? Labas dapat ako sa relasyon nila. Ayokong nakaka-abala. Ito ang kinatatakot ko. Pano na lang pagnalaman ng anak ko na kabit ang nanay niya?

'Di ko namalayang nakalapit na pala sa akin 'yung babae. Nilahad nito ang kamay niya sa akin.

"Hi! You must be Kaycee. I'm Amanda," nakangiti ito at mukhang natutuwang makita ako kaya naman inabot ko ang kamay niya kahit na nag-aalangan ako.

"N-nice to meet you," nahihiya kong sabi.

"You look lovely!" masaya nitong sabi.

"T-thanks," nahagip ko ng tingin si Austin at nakitang nagluluto na siya. Wala siyang pakielam kahit na kinakamayan na ako ng girlfriend niya?

"Magaling ka pala pumili Kuya eh. I like her," sabi nito. Napatitig ako sa kaniya. Gulat na gulat.

"K-kuya?"

"Oo. Kapatid ko siya. Malas 'no?" hindi ako nakagalaw kaagad. "Mainitin ulo eh." halos pabulong nitong dagdag.

So magkapatid sila?

Namula ang mga pisngi ko. Kung ano-ano pala ang iniisip ko. Sobra na ata ako sa tulog.

Napatingin ako sa braso niya. Naka-benda ito. Napansin niya sigurong nakatingin ako sa braso niya kaya ngumiti ito.

"Na-aksidente kasi ako kahapon. Lasing ako tapos nag-drive kaya ayan, injured," paliwanag niya.

Kaya pala sabi ni Austin kahapon nung may kausap siya sa telepono, ingatan nito ang sarili niya para sa kaniya. Now it makes sense.

"Sinundo ako ni Kuya kagabi kasi medyo malapit lang dito sa Baguio 'yung ginimikan ko kaya wala pa siyang tulog," tinignan ako nito sa mata. 'Yung may meaning na hindi ko naman alam. "Kawawa 'no? Kailangan niya ng mag-aasikaso sa kaniya."

Binubugaw niya ba ako sa kapatid niya? Oh no.

"Let's eat," pagpuputol ni Austin ng usapan namin ni Amanda. Naka-hain na pala ang mesa.

"Tara," yaya ni Amanda saka siya lumapit sa hapag. Lumapit na rin ako at umupo sa harap ni Amanda. Ayokong umupo sa harap o tabi ni Austin dahil alam kong galit pa rin siya. Mabuti nang sila ni Amanda ang magkatabi.

Nagsimula na kaming kumaing tatlo. Maraming pagkaing naka-handa. Halos lahat masustansiya. Sila ba ang nagluto nito?

"May problema ba kayong dalawa? Hindi kayo nag-iimikan," puna ni Amanda habang kumakain. 'Di naman umimik si Austin kaya ako na lang ang nagsalita.

The Baby Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon