Chapter 7

1K 21 1
                                    

"Hi neighbor!" masayang bati sa akin ni Johnwin. Lumabas kasi ako para magtapon ng basura sa gilid ng pintuan. Naroon kasi ang balaking trash bin na siyang kinokolekta ng mga housekeepers.

"Hello. Musta?" Bati ko rin dito.

"Okay lang. Ikaw?" lumapit ito sa akin. "Lalo kang nagiging blooming."

Natawa ako. "Bola. Okay lang ako."

"May niluto nga pala akong carbonara sa loob. Walang ibang kakain bukod sa akin. Gusto mong tikman?" alok nito.

Mukhang natakam nga ako sa carbonara. Pero ayoko namang mag-isip si Johnwin na patay gutom ako kaya kunwari nag-isip pa ako. "Pag-iisipan ko."

Ngumisi ito. "Chef ako. Hindi ko ba nasabi sa iyo?"

Chef siya? Kaya naman pala marami siyang mga stock ng pagkain sa kusina niya nung last na punta ko. Masaya 'to. Ngayon lang ako nagkaroon ng kapitbahay na chef.

"Ano bang toppings?" pabiro kong tanong.

"Bacon and ham," mas lalo akong natakam.

"Tara sa loob," yaya ko sa kaniya na nagpatawa dito.

Pagkapasok ko sa loob ay malinis na ang suite niya. 'Di katulad nung unang punta ko dito.

"Natuto ka na palang maglinis ngayon ah?" asar ko habang umuupo sa sofa.

"Malinis naman talaga lagi ang suite na'to. Sadyang dumating lang ang mga kaibigan kong magugulo nung araw na pinapunta kita," pagtatanggol niya sa sarili. Pumunta ito sa kusina niya. "Tara."

Tumayo ako at excited na sumunod sa kaniya. Namiss ko kasi ang carbonara.

Naalala ko tuloy ang pagtawag nina  Manang Lydia kaninang umaga. Nangangamusta. Pati ang sinabi niyang wala pa ring lead sa akin sina Mommy. Nakahinga talaga ako ng maluwag sa sinabi niya.

Naglagay ng carbonara si Johnwin sa isang plato at pinaghandaan ang presentation ng plating nito. Naiiling na lang ako habang tumatawa dahil mukha siyang ewan habang ginagawa iyon. Poging ewan.

Matapos ang ginagawa niyang presentation ay kumuha siya ng carbonara gamit ang tinidor at sinubo sa akin. "Rate it from one to ten."

Nginuya ko naman ito. Masarap nga siyang magluto. "Zero." Sabi ko pa habang pinagcross ang dalawa kong kamay na para bang ekis.

Natawa ito at ginulo ang buhok ko. "Alam ko namang nasarapan ka."

Kinuha ko ang platong hawak niya at dumeretso sa dining area. Doon ako kumain.

"May pa-ekis ekis ka pa ha," natatawa nitong komento habang umuupo sa harap ko. Inabutan niya ako ng tubig.

"Thanks," sabi ko.

Napatagal ang pagtambay ko kina Johnwin dahil naeenjoy ko talaga ang company niya. Napaka-bait niya. Kaya naman nung nagsimula ang kwentuhan namin sa sala niya ay naikwento ko sa kaniya ang tunay kong kalagayan.

"Buntis ako," napatigil siya sa pagtawa. "It was an accident. I was drugged and this happened."

Hindi ito umimik pero alam kong naiintindihan niya ako.

"Naglayas din ako sa amin. Kasi 'yung parents ko gusto akong isabit sa arranged marriage. Funny right?" natatawa kong sabi. Pero sa alalalang 'yun gusto kong umiyak dahil para akong binebenta ng aking mga magulang.

Marami pa kaming napagkwentuhan. And I am thankful na nakilala ko si Johnwin kasi naiintindihan niya ako. Para bang nadagdagan ako ng panibagong kaibigan.

Hinatid ako ni Johnwin sa tapat ng suite ko.

"Thanks sa carbonara! Next time ulit," sabi ko.

"Sige. Uubusin na'tin lahat ng laman ng ref ko tapos ipapakain kong kahat sa'yo," natatawa nitong sabi. Ginulo nito ang buhok ko. "Pumasok ka na. Bye."

The Baby Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon